Kabanata 31

30.1K 442 20
                                    

Kabanata 31

Rabiah

Hindi ko na nagawa pang mag-focus mula noong natapos ang pag-uusap namin ni Freyja. May bahagi ng aking puso na natakot dahil sa mga bagay na naisip ko matapos malaman ang bersyon niya ng katotohanan.

What if Russia finds out the truth? That she was poisoned because his family didn't want her for Russia? Magbabago ba ang isip ni Russia? Mananaig ba ang awa sa boyfriend ko oras na mapagtanto niyang biktima si Freyja? Na hindi naman talaga nagloko si Freyja?

Babalik ba si Russia kay Freyja? Iiwan ba niya ako?

Naihagod ko ang mga palad ko sa aking hita saka ako humugot ng malalim na hininga. Ilang minuto na mula nang magsimula ang timer. Halatang kinakabahan na ang mga kasamahan ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin dinadampot ang tattoo machine. Nakamarka na sa balat ng modelo ang design ngunit heto ako, tulala lamang sa disenyo at hindi pa magawang magsimula.

"Biah," nag-aalalang tawag ni ate Raima.

Bumaling ako sa aking mga kasama habang balisa ang aking mukha. They all looked worried except Russia. Tila ba kalmado lamang siya dahil malaki ang tiwala niya sa akin.

I swallowed the lump in my throat. "Parang . . . kailangan ko ng sub."

Nagkatinginan sina ate Raima, Donny at kuya Boyd. Maya-maya ay hinawakan ni Russia ang magkabila kong balikat saka siya bahagyang yumuko.

"You got this, baby," he reminded. "Do this for your siblings."

Napatitig ako sa kanya nang kumirot ang aking dibdib. I forgot about my siblings since I got here. Ni hindi ko sila nakumusta dahil masyado akong naging invested kina Freyja at Russia.

A familiar song called 711 by Toneejay played in the large speakers. Napatitig ako sa disenyong ginawa ko. I didn't say a word for a few seconds nor did anything until something hit me.

Gusto kong magtagumpay sa buhay para sa mga kapatid ko.

Gusto kong maabot ang mga pangarap ko nang maisip nilang walang imposible.

Para sa kanila lahat. Para sa maayos na kinabukasan nila. Sa kumportableng buhay na ako mismo ang magbibigay. Hindi si Russia o kung sino pa man. Ako.

I grabbed the red ballpen and looked at Russia. Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Nang tila nakuha niya ang gusto kong mangyari ay payak siyang ngumiti bago tiningnan ang modelo.

"Stand up," utos niya sa modelo.

Naguluhan ang lahat nang maupo si Russia sa artist chair. Ngumiti naman ako at tinitigan ang kanyang balikat.

As if Russia doesn't need to hear another word, he removed his shirt and adjusted his chair so I could sketch on his shoulder properly.

"Do it, baby," he said with so much faith in me.

I pursed my lips and nodded. Iginuhit ko gamit ang red ballpen ang disenyong naisip ko. Nang matapos ang sketch ay kinargahan ko na ng ink ang maliit na container.

Sinimulan ko ang pagtinta sa balikat ni Russia. I didn't care about the time anymore. Nag-focus ako sa mismong disenyo at ibinuhos ang buong puso ko roon.

Russia gave me a proud smile as soon as I'm done drawing on his shoulder. Tumayo ako at ibinaba ang tattoo machine, hindi mapigilan ang munting ngiti sa pagsilip sa aking mga labi. Manalo o matalo, masaya ako sa disenyong napili ko.

"I'm proud of you," Russia whispered while the judges are roaming around to check the designs.

Ngumiti ako sa kanya at sinalat ang kanyang kamay. "Salamat, Russ."

VALENTINO SERIES 1: Enslaved By His TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon