Kabanata 32
Rabiah
Nakabalik si Russia pagkatapos ng halos tatlompung minuto. Sa akin kaagad ang tungo niya na tila alam na niyang nasaktan ako.
I tried to dodge his gaze as soon as he reached our booth. Nagpanggap akong nakatitig sa tattoo design na ginagawa ni kuya Boyd kahit ang totoo ay hindi ko naman talaga magawang maging invested doon.
Mariin kong pinaglapat ang aking mga labi nang madama ko ang unti-unting pagyakap ni Russia sa aking mga balikat. Bumaba rin ang kanyang ulo upang patakan ng masusuyong halik ang gilid ng aking ulo.
"I'm sorry, baby," he whispered before pecking a kiss on my temple.
Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan nang makita ko ang tila nangungutyang tingin ng mga kasamahan ni Freyja na naiwan sa booth nila. Para akong nanliliit. Kahit na may tiwala naman ako sa pagmamahal ni Russia, kapag pala may mga tao nang nagbibigay ng masasakit na opinyon, maaapektuhan ka pa rin.
"A-Ayos lang." Humugot ako ng hininga. "S-Sana . . . nagbantay ka muna ro'n."
"Hindi kailangan. I already gave them a ride to the hospital. Natagalan lang akong makabalik dahil traffic." Pinaharap ako ni Russia sa kanya at pinagsalikop ang mga palad namin. Tumingin siya kina kuya Boyd pagkatapos. "Bibili lang kami ng snacks at inumin."
As if our teammates already knew why Russia wanted to take me out for a drive, they all nodded their heads then smiled at me. Para bang sinasabi sa aking magiging maayos ang lahat.
Hindi na ako kumibo pa. Magkahawak ang mga kamay kaming naglakad paalis ngunit bago kami nakalayo ay bigla na lamang nagtawanan ang mga kasamahan ni Freyja. Napalingon ako sa kanila ngunit lalo lamang akong nanliit nang makitang sa mga kamay namin ni Russia nakatutok ang mapangutya nilang titig.
I swallowed the lump in my throat before I tried to pull my hand away. Napakunot ng noo si Russia sa aking ginawa. Hindi naman siya nagtanong pa ngunit inakbayan niya ako hanggang sa nakarating kami sa kotse.
Hindi ako nagsalita nang makapasok siya sa sasakyan. He started the engine and then sighed. Maya-maya ay nilingon niya ako't kinuha ang aking kamay upang marahang pigain.
"Tell me what's bothering you," he demanded.
Mariin kong isinara ang aking mga labi bago ako umiling. Halatang hindi siya kumbinsido kaya hinawakan ako sa pisngi at hinalikan sa mga labi.
I tried to respond a bit. Nang maputol ang halik ay malamlam ang mga mata akong tinitigan ni Russia.
"Baby, I cannot fix this if you won't talk to me. I hate seeing you like this," he said in a gentle voice.
Nahihiya at nalulungkot kong ibinaba ang aking tingin sa kanyang dibdib. "N-Naiintindihan ko naman na . . . tumulong ka lang kanina. Kahit paano naman ay may pinagsamahan kayo. N-Nasaktan lang ako kasi . . . tao rin ako, Russia eh. Saka . . . ang sakit marinig mula sa ibang tao na sabihing kaya ka lang malambing sa akin kasi gusto mong . . . pagselosin si Freyja." Uminit ang sulok ng aking mga mata nang muli kong salubungin ang tingin niya. "H-Hindi naman . . . totoo 'yon, 'di ba?"
"God, no. Who said that?" halatang napikon niyang tanong ngunit hindi ako sumagot kaya bumuntonghininga siya. "Rabiah, hindi ko kailangan ng kahit sinong audience para ipakita ko sa'yo kung gaano ko kagustong palaging nakalingkis sa'yo. Hindi natin kailangan ng opinyon ng iba. They're not part of this beautiful relationship. Hindi rin ako bata para pagselosin pa si Freyja. I'm twenty nine. I don't do stuff like that. Not even before. Kung nilalambing kita sa harap ng maraming tao, 'yon ay dahil baliw na baliw ako sa'yo. Wala akong pakialam kung maiintindihan ba nila 'yon o bibigyan nila ng ibang kahulugan. You know why? Because I don't give a fuck about them."
BINABASA MO ANG
VALENTINO SERIES 1: Enslaved By His Touch
RomanceRabiah Tamarez has been enslaved all her life. Alipin sa mga magulang na dapat ay nagbibigay sa mga pangangailangan niya, sa bulok na paniniwalang dapat siya ang mag-ahon sa mga ito sa kahirapan, at sa pananaw na lahat ng taong may bisyo at tadtad n...