Kabanata 40
Rabiah
"Nwoy-nyow! Gusto pa dlowing, eh!"
"Drawing. Dra-wing. Isa pa, Viv. Dra-wing."
"Palehas naman, tito eh palehas, eh!"
Napabangon na ako nang tuluyan nang marinig ko ang pag-ungol ni Efren sa kunsomisyon. Nilingon niya ako habang pareho silang nakapamaywang ni Vivy sa gilid ng kama.
"Oh, nagising tuloy ang nanay mo. Ikaw kasi, Vivy eh," ani Efren. Nai-stress sa makulit na pamangkin.
Bumangon ako't nginitian ang limang taong si Vivy. She crawled up to the bed to give me my morning hugs and kisses. "Nanay, tama naman nisasabi, eh. Dlowing naman, eh."
Kinalong ko siya't pinupog ng halik. "Bakit puro na naman drawing 'yang mga braso at binti mo, anak? Mahihirapan na naman tayong tanggalin 'yan."
Umismid si Efren. "Naku, 'teh. Alam mo na ang sagot."
Pinandilatan ko ng mga mata si Efren. Lumabas naman siya ng silid para siguro ipagtimpla ako ng kape.
Tiningala ako ni Vivy. "Gusto magaya sa nanay po. Nagdlowing sa balat po."
Sinuklay ko ng aking mga daliri ang kanyang buhok. "Anak, 'yong ginagawa ni nanay, trabaho po 'yon para may pambili tayo ng pagkain at mga gusto mo."
Sumimangot siya. Ang mga matang nagmana kay Russia ay bahagya ring naningkit. "Igaya lang sa nanay po, eh."
"Hindi na talaga nanalo ang nanay sa'yo, anak." Niyakap ko siya. "Halika na nga at baka ma-late pa ang nanay sa interview."
Bumaba ako ng kama at inalalayan siya. Palukso-lukso naman siyang sumama sa akin sa kusina kung saan nag-aalmusal sina Lovely at Efren.
"Si Jerome?" tanong ko nang lapagan ako ni Efren ng tasa ng kape sa harap ko.
"Maagang umalis, 'teh at marami raw lilinisin sa hardin nina Mrs. Lacson. Pinapatanong pala ni Mrs. Lacson kay kuya, 'teh kung tuloy ang interview mo ngayon sa Asia Jet."
Tumango ako. "Oo. Hindi ko sasayangin 'yong rekumendasyon nilang mag-asawa."
Malaki ang utang na loob namin ng mga kapatid ko kina Mrs. Lacson. Nakilala ko siya nang minsang nairekumenda ako ng mag-deep cleaning sa bahay nila matapos kong mag-resign sa kumpanya dahil hindi na talaga kaya ng katawan ko ang sandamakmak na trabaho. Nanghinayang ang HR na nag-hire sa akin kaya inirekumenda na lamang ako sa mga kakilala niyang medyo may kaya sa buhay.
Anim na buwan noon si Vivy. Nagkakwentuhan kami ni Mrs. Lacson at natanong niya ang ilang personal na bagay tungkol sa buhay ko. Nakwento kong kinailangan kong mag-resign sa BPO dahil nagkakasakit na ako. Bukod kasi sa pagiging call center agent ay nagho-home service ako ng tattoo at nagdi-deep cleaning kasama si Jerome.
Nasabi ko rin sa kanya na nag-iipon ako nang makapagtuloy na ng pag-aaral sa aviation school. Nang mapalapit kami nang husto ay tinulungan nila akong mag-asawa na makakuha ng scholarships para makapag-aral.
Some of my units were credited but there were still a lot that didn't. Marami akong klaseng hinabol kaya inabot pa rin ng tatlong taon bago ako natapos. I juggled my studies, my role as a mother, as a sister, and my jobs.
Pagka-graduate ni Jerome ng Senior High ay nagpasya muna siyang tumigil dahil naaawa sa akin. Sabi niya gusto rin muna niyang masiguro kung ano talagang kurso ang gusto niya kaya mas maganda na raw iyong tumigil muna at magtrabaho. Ayaw ko sana kaso hindi naman siya nagpapigil.
Malaking bagay na marunong umalalay ang mga kapatid ko lalo na noong kapapanganak ko pa lamang kay Vivy. Nagsasalitan kami sa pag-aalaga kaya labis ang pasasalamat ko sa mga kapatid ko. Pinangako ko sa kanila na oras na matanggap akong piloto sa Asia Jet, hindi na namin magiging problema ang expenses namin.
"Teh, galingan mo sa interview mo, ah? Sabi raw pala ni Mrs. Lacson, nagpalit ng management ang Asia Jet dahil nabili na ang buong kumpanya. Marami raw bagong eroplano at magiging available flights kaya malakas ang pananalig ni Mrs. Lacson na mabibigyan ka na rin ng trabaho bilang piloto." Efren smiled. "Kayang-kaya mo 'to, 'teh. Ako nang bahala kina Lovely at Vivy."
Nginitian ko siya pabalik. "Salamat talaga, Efren ha? Pasensya ka na kung ikaw palagi ang naiiwan sa kanilang dalawa."
"Ayos lang, 'teh. Nagkaka-wrinkles lang ako sa kakulitan nila pero masaya ako kasi napagpa-practice-an ko sila ng make up at pagdadamit. Baka kapag eighteen na ako at pwede nang magtrabaho, pasok kaagad ako sa banga bilang stylist."
Natawa kaming pareho. Maya-maya ay bumaling ako kay Vivy na pasimpleng sinasalat ang cup ko ng kape. Hinawakan ko naman ang cup at pinigilan siya kaya sumimangot na naman sa akin ang makulit kong anak.
Naku, manang-mana ka talaga sa tatay mo. Parehong-pareho tumingin!
"Nanay, isa sip lang plamise, eh."
"Hindi nga pwede, anak kasi hindi ka na tatangkad sige ka."
"Ayaw naman maging big, nanay eh. Gusto ko maliit lang palagi pala palagi magsasakay sa likod ng tito Jelom!"
Napailing ako. "Kapag medyo big ka na, papayagan na kitang mag-drink ng kape pero sa ngayon, hindi po muna."
Humaba na naman ang nguso niya. "Mag-eat pala ng wumpia!"
Efren massaged his temple. "Diyos ko, 'teh hindi na talaga napurga sa lumpiang gulay 'yang anak mo. May pinagmanahan--"
Natigil ang sinasabi niya nang pandilatan ko ng mga mata. Alanganin naman siyang ngumisi saka humigop sa kanyang cup.
I sighed. Hindi naman sa dine-deny ko kay Vivy ang tungkol sa tatay niya. Minsan kapag nagtatanong siya ay sinasabi ko naman na nasa malayo si Russia at busy. Iyon nga lang madalas, nahihirapan akong kontrolin siya kapag sinusumpong at hinahanap ang ama. Nasasaktan pa rin ako, syempre lalo kapag naiinggit siya sa mga kaklase niya sa kinder na ihinahatid ng tatay kaya hangga't maaari, iniiwasan naming ma-trigger siyang maghanap ng tatay.
Hinaplos ko ang buhok ni Vivy. "Pinaglihi ka kasi ni nanay sa lumpiang gulay, Vivy kaya ka mahilig do'n. Hindi bale. Bago aalis si nanay para sa interview, igagawa ko muna kayo, ha?"
"Naku, 'teh si Vivy na lang at sawang-sawa na kami ni Lovely," ani Efren.
Ngumisi na lamang ako't kumutsara ng pagkain sa plato ni Vivy. "Kain na, anak."
Kumukuyakoy na ngumanga si Vivy. Nang masubuan ay ngumiti siya sa akin saka pa naglalambing na hinawakan ang kamay ko. Para tuloy may mainit na palad na humaplos sa aking puso. Ilang taon nang wala si Russia sa tabi ko, pero sa tuwing ginagawa iyon ni Vivy, para ko na ring kasama ang tatay niya.
Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan saka ko itinulak ang ilang hibla ng buhok ni Vivy sa likod ng kanyang tainga.
Malapit na, anak. Kaunting tiis na lang, may mukha na rin akong ihaharap sa daddy mo oras na ipakilala kita sa kanya . . .
BINABASA MO ANG
VALENTINO SERIES 1: Enslaved By His Touch
RomanceRabiah Tamarez has been enslaved all her life. Alipin sa mga magulang na dapat ay nagbibigay sa mga pangangailangan niya, sa bulok na paniniwalang dapat siya ang mag-ahon sa mga ito sa kahirapan, at sa pananaw na lahat ng taong may bisyo at tadtad n...