Kabanata 10
Rabiah
"Itago mo, ha? Huwag mong hayaan na makita rin ni mama," bilin ko kay Jerome nang maibigay ko sa kanya ang perang pwede nilang gamitin bilang panggastos.
Kilala ko si mama. Siguradong ubos na niya iyong perang naipon ko kaya gutom na naman ang mga kapatid ko kung sakaling hindi ako magbibigay.
Pagod na ngumiti si Jerome. "Salamat, ate. Nami-miss ka na nina Efren at Lovely. Gustong sumama no'ng nalamang pupuntahan kita. Pinigilan ko lang at baka makahalata si mama."
Kumirot ang aking puso. "Hindi bale. Sa day-off ko, ipapasyal ko kayo."
Lumamlam ang mga mata ni Jerome. Akmang magsasalita na siya nang lumabas si kuya Russia para mag-vape. Lumayo naman sa amin kaya hindi ko sigurado kung dinig pa niya ang usapan naming magkapatid.
"Ate, tingin mo mga kailan ka kaya makakakuha ng lilipatan natin? Nagtalo na naman kasi sina mama at papa kagabi. Muntik nang mabubog si Lovely dahil nagbasag si papa ng bote."
I sighed. "Wala pa kasi akong nakikitang mura, Jerome. Iyong pinuntahan ko kahapon, hanggang sampung libo lang daw talaga tapos kailangan ng advance at deposit. Hindi bale, makakaipon naman ako kaagad lalo ngayon na tinuturuan na ako ni kuya Russia kung paano mag-tattoo. Mas malaki na ang kikitain ko."
Tumango siya. "May ipinapagawang bahay sa kabilang purok. Itatanong ko kay Mang Boying kung pwede akong um-extra, 'te kahit tagabuhat lang ng materyales. Para makaipon tayo kaagad."
Malungkot akong ngumiti. "Makakaraos din tayo, Jerome. Kaya natin 'to."
"Oo, ate. Huwag mo pabayaan sarili mo dito."
"Huwag kang mag-alala sa'kin. Okay ako rito."
Nagpaalam na sa akin si Jerome. Hinintay ko rin muna siyang makatawid bago ako pumasok ulit sa loob ng shop. Naglinis ako saka ko pinanood ang ibang artist. Palihim na pinag-aaralan ang estilo nila ng pagtitinta.
"Rabiah," tawag ni kuya Russia sa akin.
"Po?" sagot ko. Hawak pa ang walis.
He gestured his hand as if calling me. Nang makalapit ako sa pwesto niya ay ipinakita niya sa akin ang iba't ibang klaseng needle.
"These are the ones we use when shading. These are for lining," paliwanag niya.
I listened attentively. Nagtatanong din ako kung kinakailangan lalo na tungkol sa tamang pag-operate sa iba't ibang uri ng tattoo machine. Kuya Russia explained everything properly. Tila kahit mga bata at maiintindihan kung siya ang magpapaliwanag.
"We'll close at eight PM," aniya nang matapos niyang maituro sa akin ang ilang bagay.
Kumunot ang noo ko. "Bakit maaga po?"
"We'll train tonight. I don't want distractions when teaching you," sagot niya sa malamig na tinig.
Napalunok ako nang madama ang pagsayaw ng mga paru-paro sa aking sikmura. Wala namang nakakikilig doon pero bakit gano'n? Kailangan ko na yata talaga ng pesticides! Baka ipis na ang nasa tiyan ko!
Gaya ng sinabi ni kuya Russia ay maaga ngang isinara ang shop. May gusto pa sanang humabol na minimalist lang ang disenyo pero hindi na tinanggap ni kuya Russia.
"Balik ka bukas. Ako magta-tattoo sa'yo," nakangiting sabi ni kuya Boyd sa babae.
Kuya Russia shook his head while his staff laughed and teased kuya Boyd after the woman left.
"Umiral na naman!" alaska ng isa sa mga staff.
Nagmaang-maangan lamang si kuya Boyd. Tumayo naman si kuya Russia sa pwesto niya at nagpabili ng dinner sa isang staff.
BINABASA MO ANG
VALENTINO SERIES 1: Enslaved By His Touch
RomanceRabiah Tamarez has been enslaved all her life. Alipin sa mga magulang na dapat ay nagbibigay sa mga pangangailangan niya, sa bulok na paniniwalang dapat siya ang mag-ahon sa mga ito sa kahirapan, at sa pananaw na lahat ng taong may bisyo at tadtad n...