Kabanata 25

37.3K 473 24
                                    

Kabanata 25

Rabiah


"I'll see you at the shop, baby." Kinabig ako ni Russia at pinatakan ng halik sa mga labi. Nang maputol ang halik ay matamis niya akong nginitian. "I've got some news."

Ngumiti ako pabalik. "Sige, babe."

Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako. Hindi na ako nagpahatid pa sa taas dahil magkikita rin naman kami mamaya. Magsha-shower lang naman ako at magpapalit na bago pumasok sa shop.

"Ang dami niyan, Jerome ah?" bungad ko nang makita ang gabundok na papel sa ibabaw ng dining table.

Nilingon ako ng kapatid ko nang lapitan ko si Lovely para buhatin. "Oo, 'te. Sa research namin 'to." Nagkamot siya ng ulo. "Ate, pwede kaya akong pumunta sa shop mamaya para mag-interview kina kuya Russia?"

"Mag-interview? Ano ba ang topic ng research mo?"

"Tungkol sa kung paano nakakaapekto ang mental health sa mga panganay. Pareho kasi kayong panganay, eh. Kayo sana ang gagawin kong dalawang respondents."

Ngumiti ako. "Sige. Alam ko si ate Raima panganay rin. Saka si Donny. Pwede mo rin siguro silang ma-interview para kahit paano mabawasan ang dami ng kailangan mong hanaping respondents." Humalik ako kay Lovely saka ko hinaplos ang ulo ng nagtutupi ng damit na si Efren. "Maliligo na ako, ha?"

"Sige, 'te," sagot ni Jerome.

Inilapag ko na ulit is Lovely. Nagtungo ako sa kwarto ko ngunit bago ko naisara ang pinto ay narinig ko pa si Efren. 

"Kuya, kapag college pati Sabado may pasok. Kawawa naman si ate, wala na talagang pahinga. Sipagan pa natin mag-aral para hindi sayang ang pagod ni ate."

"Tama, Efren. Huwag na tayong gumaya ro'n sa mga barkada ni Paulo na kada tapos ng klase, nagbibilyar. Kawawa naman si Ninang. Laging tinatawag sa guidance."

"Akala naman kasi nina Paulo maganda 'yon. Ang baho kaya nila kapag dumadaan! Sayang pa ang baon kung iyon ang bibilihin. Kawawa si ate na nagbibigay ng baon."

Umismid si Jerome. "Hindi ko nga ginagastos bigay ni ate. Iniipon ko lang pampa-print para 'di na niya isipin."

"Ako rin! Saka pambili ng headband. 'Yong tig-kinse lang naman."

Napangiti ako. Hindi man ako sinwerte sa mga magulang, heto naman ang mga kapatid ko at ibinibigay sa akin ang mga bagay na sa mga magulang ko sana nakukuha. 

Kapag uuwi ako galing ng shop, minsan naaabutan ko pa si Jerome o kaya si Efren na naghihintay sa akin. Tatanungin ako palagi kung napagod ba ako sa shop o kung may maitutulong sila sa school works ko. Kahit na alam kong sandamakmak din naman ang assignment nila, hindi nila pinababayaan ang apartment namin. 

Naaawa na nga si Russia kaya minsan sinasabi na sa aking kumuha na ng katulong at siya na lang ang magbabayad pero ayaw ng mga kapatid ko. Katwiran nila ay kaya naman namin. Hindi man maintindihan ng iba kung bakit ganito ka-mature mag-isip ang mga kapatid ko, nagpapasalamat pa rin ako dahil imbes na magrebelde gaya ng ibang batang nahihirapan sa kinalakihang buhay, heto sila at katuwang kong magsumikap.

Siguro totoong ang tao ang magdedesisyon kung anong kinabukasan ang gusto nila. Kapos kami at pinagmalupitan, pero imbes na mag-adik at hindi mag-aral, nagsisipag ang mga kapatid ko dahil pare-pareho kaming gustong magkaroon ng magandang buhay. 

Nagbihis na ako matapos makaligo. Hindi naman ako nagbasa ng buhok kaya hindi na tagatak ang tubig sa buhok ko nang makaalis ng apartment. 

Pagdating ko sa shop ay kaagad akong sinenyasan ni Russia na lumapit. He's standing by the counter holding a folder. Pagkalapit ko ay kaagad akong niyakap gamit ang isang braso saka niya ako pinasandal sa dibdib niya.

VALENTINO SERIES 1: Enslaved By His TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon