Kabanata 48

32.6K 496 9
                                    

Kabanata 48

Rabiah


Nanlamig ang mga palad ko habang nakatitig sa dumilim na mga mata ni Russia. I feel like he's about to squeeze the truth out of me. Gusto ko naman nang ipagtapat ang totoo ngayong mayroon na akong pagkakataon ngunit pakiramdam ko ay hindi ko mahanap ang mga tamang salita upang simulan ang pag-amin.

He shifted to his seat before he clenched his jaw. "I'm gonna ask this one last time. What do you mean, Rabiah?"

Umawang ang aking mga labi ngunit ni isang salita ay walang lumabas. I swear I wanted to tell him the truth! To let him know that no one touched me after him! I didn't even let anyone court me! Siya lang ang naging lalake sa buhay ko!

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang tila nauubusan na siya ng pasensya. I swallowed the lump in my throat and tried my best to calm down so I could think, but just when I was about to tell him the truth, his phone suddenly rang for an important call.

Pinanood ko siyang sagutin ang tawag ng kapatid niyang si Rocco. Nakapinta pa sa mukha niya ang galit nang masagot ang tawag, ngunit maya-maya ay napalitan iyon ng pag-aalala.

"Where's Freyja now?" he asked with a hint of worry.

Para akong tinadyakan sa dibdib. Hindi ko naman gustong magselos. Wala naman akong karapatan, 'di ba? Kaso tao lang naman ako at hindi rin napipigilan ang ilang emosyong hindi ko dapat maramdaman.

I watched how worry flickered in his brown eyes. Tila nakalimutan kaagad niya ang kumprontasyon namin dahil si Freyja ang pinag-uusapan nila ni Rocco. Maya-maya ay lalo pang nanikip ang dibdib ko nang tumayo siya saka ako tiningnan.

"I have to go. You can tell the facilitator that you need to go home early because no one will look after Vivy. Tell him I gave you the permission to watch over her."

Ni hindi na niya hinintay ang sasabihin ko. He walked out of the place as if Freyja needs him more than anyone else in the world right now. Pero masisisi ko ba siya? 

I made him feel as though I don't want him anymore when the truth is . . . he's all that I need for my heart to stop aching.

"Tatay Sewr . . ." may lungkot na tawag ni Vivy kay Russia habang nakatanaw siya sa palabas ng lugar niyang ama. 

Halata sa mga mata ni Vivy na gusto niyang humabol. Na tila ayaw na niyang mahiwalay pa kay Russia kaya alam kong magtatampo siya nito ngayon.

Humugot ako ng matalim na hininga saka ko hinaplos ang buhok ni Vivy. "Kain na, anak. Babalik din naman si Tatay Sir mamaya. May aasikasuhin lang siya."

Naglalabi niya akong binalingan. Ang lungkot ay kumikislap sa inosenteng mga mata. "Bakit hindi magsama po? Ayaw na isama ng tatay sewr kasi palagi hungwry? Makuwlit?"

Napalunok ako nang may mamuong bara sa aking lalamunan. "Hindi ka lang pwedeng isama ng tatay sir sa pupuntahan niya, anak kasi bawal ang bata doon. Huwag ka nang malungkot. Maglalaro na lang tayo mamaya, ha?"

Bagsak ang mga balikat na dinampot ni Vivy ang kubyertos. Halatang wala rin talagang gana dahil hindi man lang niya nakalahati ang pagkain. Hindi rin lumukso-lukso nang yayain ko nang umalis. Nagpaalam ako sandali sa facilitator. Nang masabi kong si Russia na ang nagsabing umuwi ako para bantayan si Vivy ay saka ako pinayagan.

Matamlay si Vivy hanggang sa makauwi kami sa hotel. She didn't want to play nor have ice cream. Lahat na yata ng pang-uuto nagawa ko na pero hindi talaga niya maibalik ang sigla niya. She always glances at the door, waiting for her tatay sir to come in.

Ako ang nasasaktan para kay Vivy. Paano kung malaman nila ni Russia ang totoo? Sa tuwing kakailanganin ba si Russia ni Freyja, ganito ang mararamdaman ng anak ko? 

VALENTINO SERIES 1: Enslaved By His TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon