Kabanata 52
Rabiah
"Got it?" tanong ni Russia sa akin nang maipaliwanag niya ang ilang bagay na itinuro niya sa akin.
I smiled. "Oo. Malinaw lahat."
It's our third day of training together. Mas lalo yata akong na-in love dahil napakaswabe niyang magturo. Tila alam na alam niya ang gagawin kapag nakaupo na siya sa pilot seat.
"Good."
Nilingon niya ang bukas na pinto ng cockpit. Nang masilip na abalang makipagdaldalan si Vivy sa staff na kinuha niya para bantayan ang anak namin habang tinuturuan niya ako, tumikhim siya at isinenyas ang kamay na tila pinalalapit ako.
Akala ko ay mayroon siyang ituturong bago sa akin kaya sinunod ko naman ngunit nang makalapit ang mukha ko sa kanyang pwesto ay hinawakan niya ako sa batok saka walang anu-anong humalik sa aking mga labi.
It was just a quick kiss but it was enough to make my heart beat louder than a festival drum. Ngumisi naman siya't may panggigigil na piniga ang aking hita bago siya bumuntonghininga.
"Hihiramin daw nina Rocco at Freyja si Vivy mamayang gabi. Pumayag na si Vivy so you won't have to worry anymore," aniya habang tila kinokontrol ang sarili.
Kumunot ang aking noo. "Kailan sinabi? Paano ninyo napapayag?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Huwag mong sabihing inuto mo ang anak mo para lang makasimple ka mamayang gabi, ha?"
Palibhasa hindi siya makaporma, eh! We don't want to do it on the same bed where Vivy sleeps. Nang tangkain naming gawin sa banyo kagabi ay nagising naman si Vivy kaya siguro may pagpapahiram na ng anak na nalalaman ang magaling na ito ngayon!
"Hey, in my defense, it was Vivy who wanted to do a sleepover at Rocco's house."
Kumunot ang noo ko. "Hindi na pala nakatira si Rocco sa bahay n'yo?"
Umiling siya. "No, baby. Bago pa niya niligawan si Frey, umalis na siya sa bahay. Ayaw sabihin ang dahilan. Akala ko si mommy pa rin ang naging mitsa dahil alam naman naming ayaw ni mommy kay Frey pero hanggang ngayon naman nag-uusap pa rin sila. It's just that, Rocco doesn't let mom control his life anymore."
"Akala ko doon pa rin. Sorry, ha? Kasi kung doon pa rin tapos hihiramin si Vivy, hindi ko kasi ipapahiram, Russ."
He nodded. "I understand. Hindi ko rin naman papayagan. I won't let mom have the chance to say mean things to my sweet love."
Payak akong napangiti. "Salamat, Russ . . . sa pagtitiwala sa bersyon ko ng katotohanan."
He reached for my hand and entwined our fingers. "I told you, I never lost faith in you." Tumikhim siya. "By the way just to make things clear, I let Vivy spend a night at Rocco's place because I'd . . . like to take you out on a date."
I lifted a brow. "Date lang? Walang . . . love making na mangyayari?"
Makahulugang ngumisi ang loko. "Of course, there is. I can't resist you anyway. I've been sleeping with blue balls since we met again at the office."
Uminit ang pisngi ko. Napalo ko tuloy siya sa braso dahil sa nalaman ko. "Russia!"
He laughed a bit. "You can't blame me. I've been a virgin since you left, alright?" He moistened his lower lip. "My dick is the most faithful thing you'd ever meet."
"Bibig mo!" sita ko saka ko sinilip si Vivy. "Mamaya marinig ka ng anak mo!"
He scoffed. "Sorry."
He caressed the back of my hand while we're both staring at Vivy. Mukha namang naaaliw ang staff sa anak naming saksakan ng daldal. Panay ang tawa dahil sa mga sinasabi ni Vivy ang staff kaya mukhang nag-e-enjoy.
BINABASA MO ANG
VALENTINO SERIES 1: Enslaved By His Touch
RomanceRabiah Tamarez has been enslaved all her life. Alipin sa mga magulang na dapat ay nagbibigay sa mga pangangailangan niya, sa bulok na paniniwalang dapat siya ang mag-ahon sa mga ito sa kahirapan, at sa pananaw na lahat ng taong may bisyo at tadtad n...