Tumatakbo ako ngayon papunta sa building namin, pucha, ma-llate pa yata ako sa second meeting ng subject namin. Nalate na nga ako sa first meeting, ma-llate na naman yata ako.Halos nilipad ko na ang hagdan paakyat ng classroom namin, bakit kasi walang elevator?!
Hingal na hingal akong sumilip sa classroom namin, tuwang-tuwa ako nang makita na walang professor. Safe!
Pumasok agad ako at malayo pa lang natanaw na ang pagkaway sa akin ng kaibigan ko na si Veronica. 3rd Year students na kami ngayon.
"Uy, kinabahan ka ano? Terror pa naman si Sir Jose." Umirap ako sa hangin at naupo, "Nako, talaga. Halos lumipad na nga ako paakyat eh."
"Gago kayo nasa hospital pala si Sir! Tuwang-tuwa pa ako kanina at wala siya." Napalingon kami nang magsalita si Aira, ang class representative namin. Hospital? Anong nangyari?
"Pupunta lang ako ng faculty." Paalam nito at lumabas ng classroom, tumungo naman ako para pumikit at ipahinga ang sarili ko ng saglit.
I found a new job, though mas flexible compared sa schedule ko sa café dati, mas nakakapagod dahil puyatan. I needed more income dahil I decided to rent an apartment malapit dito sa school, masyadong malayo ang bahay namin at nakakapagod. Sayang ang energy ko imbis na nagttrabaho ako agad.
Sabi naman ni Ate Rose ay hindi ko na trabaho na mag-look after sa mga kapatid namin kahit na ako ang sumunod sa kanya dahil responsibility niya raw iyon. Now, parang ama at ina na sila ni Kuya Ivan sa amin. Though hindi ko sila masyado nakakausap lahat dahil I'm trying to focus.
I'm quite thankful na mabuting lalaki ang napangasawa ni Ate, for sure mabait iyon sa magiging baby nila.
"Dzai, alam mo ba kanina ang aga ko dumating, nakasabay ko ba naman iyon mga Nursing students at grabe! Ang ggwapo nila, ang tatangkad! Kainis kasi bakit iba ang building natin sa kanila eh." Nagmaktol pa si Veronica sa tabi ko habang nagkkwento, "Asa ka pa, eh ang course natin ang layo sa kanila? Gaga ka talaga." Nagkamot pa siya ng ulo bago sumangayon kaya tinawanan ko lang siya.
After an hour or so ay bumalik na si Aira, "Attention, everyone. Sir Jose won't be teaching us our major subjects anymore. Apparently, may nakuha pala sila na professor na can teach his subjects. Though he's not regular at tayo lang ang tuturuan niya. Ang sabi ng head, tomorrow pa raw natin ma-mmeet ang professor natin because he's not around today. In short, uwian na." Napabuntong-hinga na lang ako, kainis!
Sayang ang effort at pagod ko tumakbo paakyat.
Tatlong major subjects kasi ang hawak ni Sir Jose sa amin, tuwing Tuesday, Wednesday, at Saturday iyon, 7 AM hanggang 5PM. Ang minor subjects namin ay pinagsama-sama ng registrar tuwing Thursday at Friday.
"Tara, tambay tayo sa may department ng Nursing! Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo." Nagpahila na lang ako kay Veronica, tutal wala naman na kaming gagawin dahil wala pa namang pending works.
Maraming food stalls around the campus, sakto at may round tables sa may field sa tapat ng department ng Nursing kaya doon kami nag-stay.
"Oh diba, kakaupo lang natin may nagdadaanan na agad na mga pogi." bulong nito sa akin, hindi naman ako naggwapuhan sa type ni Veronica, ang gusto kasi niya iyong matangkad na moreno at higit sa lahat, iyong mukha raw fuckboy.
Ang tipo ko kasi, chinito na matangkad, ewan ko rin bakit gusto ko sa mga chinito, iba kasi ang tama sa akin.
"Gago pare, talo na naman iyan sa pustahan. Bwakang shit ka talaga, boy!" Natigil ako sa pagkain nang may marinig akong boses, dahan-dahan ko iyong nilingon at nanlaki ang mata ko nang mamukhaan ko kung sino iyon.
BINABASA MO ANG
The Mastermind: Miranda Sisters #2
RomanceMIRANDA SISTERS #2 Yasmin Rei Miranda, the 2nd child. She has always been this striving, young woman with big dreams. Her life will turn upside down when an unknown man suddenly wants to be her sugar daddy but that man's not really unknown, or is he...