20

580 10 0
                                    

My eyes are swollen.

I felt so ugly last night after he left, wala lang, feeling ko kasi ayaw niya akong tignan at parang madaling-madali siyang umalis.

I breathed out.

I am currently doing my make up, I just did a plain one because I didn't feel like doing a full glam.

I just wore a simple while puff sleeve dress, I wore the necklace, the white jasmine. It's not like anyone would know who gave this.

Nagsabay kami ni Veronica, magmeet na lang yata sila roon ni Yulo dahil ninong din ito.

Dumating kami sa church 10 minutes before ng mismong binyag, pinapalitan pala ni Dalton ang surname ni Ginger.

I smiled from a far when I saw how Laz rolled her eyes at Dalton but Dalton just scratched his head at parang inaamo si Laz. Earn that woman's trust, Dalton.

"Hello! Here's the candles. Ginger, bless kay Ninang Veronica and Ninang Yasmin." Laz told Ginger while she's smiling, nagbless naman ito pero pinugpog siya ng halik sa pisngi ni Veronica.

"Thanks for coming, Rei and Veronica." I heard Dalton said, binuhat nito si Ginger at yumakap naman sa leeg niya ang bata. We just smiled at luminya kami sa mga ninang din.

Nagsimula na ang ceremony, mabilis din iyon natapos pero nang papalabas na kami ng venue ay nagmamadali na tumakbo si Dalton habang karga si Ginger.

"Dad!" I heard him say kaya nawala ang ngiti ko, don't tell me Kio is here too? Napasampal ako sa noo ko, boba, tito siya eh malamang andito!

I looked at them from a far, Tito is still on a wheelchair while Tita is hugging Lazulli. I saw Kio behind Tito and he's smiling while looking at Ginger talking to their father.

I silently exited the church from the exit sa gilid, nagpapanic ang insides ko.

Hindi ko naisip na baks pumunta siya, mukha pa naman akong basura at wala masyadong make-up. Nakarinig ako ng takong kaya lumingon ako, I saw Veronica walking towards me.

"Huy, okay ka pa?" I just smiled and nodded, "Payong tropa lang ha, Yasmin. Mag-usap kayo parang awa. Parang awa talaga. Hindi kita papapasukin sa apartment natin hanggang hindi kayo naguusap ha." Napalo ko naman siya sa braso pero tinawanan niya lang ako.

"Hindi, seryoso nga. Kaysa naman lagi kang bangag hindi ba? Kung hindi man ayos, ako na bahala sa next boylet mo. Ako na ang bahala, itaga mo sa bato." niyakap ko naman si Veronica, "Buti na lang may salbahe akong kaibigan." Sabi ko at tumawa.

Bumalik kami sa loob at pupunta na raw ng reception para sa birthday ni Ginger. Sa bahay yata iyon ni Dalton, sabay kami ulit ni Veronica papunta roon.

"Ganda ng bahay ah, luwag ng backyard." Sambit ko nang makababa. Kinuha namin ang mga regalo sa trunk at sumunod sa mga tao na pumapasok sa loob.

I tried my best na huwag mapansin nila Tita and I think it worked. Malayo ang inupuan naming table at busy naman sila makipag-kulitan kay Ginger.

Lazulli was the one who went to our table, kasama namin si Yulo dito na katabi ni Veronica.

"Hey, sorry hindi makaikot masyado si Ginger. Natuwa yata kila Tita eh." Ngumiti naman kami, "Nako okay lang, let him enjoy lang." Nakipagdaldalan siya kila Veronica habang ako ay tumayo para kumuha ng chocolate marshmallow sa dessert station. Nag-sstress eating na naman ako nito.

Nang makabalik ay lumapit na si Dalton ay nagchismisan naman sila ni Yulo. Ako ay tahimik lang na kumakain at sinisilip-silip si Kio na nakatalikod mula sa pwesto ko. I sighed.

The Mastermind: Miranda Sisters #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon