16

725 16 7
                                    


"Violet, nasaan ka? Sabi mo nandito ka sa apartment mo?" Tanong ko sa kabilang linya, itong babae na ito! Ang sabi sa akin nananahimik sa bahay nila.

"Sorry na, Ate! May emergency kasi kay Vigo, alam mo na, need ng hair and make up." Napaikot ang mata ko sa ere, niloloko ako nito eh.

"Oo na nga lang, basta siguraduhin mo na susunod ka mamaya. Alam mo naman na kakapanganak lang ni Ate Rose." Um-oo lang siya sa kabilang linya kaya pinaharurot ko na ulit ang motor ko.

It's been three long years, may bagong baby ulit sila Ate Rose. Malaki na si Kaia kaya minsan at nahihiram namin. Halos 6 months na yata siya nang makalong namin kaya for sure, ganoon ulit ngayon. Though, sasaglit lang ako kay Ate dahil may meeting ako na pupuntahan.

Tumigil ako sa stop light at sinikipan ang suot ko na gloves. Katas ito ng sweldo ko sa unang taon ng work ko, nasa isang firm ako ngayon at kasama ko pa rin si Veronica. I'm so thankful na pareho kaming pumasa sa exam at sa interview.

Nang mag-green ang stop light ay agad kong pinaharurot ang motor. Magkasama kami ni Veronica sa iisang apartment ngayon, actually, pa-condo iyon ng firm namin dahil karamihan ay may kalayuan ang bahay. Sabagay, Pasay pa ang opisina namin grabe ang layo noon.

Nakarating ako kila Ate Rose at naroon na sila Daisy, si Violet lang ang kulang.

Kinamusta ko lang si Ate, medyo naging maselan ang panganganak niya ngayon compared kay Kaia. Napilitan na i-CS siya dahil hindi talaga masyadong dilated si Ate.

"Tita! Ride me motor when I grow up?" I smiled widely at Kaia before nodding, "Yes, but ask your parents first before anything, okay?" Tumango ito habang kumakain ng lychee.

"Ate, sorry. May hinahabol kasi kami na meeting. Una na ako, bibisita na lang ako when I'm free." Ate Rose smiled before I kissed her cheek and hugged her.

Ilang minuto sa daan ay nagmessage si Veronica sa akin, asking where I am.

"Otw na mag-antay sila dyan." Pagsend ko rito ng voice message.

Isang Filipino restaurant and napuntahan namin, mag-live in ang client namin sabi ng aming project manager. Kasama namin ang aming team leader na si Benny.

"Good afternoon, architects!" Bati sa amin ng aming babae na client, "Thank you and you agreed to meet kahit pa medyo biglaan."

"No worries, Ma'am. Will Mr. Liberado join us?" Napantig ang tenga namin ni Veronica, Mr. Who again?

"Oh no eh, probably after the proposal ng bahay. He's busy with his med school kasi." Oh my gosh, what is fate?

Mr. Liberado is definitely Yulo, Veronica's biggest what if.

I remember how they clicked so bad but Veronica realized na hindi pa talaga niya kaya magcommit that time, Yulo said he'll wait until he disappeared after that semester. Turns out, his family migrated to Australia to continue his medical school.

Kaya ngayon, after three years, it's so weird to hear his name again.

Veronica sighed while discussing matters with the client. I know she feels uncomfortable pero work is work, we should always put our personal feelings aside.

After ng meeting ay diretso firm kami para pag-meetingan ang gagawin. Under kami ni Benny, pero kahit ganoon ay hindi niya inaaasa ang lahat ng workload sa amin gaya ng ibang mas nakakataas.

We stayed sa office until 6:30 ng gabi, "Be early tomorrow, ladies. Pupuntahan natin ang site to meet with the engineers too." We just nodded bago lumabas ng building. I immediately placed my arm around Veronica.

The Mastermind: Miranda Sisters #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon