15

649 9 4
                                    

"Psst, ayos ka lang ba? Parang noong nakaraang araw ka pa malamya." Pilit akong ngumiti kay Veronica.

It's been three days and I'm trying to block any opportunity na magharap kami ni Kio, maliban sa klase namin sa kanya hanggang kanina. I sighed bago sumagot kay Veronica.

"Siguro, nasa korea ang para sa akin." Ngumuso naman siya, "Ikain natin iyan. May gusto ka ba? Ice cream?" Ngumiti ako ng kaunti at ngumiti. It's the same line I said after a few weeks noong nakita ko si Dalton. Ganito na yata ako kapag broken.

Ang tanga-tanga ko nga, inistalk ko pa si Emilia. Nakita ko sa IG niya ang iilang lumang picture ni Kio, puro bata pa sila. As in bata. It stopped sa high school prom picture nila. Muntik ko nga hindi makilala si Kio dahil malaman siya noon pero, ang gwapo pa rin.

I bit my lip trying to stop myself from feeling anything everytime I remember his face, his smile, his smell, and his warmth.

Naglagay na nga ako ng extra lock sa pintuan ko, in case he tries to enter it.

"Care to share kung sino?" Umiling lang ako at bumuntong hininga ulit, "Basta ang tanga-tanga ko this time, Veronica. Gusto ko maging bula para luminis naman kahit konti." I feel so sorry and dirty, I had an affair with a guy na may girlfriend.

I actually cry about how guilty I feel, kahit sabihin na hindi iyon malalaman ni Emilia, we still sinned!

I spotted Dalton habang pauwi ako, he waved at me and I saw Leon with him and Laz. Ngumiti lang ako nang makalapit sila, "Going home already?" Tumango lang ako, "Do you want to come with us? Dinner lang kila Boss Karl." Umiling lang ako pero nagmaktol naman si Leon.

"Sigi na! Tagal ka naming hindi nakita ah, hell week?" Tumango lang ako at tipid na ngumiti, "Mas deserve kumain! Tara na, Boss!" Hinila na ako nito at pinabayaan ko na lang. I'm too tired to argue. Sigurado naman ako na hindi pupunta si Kio sa kanila dahil hindi naman siya umuuwi.

Bandang 6 nang makarating sa kanila, wala si Tita at Dad nila roon. "May date yata." Simpleng sagot ni Dalton. Pagdating sa kwarto niya ay naupo lang ako sa gilid habang si Leon ay dumapa agad sa kama. Si Laz naman ay maayos lang na naupo sa ulunan ng kama ni Dalton.

"You okay?" Dalton asked me at tinabihan pa ako, I forced a smile and I nodded. "Nagpaluto ako ng steak for dinner. Pinareheat ko na lang." He said at sumandal sa tabi ko. Napapikit na lang ako nang mariin at sinandal ang ulo ko sa may balikat ni Dalton.

I feel so tired, I felt Dalton pat my head at pinabayaan ko na lang. I felt him shake me lightly a few minutes later, "Let's eat na, Rei? Are you alright?" Dinilat ko ang mata ko at tumango lang.

Nakita ko agad si Laz sa gilid ni Dalton and I suddenly felt guilty. I'll keep in mind that I shouldn't be too close kay Dalton, I don't want to confuse Laz.

Habang kumakain ay todo ang kwentuhan nila and I'm quite glad na Laz is talking too, hindi ko siya nakakakwentuhan ever and she seems sweet to be honest.

"Hello, kids!" Napalingon kami sa may sala habang kumakain nang marinig ang boses ni Tita, okay na sana eh. "We bough dessert on the way home. We'll change lang." Okay na sana, may dessert pa nga eh.

Kaso ang kasunod ay si Emilia at Kio. I saw how he looked at me, mukha siyang galit. Pucha kung galit siya, mas galit ako! Ayoko sa lahat iyong ginagago ako. I'm actually assuming that everything we have—scratch that, I'm assuming that our deal is over because he did not abide by the rules.

Hindi ko na sila pinansin, even though my insides are reacting by his mere presence, I say fuck it.

"Kuya, you're with your girl pala." Hindi ako lumilingon at pinipilit na ifocus ang sarili sa masarap na pagkain sa harapan ko. Sa sobrang sarap ay parang naiiyak na ako.

The Mastermind: Miranda Sisters #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon