17

582 8 0
                                    

The next few weeks were an alright, busy kami sa project sa Taguig not until Engineer Cruz called us for a meeting with non other than, Yulo.

Tama nga ang hinala na si Yulo ang boyfriend ng naka-meeting namim, nagtataka lamang kami kung bakit si Yulo lang ang kasama ngayon.

Hindi kaya baka may surprise? We don't really know.

"Maayos ba mukha ko?" Napailing na lang ako sa tanong ni Veronica, she asked that for five times already.

"Isa pa beh, magkaka-handprint ang red lips mo." Bumuntong-hininga siya at parang malayo na naman ang iniisip. She's probably overthinking.

Dumating kami sa meeting place at halata na balisa si Veronica, naiintindihan ko naman siya dahil nga kahit paano ay hindi maganda ang ending nilang dalawa.

Pagpasok namin ay nakita agad namin si Engineer at si Yulo, nauna ako maglakad kay Veronica kaya nakita ko kung paano medyo nagulat ang expression ni Yulo nang magtaas siya ng tingin. He's probably just shocked to see her in the flesh, malamang naman ay alam niya na kasama si Veronica sa architects nila.

"Please have a sit." Yaya sa amin ni Engineer, naupo ako sa harapan niya at si Veronica naman sa kabila.

"So, may I ask what this meeting is about?" I asked, I saw Yulo nodded before breathing out. "First of all, we broke up. This project is now going to be my rest house so I will be asking for adjustments on the designs and layout. " Tuloy-tuloy nitong sabi kaya pasimpleng nilingon ko si Veronica.

Medyo nanlaki ang mata nito, nagulat din ako. Akala ko kasi ay nagbabalak na silang ikasal.

"I hope I won't be wasting your time with my request." Umiling agad ako, "Oh no, don't worry about that, Sir. Gagawin namin lahat ng gusto ninyong ipabago." Yulo just smiled and nodded. He has a new file ready stating that the client now will only be him.

Bakit kaya sila biglang naghiwalay? Curious lang naman ako.

Tahimik lang kami ni Veronica habang papalabas, pagpasok namin ng sasakyon ay doon na biglang umiyak.

"Ang gwapo-gwapo niya pa rin! Pero bakit ganon siya tumingin sa akin? Para akong stranger!" Reklamo nito habang umiiyak. Inaalo ko lang siya at hinihimas ang likod para kahit papaano ay kumalma.

Nakasandal lang siya sa manibela at patuloy na umiiyak, I anticipated this naman na.

"Uwi ka na muna siguro, girl. Ako na magsasabi kay Benny na sumama ang pakiramdam mo." she just smiled a bit and nodded.

Pumunta akong mag-isa sa office pero si Benny pala ay nagfile ng sick leave kaya hindi ko na rin siya nasabihan about sa absence ni Veronica.

Tinapos ko na lang ang makakaya ko sa pagsstart ng panibagong layout bago ako nagdecide na dumaan sa grocery para mamili ng ingredients at makapagluto sa bahay.

Sukbit ang bag ko ay nagcommute lang ako, pumasok ako sa grocery at kumuha ng shoppjng cart.

Bumungad agad sa akin ang naglalakihang carrot cake sa baked goods section at napabuntong-hininga na lang ako. Ang sarap mo sana ang pangit lang ng memories ko saiyo.

Kumuha ako ng ilang meat and vegetables pati spices at condiments na kulang na sa bahay. Habang umiikot ako ay parang nakakaramdam ako ng tingin mula sa likod ko kaya panay ang lingon ko. May multo ba dito sa grocery? I just shrugged that thought off.

Habang kumukuha ako ng baguette ay may kumalabit sa akin, muntik na akong mapatili sa gulat pero huli na bago ko pigilan ang sarili na mapalo siya ng baguette na hawak ko.

"Aw!" Nakakunot ang noo ko na nakatingin sa tao na nangalabit sa akin, "What the hell?" he added. "Eh ginulat mo ako!" iritang sagot ko sakanya. Umiling na lang siya at biglang tumitig sa akin. Kinilabutan ako dahil masahol nga rin pala ang lalaki na ito.

The Mastermind: Miranda Sisters #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon