10

901 6 0
                                    


Nasa grocery kami ngayon nila Ate Rose at Kuya Ivan. Ang laki na ng tyan ni Ate, parang due niya na sa susunod na buwan eh.

"Ate, kailan ka manganganak?" Tanong ko sakanya habang nagtutulak ng cart si Kuya Ivan at nakasunod kami ni Ate. "Two months na lang! Omg, excited na nga ako eh. Sana kamukha ko para hindi mukhang masungit!" Sabi nito at tinignan pa si Kuya Ivan na nilingon kami.

"Love, hindi nga kita sinusungitan. I'm sorry if I frowned, okay?" Natawa na lang ako at napailing, mood swings pa yata.

"Yasmin, get everything that you need, okay? Kami na bahala ng Ate mo." I nodded at Kuya Ivan.

Medyo nagguilty ako na ililibre nila ako, I have 200 thousand in my bank account! Ewan ko ba kay Kio, hindi pa counted doon iyong mga pinapamili bigla. Ganito nga lang talaga siguro kapag may sugar daddy.

Kinuha ko lang ang nga necessities ko at ilang instant food, "Huy, ito lang kailangan mo? For a month?" Tumango naman ako kay Ate. Nakakunot ang noo niya pero tumango na lang kalaunan. Nakakahiya eh.

"Should we take out food for Daisy and Azi too?" I heard Kuya Ivan asked, "Sige, Love. Sa birthday-an naman pupunta si Violet, dessert na lang siguro sakanya." Sabi ni Ate.

Violet is not a big eater, kung ano ang kinalaman namin ni Daisy ay kinapayat niya. Hindi ko rin alam kung bakit pero maliit talaga ang appetite niya.

Napangiti naman ako nang makita kung gaano kaasikaso si Kuya Ivan kay Ate Rose. Sana all nasa tamang tao na.

"Kamusta pala ang University, Yas?" Tanong ni Ate, nilunok ko muna ang pagkain bago sumagot. "Okay naman, Ate. Medyo nakakapagod lang pero ayos naman." Nilagyan pa ng gulay ni Kuya Ivan si Ate sa plato.

"Eh work mo? Hindi naman hectic?" Ngumiti lang ako at umiling, haha Ate iba na ang winowork ng kapatid mo.

Nagvibrate naman ang phone ko na nasa ibabaw ng table, tinignan ko iyon at puro message galing kay Kio.

Kio
Hi, baby girl
My team and I are shopping for office supplies right now
Apparently, there's a new Iphone
Do you want one?

Magttype pa sana ako nang sunod-sunod na namang pumasok ang message niya.

There's macbook too
Do you use headphones?
Hmm, too bulky yeah?
Just bought airpods instead
Message me when you're at your apartment
I'll deliver these to you
Take care

Nanlaki ang mata ko, ay gago. Sasagot pa lang ako bumili na?!

"Uy, sino iyan? Parang nagulat ka?" napalingon naman ako kay Ate Rose at umiling bago ibaba ang phone ko.

"Love, pabayaan mo si Yasmin. That might be a guy, you know." Biglang ngumisi si Ate sa sinabi ni Kuya Ivan, "H-hala Kuya, hindi! Wala akong boyfriend kaya." Umiling lang sila habang natatawa, halatang hindi naniniwala sa akin.

"Pakilala mo agad sa amin ha, baka gaguhin ka na naman." pagbabanta ni Ate Rose na tinanguan ko naman.

Hapon na nang ihatid nila ako, nagpasalamat ako at buti hindi na bumaba si Ate para tignan ang apartment ko.

Umakyat na ako at pumasok sa apartment bago inayos ang mga pinamili sa isang mini cabinet ko. Nag-text naman ako kay Kio saying I'm home.

Naligo ako at nagsuot lang ng panty at hoodie, mahaba naman eh.

Kio
Baby girl
I'm outside your room, it's locked

Tumayo agad ako at mabilis na binuksan iyon, bumungad sa akin ay ang isang Kio na nakawhite polo shirt at baggy jeans.

The Mastermind: Miranda Sisters #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon