Halos hindi ako maka-kain nang maayos dahil nararamdaman ko ang paraan ng pagtingin ni Kio sa pwesto namin.
Nagiingay ang mga kalalakihan nang biglang may naupo sa table namin, sa tabi ko. Si Kio!
"Uh, Kuya ko, si Kuya Kio." Pakilala lang dito ni Dalton at nagsi-batian naman sila.
"Can I borrow my student for a minute? She has a missing activity from me." Nanlaki naman ang mata ko at tinignan ang tiim bagang na si Kio.
"Alright, Kuya." Tumayo agad si Kio at sumunod ako sa kanya.
Dinala niya ako sa may parking at pinasakay sa loob ng sasakyan niya, "Are you dating Dalton?" Agad akong umiling, "H-he's just my ex. He invited me here. And why would I even date anyone, Kio?" I asked him back, he breathed out. "The way he looks at you says otherwise, I am sure you know that." Natahimik naman ako.
I don't know what his point is.
"But I am not dating him, I just see him as a friend. Hindi ko sinusuway ang rule mo, Kio." Seryosong sabi ko sa kanya at nilingon niya ako, "If there's no rules, would you date him?" Umiling ako while staring at him, "I don't love him anymore. Matagal na kaming tapos."
He sighed at sinandal ang ulo sa driver's seat, "Okay, I believe you. That motherfucker is stressing me out." I heard him whisper, he's acting like a jealous boyfriend right now. Doesn't he know that?
I pulled him arm to hold his hand, his eyes shifted to look at what I did. "Calm down, sa'yo naman ako uuwi." I simply said, bigla niya akong nilingon and I saw how his ears turn red bago umiwas ng tingin. Napangiti naman ako.
"Damn sure you are, princess." He just said bago ako yayain pabalik. Hindi na siya naupo sa table namin at bumalik sa table nila Tita.
"What activity was that?" Dalton asked, I just smiled at him bago umiling, "Wala, I showed him proof na nagpasa ako." Tumango lang ito at kumain ulit.
After the party ay niyayaya ako nila Dalton na sumama sa kanila nila Leon, mag-bobowling daw kasi sila. Pumayag na ako dahil wala naman na rin akong ibang gagawin at para rin makaligtas sa paningin ni Kio.
"Marunong ka nito, Yasmin?" Tanong nila sa akin at tumango naman ako, hindi magaling pero marunong naman.
"Dalton, turuan mo si Laz. Dito na kami nila Yasmin." Wala namang nagawa si Dalton dahil hindi talaga yata marunong si Lazulli.
Habang tumitira sila Leon ay pinagmamasdan ko si Lazulli at Dalton, he's fixing her hand sa bola and I can't help but notice how Laz's cheeks turn pinkish. Hindi nakatulong ang pagkakaroon niya ng talagang puting balat.
"Baka nagseselos ka?" Napalingon naman ako kay Leon na biglang nagsalita, umismid lang ako at umiling, "Hindi ah, ako na ba next?" Tumango lang ito at ngumisi.
"Kung may balak ka na balikan si parekoy namin, aabisuhan na kita, much better if hindi. Huwag mo na lang ikwento ang sinabi ko." Biglang seryoso ang tono nito na nakakapanibago. Bakit? Ano ba ang meron kay Dalton?
Sunod-sunod ang naging laro namin pero natatalo ako ni Leon, mahirap kasi talaga na matamaan lahat. Nagpicture taking pa kami after at pinost nila sa social media, nagpa-tag na lang ako.
"Pare, sabay mo na si Laz ah. May tumawag eh, una na kami! Ciao!" Kumindat pa si Leon sa amin at umalis na sila, naiwan kami ni Dalton at Laz. Napansin ko na tinignan saglit ni Dalton si Laz bago ako nito tapunan ng tingin.
"I'll drop you off first." Sabi nito sa akin at tumango ako.
"Sit in front, Rei." I awkwardly looked at Laz na sa harapan na sana uupo, "Ano ka ba, una akong bababa eh. Dito na ako." Sabi ko at agad na sumakay sa backseat. I saw he looked at Laz na nakatungo na binuksan ang pintuan sa harap bago siya pumasok sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Mastermind: Miranda Sisters #2
RomansaMIRANDA SISTERS #2 Yasmin Rei Miranda, the 2nd child. She has always been this striving, young woman with big dreams. Her life will turn upside down when an unknown man suddenly wants to be her sugar daddy but that man's not really unknown, or is he...