Twenty-one

204K 4.2K 593
                                    

AVREIN

NAKAMASID lamang ako sa kaniya habang natutulog siya. Para bang napakasaya niya nang nagdaang gabi sa klase ng aura na mayroon ang mukha niya at idagdag pa ang kaaliwalasan ng maliit na ngiti na kasalukuyang nakaukit sa mga labi niya.

"Mahal kita, Vience. Ano man ang bagay na hindi mo masabi sa 'kin, sana alam mong kaya ko iyong tanggapin at dumating sana ang araw na hindi mo na kailangan pang maglihim," bulong ko habang marahan kong hinahaplos ang buhok niya.

Umalis ako sa kama at nalingunan ko ang suot kong damit kagabi nang dumating kami sa resort na mukhan naipa-dry clean na kaya't kinuha ko ang mga iyon at isinuot.

Nilingon ko siyang muli at nakita kong mahimbing pa rin ang tulog niya.

Hindi ko pinagsisisihan na ibinigay ko ang buong ako sa 'yo at hinding-hindi ko pinagsisisihan na minahal kita. Alam kong may mali sa sitwasyon na mayroon tayo, pero kung ito lang ang paraan para manatili ako sa tabi mo, paulit-ulit kong pipiliin ang sitwasyon na ito dahil alam kong naghahanap ka ng taong magmamahal at makakaintindi sa 'yo at sa sitwasyong mayroon ka . . . handa kong isakripisyo ang sarili ko kahit pa ako ang masaktan sa dulo. Sa ngayon, sapat na sa akin ang kaalaman na mahal na mahal mo 'ko at mayroon lang talagang pumipigil sa 'yo kahit masakit para sa akin 'to.

"Magpahinga na muna tayo. Kailangan kong ikalma at ilugar ang pagmamahal ko sa 'yo. Mahal na mahal kita." Ginawaran ko muna siya nang bining halik sa noo bago ko tuluyang nilisan ang lugar na iyon.

Saktong papalabas na ako ng gate ng resort nang bigla na lamang may pumalatak sa likuran ko kaya't napalingon ako.

"L–Luis?" utal na tawag ko rito. Nalingunan ko siya na nakasakay sa isang motor at hawak niya ang kaniyang helmet.

"Alam kong mangyayari 'to," nakangiting sabi anito sa akin. "Sakay na?"

Tinungo ang kinaroroonan niya at sumakay kahit na ang totoo ay naguguluhan ako at nagtataka kung bakit narito siya. Alam kong wala rin naman akong ibang masasakyan dahil nasa liblib na parte kami ng norte.

"How did you know—"

"This is not the first time." Parang may tila kumirot sa dibdib ko matapos kong marinig ang sagot niya.

Hindi na ako muling nagsalita at nag-usisa pa. Isinuot niya ang helmet sa akin. "I wonder why is he hiding everything from you, ganoong base sa pagkakakilala ko sa 'yo, hindi naman makitid ang utak mo," nakangiting sabi nito. Sasagot na sana ako ngunit pumuwesto na siya na tila sisimulan nang paandarin ang motor.

Buong biyahe ay tahimik lang ako. Hindi ko nga alam kung saan ang tungo namin ngayon dahil hindi niya naman ako sinabihan kung saan niya ako dadalhin o ibababa.

"Minsan ang pagpapakatanga inilulugar," putol niya sa katahimikan na namamayani sa pagitan naming, saka pa pagak na tumawa.

"Meron bang sariling lugar ang katangahan?" ganting pang-asar ko.

"Meron naman, hindi mo pa lang natatagpuan."

"Gan'on?"

"Akala ko kapag brokenhearted, hindi pikon," asar niyang muli sa akin.

"Akala mo lang 'yon."

"Sabagay, maraming nagkakamali sa akala. Minsan akala mo mahal ka, iyon pala ay pinaglalaruan ka. Minsan akala mo pinaglalaruan ka, iyon pala ay totoong mahal ka," sagot niya sa akin na hindi ko alam kung saaan nagmula, saka pa siya bumuntonghininga na animo pagod na pagod sa sinabi niya.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang unti-unting pagbagal ng takbo namin, saka ang tuluyan naming paghinto. Luming-linga ako sa paligid at doon ko lang napansin na tila nasa isa kaming liblib na lugar gaya ng resort nila Vience, ngunit ang kaibahan nga lang, dito ay mas maaliwalas.

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon