Twenty-six

183K 4K 405
                                    

AVREIN

GALIT na galit na sinugod ni Vience ng suntok si Luis na ikinakabog nang malala ng dibdib ko. Hindi ko magawang makahuma agad matapos ng lahat ng mga narinig ko.

"GAGO KA TALAGA ALMEDA!"

Pinunasan ni Luis ang dugo sa labi niya bago muling ngumisi kay Vience. "Oo gago ako, at alam mo kung paano ko lalong maipakikita ang pagiging gago ko? Aangkinin ko ang dalawang bagay na itinatapon mo. Tandaan mo 'to, Montealegre, sa oras na malaman mo ang katotohanan, magpapasalamat ka pa sa akin. Pero dahil bobo ka nga pala, malamang na mas pipiliin mo na pasakitan ang sarili mo kaysa bawiin ang bagay na dapat ay sa 'yo!" matatas na wika ni Luis, saka mabilis na tumayo at naglakad palapit sa akin.

Niyakap niya ako at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. "Trust me with this, okay? I promise na magiging masaya ka. Kung hindi ko ito nagawa noon para kay Eirin, ngayon ko ito gagawin para sa 'yo. Lahat gagawin ko para maging masaya ka pati na rin ang magiging anak mo. Lahat isasakripisyo ko para lang sa kasiyahan ninyong mag ina. Kahit man lang sa ganitong paraan ay makaganti ako sa nangyari kay Eirin. Ang hindi niya nakuha, sa inyo ko ibibigay," makahulugang wika ni Luis, saka ko hinagkan ang buhok niya.

Nilingon ko si Vience at kitang-kita ko ang panibugho at kaguluhan sa mga mata niya.

Kinuha ni Luis ang kamay ko at kapwa namin nilisan ang kompanya.

Nakasakay lang kami ng sasakyan niya nang magsalita ako habang nakatulala sa bintana. "Kung wala siyang kakayahang magbigay ng anak, paanong nabuntis niya ako?"

"Avrein—"

"Kaya ba noon pa man ay ayaw niya akong mapalapit sa kaniya ay dahil inakala niya na hindi niya ako mabibigyan ng anak?" Malamyos ang tinig ko na tila ano mang oras ay babagsak na ang mga luha ko.

"Sorry—"

"Ang bobo naman ni Vience. Hindi man lang niya ako kinausap ukol doon. Okay lang naman kung wala kaming anak. Okay lang basta masaya kaming dalawa. Hindi naman ako makasarili na iiwan ko siya dahil doon. Hindi naman makitid ang utak ko." At tuluyan nang bumagsak ang masaganang luha mula sa akin.

"Hush now, Averin!"

"Ang bobo niya, Luis. Puwede naman kaming maging masaya kahit walang anak, e. Mahal naman namin ang isa't isa pero ano? Itinaboy niya pa rin ako. Tapos ngayong magkaka-anak namin kami, tinataboy niya pa rin ako."

Wala nang naisagot pa sa akin si Luis hanggang sa mkatulog na ako sa kakaiyak.

NAGISING ako nang makaramdam ako ng pangangalam ng sikmura. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Hindi ko maaalala kung nasaan ako basta ang alam ko ay nakatulog ako sa sasakyan ni Luis gawa ng pag-iyak.

"Breakfast in bed?" nakangiting mukha ni Luis habang may hawak siya na tray ang bumungad sa akin pagkabukas ng pinto.

"Thank you, Luis."

"You don't have to thank me Avrein. I'm doing this not only for you, but also for the baby and for Eirin," tapat na saad nito.

"Why, Luis? Why are you doing this?" tanong ko matapos niyang ibaba ang tray sa harap ko.

"I told you, para sa 'yo 'to. Sa inyo ng magiging anak mo," aniya at ngumiti lamang ito, saka na ako iniwan.

Wala naman akong duda sa ginagawa ni Luis para sa akin. Ang akin lang gusto ko sana na magkuwento siya pero mukhang iniiwasan niya. Gusto kong magsabi siya ng mga nalalaman niya pero sa palagay ko ay hindi niya talaga gustong magsalita.

Tinapos ko lang ang pagkain ko, saka na ako dumeretso sa banyo at ginawa ang mga dapat gawin. Paglabas ko ay may nadatnan pa akong isang kasambahay na naglalagay ng damit sa kama.

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon