AVREIN
KANINA pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko ngayon. Hindi mawala-wala ang pagkakatitig sa akin ni Sir Vience mula pa kanina na sobra talagang ikinaiilang ko. Dagdag pa na roba lang ang suot ko at wala akong suot na pang ilalim habang i naman ay nakatuwalya lang sa pang-ibabang parte ng katawan niya at expose na expose ang naghuhumiyaw niyang abs.
Kapwa lang kami naghihintay sa kakatok na magdadala sa amin ng pagkain.
"Sir—"
"Wala tayo sa office," putol nito sa sinasabi ko sa seryosong tono.
"M–may mali ba sa mukha ko?" utal na tugon ko nang hindi ko man lamang siya nilingon.
"Wala."
"B–bakit mo ko tinititigan?"
"Paano mo naman nalaman na tinititigan kita? Tinititigan mo rin ba 'ko?"
Dedepensahan ko na sana ang sinabi niya nang bigla na lamang kumidlat nang malakas kaya't mabilis akong napatakbo patungo sa puwesto niya.
God knows kung gaano kalaki ang takot ko sa kidlat at kulog.
Hindi ko alam kung paano akong mabilis na umabot sa kaniya. Basta nang nakaabot ako sa kaniya ay mabilis kong inihagis ang katawan ko sa kaniya at yumakap sa katawan niya, saka ko ibinaon ang mukha ko sa leeg niya. Nanginginig ako sa takot.
He smells really good... very manly. Ramdam ko rin ang matitipuno niyang dibdib na pinaglalapatan ngayon ng katawan ko.
Narinig ko siyang tumawa na siyang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad. "You're afraid of lightning?"
Wala akong balak na sagutin siya sa sinabi niya dahil may halo itong pang-aasar. Iniangat ko ang ulo ko mula sa leeg niya at nagtama ang mga mata namin. Natagpuan ko siyang nakangisi sa akin. Akmang aalis na ako sa puwesto na nakakandong ako sa kaniya nang higpitan niya ang pagkakayakap sa akin.
"Palay na ang lumapit, manok lang ako. Mapili ako pero kapili-pili kang palay," saad niya sa harap ng mukha ko. Magkalapit na magkalapit lang ang mga mukha namin na ano mang oras na magkamali akong gumalaw, tuluyang maglalapat ang mga labi namin.
"N–nagbibiro ka lang po, hindi ba?" utal na tanong ko rito. Halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mukha naming dalawa.
"Paano kung hindi? Papatuka ka ba, Palay?" mapang-akit na tonong tanong nito na ikinalaki ng mga mata ko.
"S–sir!"
Tinawanan lamang niya ako kaya't mas lalong nagkalapit ang mga mukha namin dahil sa paggalaw niya.
Muli akong napatingin sa mga mata niya na sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ko maialis ang tingin ko. Tila ba ako nahipnotismo na hindi ko maintindihan.
Alam kong matagal na akong nakatitig sa mga mata niya at ganoon din siya sa akin nang maramdaman kong tila marahang humahaplos sa likod ko ang isang palad niya.
Nagising ako at mabilis na tumalon palayo sa kaniya, pero imbes na makakita ako ng pagkagulat sa kaniya pawang ngisi lamang ang nakaukit sa mga labi niya. Tinitigan ko lamang siya gamit ang blankong ekspresyon.
Tila kinabog naman ang puso ko nang makita ko siyang tumayo at naglakad patungo sa kinaroonan ko.
"A–aano ka?" utal na tanong ko.
"Lalapitan ka. Why?" nakangising tugon nito.
"H–huwag kang lalapit! S–sisigaw ako!" Hindi ako natatakot sa kaniya. Mas natatakot ako sa katotohanan nab aka bumigay ako sa mga pang-aakit niya sa akin.
BINABASA MO ANG
My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]
Ficción GeneralWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED PUBLISHED UNDER PSICOM Avrein Laiclei Freezell is not your typical woman. She loves wearing manang get ups, big and round eyeglasses, and having no makeup at all. Hindi siya natatanggap sa mga inaapplyan ni...