Thirty-six

143K 3.4K 160
                                    

AVREIN

HINDI ko gusto ang kung ano-anong ginagawa nila sa katawan ni Vience.

"Miss, lumabas na muna po kayo. Kami na pong bahala sa boyfriend n'yo. Salamat," wika ng isang nurse na lalaki, saka ako inalalayan na makalabas. Pero bago ako tuluyang nakalabas ay tila nakita ko pang nakadilat si Vience at masama ang tingin sa lalaking nurse na may hawak sa akin. Or just like Axel, I was just imagining things?

Matapos kong makalabas ay naupo lang ako sa waiting area. I needed to calm myself. I needed to unwind. I needed to breathe. This feeling was too suffocating for me.

Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan at marahang pumikit. May limang minuto na siguro ako sa ganoong posisyon nang maramdaman kong may tumabi sa akin.

"Calming yourself?" I knew who owns that voice that's why I didn't bother opening my closed eyes.

"I am, James. It's been a while," I answered.

"Get the away from my property or else you'll die at this very moment." I automatically opened my eyes as I heard a very familiar voice—a voice that I would want to hear every day of my life.

I was shocked for who I saw.

"V–Vience."

"It looks like you're enjoying the moment with this jerk?"

"Y–you're wrong—"

"Was I?" He glared at James.

"So you're alive?" tanong ni James na mukhang hindi rin makapaniwala.

"Were you thinking that I'll die?" malumanay ngunit mapanganib na saad ni Vience.

Was he really a comatose patient!?

"I didn't come here to be killed by a ruthless guy like you. I came here to bid my goodbye to Avrein," ani Jame, saka ako nito tinuunan ng tingin.

"Then you may go now," sarkastikong wika naman ni Vience.

"James, can you leave now? This man and I have a lot to talk about."

"Bye, Avy. I wish you nothing but happiness in life," paalam naman ni James, saka ako biglang hinalikan sa pisngi at nagsimula nang lumakad paalis.

"What the fuck—"

"Stop in there!" Akma niya kasing hahabulin ng suntok si James kaya't pinigilan ko siya.

"Bakit hinayaan mong halikan—"

"Nakita mong hinayaan ko? Hindi mo ba nakitang nabigla rin ako!?"

Imbes na sumagot ay naglakad siya palapit sa akin, saka hinubad ang hospital gown na suot niya, saka ito ipinunas sa pisngi ko.

"W–what are y–you doing?"

"I'm disinfecting you," sagot nito, saka ako biglang hinila at hinalikan sa parteng pinunasan niya.

Hindi ko alam pero bigla ko na lamang siyang itunulak palayo.

"Why—"

"So you are really alive, Mr. Montealegre?"

Sa halip na sumagot ay muli niya lang akong hinapit palapit sa kaniya at tinitigan sa mga mata.

"I am, Mrs. Montealegre . . . I am." He then invaded my lips and everything around us went invisible.

"DADDY!" sinalubong kami ni Axel pagkapasok na pagkapasok namin ng pintuan ng bahay na binili ko.

"You miss Daddy that much, buddy?"

"Of course, Dad, though we talked yesterday," inosenteng wika naman ng anak ko.

"Nag-usap kayo? Kailan?"

"No more questions, babe. I'll explain later. For now, I want to catch up with you and Axel."

"Happy family." Napatingin kami sa boses na nanggaling sa kusina.

"E–Eirin?" utal na tanong ni Vience nang makita niya si Eirin na naka-apron. Minsan si Eirin ang nagbabantay kay Axel kapag nasa ospital ako.

"I'm so glad na gising ka na, Vience, although alam ko na noong nagpunta kami ni Luis sa hospital ay gising ka na. I don't know what's with you at bakit kailangan mo pang ilagay ang sarili mo sa alanganin," mahabang saad naman ni Eirin na tila gustong mangunot ng noo ko.

"Vience?" may himig pagbabanta kong turan. "Mukhang meron ka ngang dapat ipaliwanag sa akin, babe." Pinagdiinan ko pa talaga ang salitang babe dahil nanggigigil ako.

Ngiti lamang ang isinagot niya sa akin, saka umakyat sa second floor ng bahay.

"Saan ka pupunta!?" patanong na sigaw ko.

"I love you too!"

Pambihira talaga 'tong lalaking 'to!

Nabaling naman ang tingin ko kina Axel at Eirin na kapwa tumatawa.

"Avrein, can we talk?" pukaw ni Eirin sa atensyon ko.

"Sure," nakangiting sagot ko.

"If you don't mind let's go to the garden," aniya at na nagpatiuna kaya't sumunod ako.

Nang makaupo na kami sa upuan ng mini garden ko ay hinawakan niya ang dalawang kamay ko, saka ako tinitigan sa mga mata. "L–Luis proposed to me last night," utal ngunit excited na sabi niya.

"Oh my gosh!"

"I said yes. I–I love him so much. He's been with me through my darkest and accepted me despite unbearable past."

"I knew he would, Ei, because he is the ever gentleman, one-woman-man, loving and caring Luis. Hindi ako nagtataka na mabilis nabaling ang pagmamahal mo sa kaniya—"

Umiling siya nang sunod-sunod sa akin. "Hindi nabaling. Ever since we were young, I knew I love Luis. Nabaling lang talaga ang atensyon ko kay Vience dahil nag-aral si Luis si America ng isang taon. Hindi ko alam kung alam niya ba ang tungkol dito, but I'm planning to tell him that it was him all along," nakangiting pagsasalaysay nito. "How about you and Vience? When are you planning to get married?"

Tila naman naumid ang dila ko sa tanong ni Eirin dahil hindi ko alam. Hindi ko alam ang balak ni Vience sa aming dalawa.

"Lumalaki na rin kasi si Axel. Wala pa ba kayong planong sundan siya?"

"Hindi na masusundan si Axel, Eirin. Kung wala siyang kakambal nang ipinanganak, then he will be an only child."

Nakita kong nangunot naman ang kilay niya sa sinabi ko. "Why? Hindi ka na ba puwedeng manganak?"

"Maybe no, maybe yes?" I chuckled. "I am a Freezell—isang beses lang kami maaaring magka-anak sa buong buhay namin. Lahat kami na pinananalaytayan ng dugong Freezell ay isang beses lang maaaring mabiyayaan ng sanggol kaya't maswerte na kami kung kambal ito. Sumpa raw ito sa amin. Kaya nga nang akala kong nawala si Axel sa akin ay parang gusto ko na rin mamatay."

"But you know what, Avy? I envy you kasi nagka-chance si Axel na makita ang mundo. While my child didn't get t he chance. May chance na sana, kaso inalis siya sa akin." Mapait siyang ngumiti.

"Every child is a gift, pero minsan nawawala sila hindi para masaktan at magluksa tayo. Nawawala sila para maging guardian angel natin—maging tagapagbantay. Nawala man ang baby mo but you're still here, alive and kicking after all your pain and suffering. Isipin mo na lang na may magandang plano ang Diyos. Siguro hindi talaga para sa 'yo ang anak n'yo ni Vience. Maybe the child was really meant to become one of the angels of our Creator. Just trust Him," wika ko. Bigla na lamang niya akong niyakap na agad ko rin namang sinagot.

"Thank you, Avy. Now I know why he chose you. Just like what Luis had told me, you're really one of a kind."

I guess I am?

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon