Twenty-two

178K 4.1K 317
                                    

AVREIN

"FRIA, buntis ako."

Nakita namin ni Fria na binuhat si Vience ng mga lalaking empleyado para siguro dalhin sa ospital. Hindi ako nag-aalala kay Vience dahil alam kong tama ang kutob ko na ito.

It runs in the family. Sa pamilya ng Freezell, ang mga lalaking nakakabuntis sa babaeng Freezell o asawang babae ng Freezell ang siyang nakakaranas ng sakit ng paglilihi at ang siyang nagkakaroon ng weird cravings. Hindi ko alam kung paano o kailan nagsimula, basta't ganito na ang tumatakbong sumpa sa pamilya.

"How did you say so? Nahilo, nagsuka at hinimatay lang si Sir Vience and now you're here telling me that you're pregnant? Have you already lost your sanity, Avrein? Or you're giving yourself a false hope na puwede kayong magkaroon ng seryoso at steady na relasyon dahil diyan sa pinagsasasabi mo?" kunot-noong tanong ni Fria sakin. Her words hit me so hard.

"B–but you don't get it, Fria. G–ganiyan ang sumpa sa pamilya namin," utal na sagot ko rito dahil tila ako nabuhusan ng yelo sa sinabi niya.

"Every hope you make will always lead you to disappointment. Don't get me wrong, Avy. I'm not saying these things for my sake. It's for your own. I don't want to see you hurting, kasi mas nasasaktan ako."

"I–I know," I answered.

Am I really giving myself a false hope?

"Puwede nating alamin ang kung totoong nagdadalang-tao ka mamaya pag-uwi natin sa unit mo. Is that okay with you?" aniyang muli sa akin at tumango naman ako bilang sagot. "Magtuloy na muna tayo sa kaniya-kaniya nating cubicle. Alam kong hindi ka pa rin handa na makita siya kaya't hintayin na lang natin mamaya ang pagbabalik niya."

"Are you sure okay lang siya?" kinakabahan kong tanong.

"Yep! Mamaya makikita mo na rin 'yan sa loob ng opisina niya. Nangyari na rin naman ang ganiyan noong mga nakaraang araw kaya nasasanay na 'ko," sagot ni Fria na nakapagpatahimik sa akin.

"Kasalanan ko ba?" wala sa sariling tanong ko.

"You are partly responsible," sagot naman ni Fria, saka ako hinatak papasok ng elevator.

Tahimik lang ako hanggang sa una naming marating ang floor ni Fria at lumabas siya. "Puntahan na lang kita mamayang lunch, ha?" nakangiting wika nito na ikinatango ko.

Muling sumara ang elavator at dinala ako nito sa floor ko. Tahimik lang akong lumabas at pinagmasdan ang paligid. Wala namang nagbago sa apat na linggo kong pagkawala maliban lang sa napakaraming tila mga sirang gamit sa harapan ng opisina niya.

Nagtuloy lang ako at napansin kong nakaawang nang bahagya ang pinto. Muntik pa akong mapatalon nang biglang may isang hindi katangkaran at maputing babae ang lumabas dito habang may bitbit na walis at dustpan.

"Ay kinalabawang kamote!" tili nito nang makita ako. "Pambihira naman, Miss!" sabi pa nito na humawak sa dibdib.

"Sino ka?" tanong ko dito.

"I'm Rahfia, ako ang secretary ni Mr. Montealegre. Ikaw? Sino ka?" taas-kilay na tanong nito sa akin.

"I'm her secretary too. I'm Avrein," sagot ko rito na biglang ikinalaki ng mata nito bago tuluyang lumabas at dumeretso sa cubicle ko.

Sinundan ko siya at nakita kong mabilis niyang nililimas ang mga gamit niya habang maingat naman niyang ibinabalik ang mga gamit ko sa orihinal nitong pwesto.

"Naku po! Naku po! Bumalik na ang original. Dead end na naman. Babalik na naman ako sa pagiging tambay ng kumpanya. Hayahay," bulong nito na rinig ko naman.

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon