AVREIN
BUBUKSAN ko na sana ang pintuan ng sasakyan niya nang maramdaman ko ang kamay na marahang humigit sa braso ko.
"Avrein, I'm begging you," he pleaded and as I turned my gaze on him, he looked so hopeless.
I have to secure my defense dahil this time hindi na lang ako ang masasaktan 'pag tuluyan akong bumigay—may anak na kaming madadamay. Pero paano ko naman lubos na gagawin iyon kung ganito siyang magmakaawa sa akin?
I was about to pull my arm back but he pulled me closer to him, instead, and gave me a tight hug.
"V–Vience, please—"
"I can't just let you go. I'm sorry for being selfish. I've been selfish for too long, pero ikaw lang ang pinakahindi ko kayang ipaubaya sa lahat ng pagiging makasarili ko."
Unti-unting lumuwag ang pagkakayapos niya sa akin hanggang sa tuluyan niya na akong bitiwan. Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat, saka pinagmasdan nang maigi ang aking mga mata.
"I hate staring at your eyes, they look so fragile," aniya at bumaba ang tingin niya sa pisngi ko. "I hate feeling your cheeks, they look so naive," aniyang muli, saka ibinaba ang tingin sa mga labi ko. "I hate kissing your lips, they look so innocent." Nagulat ako ng makita kong unti-unting naglalandas ang masaganang luha sa pisngi niya na nagmumula sa kaniyang mga mata. "I hate everything I did to you. I knew, I ruined everything about you—every part of you, and I'm sorry for that. I'm really sorry for everything I did. I am unforgivable but instead of blaming and hurting me, you loved me with all you have, and it pains me knowing that I am slowly losing you now."
Kusang umangat ang kamay ko patungo sa pisngi niya upang pahirin ang mga luha niya.
"Avrein."
Kusang kumikilos ang katawan ko sa paraang hindi ko gusto.
"I hate this feeling, Vience. Gustong-gusto kitang kamuhian at pagmatigasan pero bumibigay ako." Kusang lumalabas ang mga salitang iyon sa mga labi ko. "Gustong gusto kong danasin mo ang sakit at hirap na maghabol ng taong mahal mo pero hindi ko 'yon magawa sa'yo. Masyado kitang mahal kaya kahit ang depensa ko, kusang bumibigay."
"I–I'm sorry. I really am," aniya, saka pa niya ako sunod-sunod na hinalikan sa noo.
Pasensiya ka na, anak, napakatanga ko. Pasensiya na at mahal na mahal ko ang Daddy mo. Hindi ko alam kung tama ito, pero sisiguraduhin kong poprotektahan kita sa abot ng makakaya ko.
"I'll give you the chance you want, Vience, but promise me one thing . . ."
"Anything, Avrein. Anything."
"You'll take care of me as well as my baby." He nodded at me and hugged me again.
"I'll always will. I promise."
NAKATAYO ako ngayon sa ilalim ng manggahan. Ngayon ko lang napagtanto na isa palang rancho ang pinagdalhan sa akin ni Vience.
Papalapit siya sa akin nang may mga tauhan ng rancho ang dumaan na may dala-dalang kaing kaing ng mangga na ikinaputla niya.
Nakita ko ang pag aalala sa lahat ng tauhan na nakakita nang bigla na lamang sumuka ng sumuka si Vience kahit wala naman itong maisuka.
"Sir Vience!" halos magkakasabay na sigaw ng mga ito at sabay-sabay na dumulog sa kaniya.
Lahat sila'y nag-aalala ngunit hindi ako. Alam ko naman na dahil 'yan sa paglilihi niya. Ayaw niya lang talagang tanggapin o dahil hindi niya pa talaga alam ang katotohanan.
"Iho, 'wag mo sanang mamasamain ang itatanong ko pero ay nabuntis ka ba? Ganiyan na ganiyan kasi ako nang mabuntis ko si Sela sa panganay namin. Ako ang tila naglilihi para sa kaniya." Kapwa naagaw ni Tata Pilo ang atensyon namin ni Vience sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED PUBLISHED UNDER PSICOM Avrein Laiclei Freezell is not your typical woman. She loves wearing manang get ups, big and round eyeglasses, and having no makeup at all. Hindi siya natatanggap sa mga inaapplyan ni...