AVREIN
NAG-AALALANG mukha ni Fria ang nakita ko matapos kong sabihin ang tungkol sa bakaksyon na iyon.
"So anong plano?"
"Hindi ko alam. Bahala na, Fria," sagot ko, saka ko inilagay ang mga itinupi kong damit sa maleta ko.
"Hindi ka ba natatakot?" Napalingon ako kay Fria dahil napakaseryoso ng tono niya.
"What do you mean?"
"Are you not afraid of getting busted? Are you not afraid of what Sir Vience might think if he caught you red-handed?"
"I'm not doing anything wrong," sagot ko rito ngunit tiningnan niya lamang ako.
"Are you . . . are you not afraid of losing your job?" My body automatically stiffened for what heard.
"I am," wala sa sariling tugon ko rito.
"Bakit hindi mo na lang sabihin ang totoo?" Tila naman nanumbalik ang katauhan ko sa reyalidad sa sinabi niya.
"Sa lahat ng tao, Fria, ikaw ang inaasahan kong makakaintindi na hindi ko puwedeng gawin 'yan."
"But, Avy. . . ."
Naupo ako sa edge ng kama at tinitigan siya. "Clei is the only reason why I can still escape reality. My other half is the only thing that makes me want to be happy even just for the short period of time. Hindi ko kayang maging masaya kapag si Avrein ako dahil alam kong may mga limitasyon na kailangan kong intindihin. Kung ako lang naman ang masusunod I wanna be the real me, without Clei, without my other personality, but I know I can't . . . hindi puwede."
"Puwede naman, Avy, ayaw mo lang. Natatakot ka na baka hindi ka tanggapin ng pamilya mo o ng mga tao kapag pinakita mo ang totoong ikaw, where in fact those are just your own conclusion. Hindi sila ang nanghuhusga sa 'yo Avrei, ikaw mismo ang humuhusga sa sarili mo," saad niya, saka inialis ang pagkakatingin sa akin at tumanaw sa bintana kung saan tanaw na tanaw ang lungsod.
"I don't know, Fria."
I didn't want to argue with her. Actually this was the first time na nagkasagutan kami nang ganito kaseryoso. Fria never failed to support me for whatever I do.
Natapos kaming mag-ayos ng gamit ay hindi pa rin kami nagkikibuan. Sabay kaming bumaba dala ang kaniya-kaniya naming maleta.
Nag-aabang kami ng taxi nang biglang tumunog ang telepono ko.
From: Unknown Number
Enjoy your vacation missy. Enjoy every inch of your happiness. You'll never know until when will it last.She or he kept on texting me puzzled messages. Kung gugustuhin ko ay agad ko namang mate-trace ang may-ari ng number na 'to pero hindi ko ginagawa. Reason? May gusto akong malaman and this sender was the only one who could give me the answer. Alam kong malapit lang siya sa akin. It's pretty obvious.
Mabilis lang kaming nakarating sa main gate ng opisina. Nadatnan namin na madami-dami na rin ang mga kasamahan namin sa trabaho na narito kasama ang kani-kanilang partners at si Vience na nakaupo sa isang tabi at hawak ang telepono niya.
Pinakikiramdaman ko lang siya sa ikinikilos niya. I was actually thinking kung tatawagan niya ba si Clei or what.
Nakita ko siyang tumayo at lumapit kung saan kami nagkukumpulan. He didn't even take a glance at me. I didn't know, but that gesture of him really gave me an uncomfortable feeling.
"So lahat ba nandito na?" tanong niya.
"Opo, Sir. Pero kung may hihintayin pa po tayo, I think that will be your date and, Fria and Avrein's as well. Kayo lang po ang walang ka-partner sa ngayon," sagot ni Ryan.
BINABASA MO ANG
My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED PUBLISHED UNDER PSICOM Avrein Laiclei Freezell is not your typical woman. She loves wearing manang get ups, big and round eyeglasses, and having no makeup at all. Hindi siya natatanggap sa mga inaapplyan ni...