AVREIN
HINAWAKAN ni Vience ang kanang kamay ko nang sobrang higpit na tila hindi niya ako hahayaan mawala o makuha man lang ng iba mula sa kaniya.
Inakay niya ako hanggang sa makaupo kami sa kaharap na upuan na inuupuan ni Lola Cassy at Fria. Hindi sinasadyang napadako ang mga mata ko kay Fria. Gulat ang gumuhit sa mukha ko nang makita ko siyang ngumiti nang kakaloko. Anong ibig sabihin nito?
"So anong ginawa ng masunurin kong apo sa taguan ng isang Montealegre?" kaswal na wika nito ngunit kababakasan mo talaga ng tigas ang bawat salita niya.
"L–Lola—"
"Yes, Laiclei? Are you saying something?"
Naiintimida ako sa klase ng tingin na ibinibigay ni Lola. Tila kase hinahalukay niya ang bawat letreng iniisip ko. Kung matalas ang pakiramdam ko o mas matalas ang pakiramdam ni Aeickel, believe me, hindi mo gugustuhing malaman kung gaano katalas ang pakiramdam ni Lola Cassandra.
Yumuko muna ako at pinagmasdan ang mga kamay ni Vience na sinakop ang kanan kong kamay bago nagsalita. "Why are you doing this to me? What for, Lola? I don't really get your point."
Imbes na sagot, isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko na tila nakapagpamanhid ng kanang pisngi ko. Naramdaman kong biglang binitiwan ni Vience ang kamay ko at tumayo sa harap ko na tila hinaharangan niya si Lola Cassandra.
"Ginagalang ko po kayo pero hindi tama na saktan n'yo si Avrein!" Ramdam kong pinipigilan niya ang pagtaas ng boses niya dahil si Lola Cassandra ang kaharap niya.
"Who do you think you are for me to listen, Montealegre? Let's not talk about the pain Laiclei got after I slapped her. Why don't we talk on how you made her life miserable? Pipigilan mo akong saktan ang sarili kong apo pero ikaw mismo na lalaking mahal niya hindi lang iisang beses siya sadyang sinaktan!? Oh come on, Montealegre. Don't play with me." I was shocked. She said that without any hesitation at sinundan niya pa ito ng nakakatakot na tawa niya.
"I'm not playing with you, Madam Cassandra. I knew how I made your granddaughter's life miserable as hell and I already asked for her forgiveness," matatag na sagot ni Vience ngunit ramdam na ramdam ko ang tensiyon sa tinig nito.
"Forgiveness? Do you really think that she can easily forgive you for what you have done? She's too naive but she can't easily forget—"
"I can, Lola. I can because I love him and I love our son." Alam kong mali na pinutol ko ang sinasabi niya, pero hindi ko lang kasi maaatim na iniisip niyang hindi ko kayang magpatawad.
"You love him so much that you even forget how to love yourself first. You're too impossible, Avrein. I knew that you are innocent, but I never knew that you are this stupid." Her words were full of sarcasm.
"She's not stupid, Madam. Nagmamahal lang po ang apo n'yo." Lahat kami ay nagulat nang biglang magsalita si Fria.
I thought hindi namin siya kakampi? Matapos ang nakita kong kalse ng ngiti niya sa akin kanina.
"Love should not be like this. Love shouldn't be full of stupidity," sagot ni Lola sa kaniya.
Hindi ko pa naa-absorb lahat ng narinig ko ngayon ay hinawakan bigla ni Lola ang pupulsuhan ko at iginiya ako patayo. "Lola—"
"You're coming with me, Laiclei." Hinatak ako nito palabas. "Tayo na, Fria."
Saktong palabas na sana kami ng pinto nang magsalita si Vience. "I'm sorry." Wala sa sariling nilingon ko siya at ganoon na lamang ang gulat ko dahil natagpuan ko siyang nakaluhod. "I'm sorry, Madam. I'm sorry."
BINABASA MO ANG
My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]
Ficção GeralWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED PUBLISHED UNDER PSICOM Avrein Laiclei Freezell is not your typical woman. She loves wearing manang get ups, big and round eyeglasses, and having no makeup at all. Hindi siya natatanggap sa mga inaapplyan ni...