AVREIN
MABILIS akong naglakad palayo. Hindi ko alam kung bakit pero nakararamdam ako ng masakit sa bandang dibdib ko.
Hindi ko alam bakit nagawa ko pang lingunin siya na lalong ikinasakit ng dibdib ko. Yakap yakap niya yung si Denelle habang nakangiti naman ang huli.
Ano bang nangyayari sa 'kin?
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis akong tumakbo palayo. Walang tamang destinasyon ang utak ko basta tumakbo lang ako. I'd never felt this kind of pain before. I'd never been in this kind of situation before—wherein my eyes and knees were betraying me, wherein I'm losing my control on my own brain. This feeling sucks! This feeling is unidentifiable!
Kung saan man ako dinala ng mga paa ko, hindi ko alam. Basta't naupo na lang ako sa isang duyan na nakita kong nakatali sa pagitan ng dalawang puno ng mangga.
"People tend to run whenever they get hurt. They usually thought that running keeps them away from feeling a disastrous pain." Bigla na lamang tila kusang bumalik sa reyalidad ang isip ko nang makarinig ako ng pamilyar na boses mula sa likuran ko.
"Vance?" pagtawag ko sa pangalan nito nang makita kong ang pinsan kong ito ang nalingunan ko.
Ngumiti lang siya sa akin, saka tumango. Naupo siya sa tabi ko at inihiga ang ulo sa balikat ko. We're not that close, mas close si Vance kay ate Aiyell at Leickel. Kami naman ni Aeickel ang magkadikit dahil kami raw ang magkautak.
"You're crying and this is the first time that I saw you cry." My body froze for a while at doon lang nag-sink in sa akin na basa na nga ang pisngi ko dahil sa mga luha.
Pinilit kong magpanggap na normal kahit hindi naman siya nakatingin. "I'm fine. Bakit ka nga pala nandito?"
She held my hand and played with the tip of my fingers. "May shooting kami rito, tapos nakita kita. At first, I'm not really sure kung ikaw ba ang nakita ko dahil nakabihis ka, pero nang nakita ko ang mga mata mo habang tumatakbo ka palayo, doon ko lang natiyak na ikaw nga ang nakita ko. Siguro may dahilan kung bakit iyan ang suot mo pero hindi iyan ang isinunod ko sa 'yo rito."
"Naabala pa yata kita," turan ko.
"I'm the one who brought Denelle here. She's my co-model. Hindi ko naman alam na ang Vience palang tinutukoy niya ay ang boss mo na humalik sa 'yo noon sa kasal ni ate Aiyell. I sincerely don't know, Ate. Kung alam ko lang hindi ka sana umiiyak ngayon."
Dedepensa pa sana ako sa sinabi niya umangat siya mula sa pagkakasandal sa balikat ko, saka ngumiti nang mapait sa akin.
"I told you before not to fall for that type of guy, but you did. Now, face all the consequences of loving that kind of man . . . that kind of man who's fun of pushing people around him . . . away." May pagbabanta sa itinuran niya ngunit bago pa niya mabigyang linaw ang sinabi niya ay nawala na siya paningin.
NAGLALAKAD ako ngayon dito sa dalampasigan. Mula kaninag nag-usap kami ni Vance ay hindi pa rin ako bumabalik sa silid ko. I wonder kung hindi pa ako hinahanap ni Fria at James.
I have been assessing myself while I was walking at isa lang ang konklusiyon ko para sa sakit na nararamdaman ko . . . I already fell. Kahit anong tanggi ang gawin ko, I knew to myself that I hardly fell.
"I am really in love with you, but what should I do? Hindi ko naman puwedeng basta na lang sabihin sa 'yo o basta na lamang ako umamin. Natatakot ako—"
"You need to take the risk. Walang mangyayari kung hindi ka aamin. Walang mangyayari kung ibabaon mo lang ang nararamdaman mo." Mabilis akong napalingon sa nagsalita at halos matuod ako nang malingunan ko si Vience.
BINABASA MO ANG
My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED PUBLISHED UNDER PSICOM Avrein Laiclei Freezell is not your typical woman. She loves wearing manang get ups, big and round eyeglasses, and having no makeup at all. Hindi siya natatanggap sa mga inaapplyan ni...