Thirty-nine

97.6K 2.3K 28
                                    

AVREIN

HAWAK ko ngayon ang kamay ni Mommy sa isa kong kamay habang ang isa naman ay naka-angkla sa braso ni Daddy.

"This is it, anak," masayang bulong ni Mommy na ikinatango ko lang dahil sa kaba.

Natatanaw ko siya na nasa harapan ng altar at nakangiti sa akin. Matagal kong pinangarap 'to—ang makasal sa taong mahal ko at alam kong mahal na mahal ako.

Bawat hakbang na ginagawa ko palapit sa kaniya ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Siya lahat ang nag-asikaso ng kasal namin. He was just really too excited about this.

Mahal na mahal ko ang lalaking sasalubong sa altar sa akin. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, nagpapasalamat lang ako at dito pa rin ang tungo naming dalawa.

"He's smiling like an idiot," nakabusangot na sabi ni Dad nang malingunan ko siya. Nakakatawang isipin na hindi pa talaga siya handang pakawalan ang prinsesa niya.

"Mahal na mahal niya lang kasi talaga ang anak mo," sagot naman ni Mommy.

This guy was the only reason kung bakit ako kumawala sa kuweba na kinasasadlakan ko. He made me see the world. He taught me a lot of things. He made me feel feelings I never had before. He was one of a kind and I was proud that he was my man.

"Take care of my only princess, Montealegre, or else sasapakin talaga kita!" Inambaan niya pa nga ng suntok si Vience na ikinatawa ng mga bisita. Si Daddy talaga!

"Led!" pagbawal ni Mommy rito. "Just take care of her, Vience. That's all I'm asking for," malumanay na bilin naman ni Mommy.

"Makakaasa po kayo," magalang naman na tugon niya.

Iniwan na kami nila Mommy at humarap na kami sa altar ng Diyos kung saan kami pag-iisahin ng pari na nakaharap sa amin.

Ang haba ng mga naunang sinabi ni Father pero the whole time ay alam kong nakatingin lang sa akin si Vience. Ramdam na ramdam ko 'yon.

"Mr. Montealegre, please pay attention," sita ng pari sa kaniya na ikinangiti ko. "Who support this marriage?" tanong ng pari sa madla.

"We do," sagot ng mga bisita.

"I don't." Napalingon kami sa nagsalita na 'yon at nakita namin si Daddy na nakakunot ang kilay at nakahalukipkip.

"Led Van!" sita ni Lola Cassandra.

My gosh, Dad! Gusto kong matawa sa inaakto niya.

Humarap si Vience sa akin, saka hinawakan ang aking kanang kamay. Nangungusap ang mga mata niya at mababanaag mo rito ang kasiyahan.

"Vience, do you take Avrein to be your wife? Do you promise to be true to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and honor her all the days of your life?"

"Opo, Father, with all my heart," sagot niya na ikinatulo ng luha ko. This time it was for real. Hindi ko na kailangan mangarap.

"Avrein, do you take Vience to be your husband? Do you promise to be true to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and honor him all the days of your life?"

"Yes I do, Father. I really do," lumuluha kong wika. Luha ng kaligayahan.

"You may now exchange your vows."

"Manang!" panimula niya na ikinatalim ng tingin ko sa kaniya at ikinatawa ng madla. "Manang, hindi sexy manamit, may suot na malaking salamin, walang style ang mahabang buhok. At first look, you look so boring but I never thought that this boring woman would make me fall in love hard . . . really hard. Wala akong balak na ma-in love sa 'yo, at kahit sa hinagap o panaginip ko hindi ko alam na mahuhulog ako sa babaeng kabaligtaran ng tipo ko. Pero gaya nga ng sabi nila, tanga si kupido kung mamana. Tumatama ang palaso niya sa mga taong hindi inaasahan. Who would have thought that the great Vience Montealegre will fall for you, Avrein? The arrogant, user, and jerk Vience will be at his best when he learned to love Avrein?" Puro siya kalokohan kaya't hindi ko naiwasan na bahagyang hampasin ang balikat niya. Nakakainis siya! "You're the only right decision I've made in my entire existence. Nang hayaan kong mahulog ako sa 'yo nang tuluyan, doon ko naramdaman na kahit minsan sa buhay ko ay makakaya ko palang magdesisyon nang tama. We've been through a lot of challenges and struggles pero ito tayo ngayon, pinagtagpo pa rin ng Diyos sa harap Niya mismo. I can't promise that I won't make you cry after this, but I assure you that I will always be here for you. Alam kong hindi ko deserve ang isang gaya mo—ang isang Avrein Laiclei Freezell, pero nagpapasalamat ako sa Diyos at ibinigay ka Niya. God knows that you and Axel is my life."

I love this man! I really do!

Isinuot niya ang singsing sa akin, at bahagyang pinunasan ang mga luha ko. "I love you," bulong niya.

"Bastos, mahilig sa babae at mayabang—iyan ang pagkakakilala ko sa 'yo. Lahat ng negative traits na puwedeng hanapin ng isang babae sa lalaki ay nasa iyo na. Madalas nga nagtataka ako kung paano ako na-in love sa 'yo? Puwede pa bang umurong sa kasal na 'to?" Nakita kong nanlaki ang mata niya sa huli kong sinabi. "Kidding. Masyado kitang mahal para iwanan sa harap ng Diyos. Ang dami na nating pinagdaanan. Sobrang bibigat na pagsubok na halos ikabigay na ng relasyon natin. Bilib lang talaga ako sa tibay nating dalawa, alam mo ba 'yon? Nagsimula 'to noong mag-apply ako ng trabaho sa kompanya mo at nakita ko kung gaano kagaspang ang ugali mo, at kung gaano ka kabastos. Alam mo bang gusto ko nang umurong noong time na 'yon? Kaya lang lagi kong naaalala na last choice ko na ang kompanya n'yo dahil walang gustong tumanggap sa akin na kompanya dahil sa old style kong pananamit. Nakilala kita. Nalaman kong hindi ka naman pala ganoon kabastos, slight lang. Do you know what surprised me most? Iyon ay noong habang kinikilatis ko ang ugali mo, hindi ko napapansin nahuhulog na pala ako. You're my medicine, my sky, and my handkerchief." Nakita kong nangunot ang noo niya sa sinabi ko. "Ikaw ang gamot sa kamanhidan ko, ikaw ang langit na nagpakita sa akin kung ano ang mundo, at ikaw ang panyo na sumasalo lahat ng hinanakit ko. You may be naughty and boastful but those traits make you unique—those traits make you mine. Kainisan ka man ng iba, lagi mong tandaan na laging my Avrein na iintindi sa 'yo. I may not be the best, but I'll do everything just to make you feel at ease. Hindi ko kailangan ng iba para sumaya, sapat nang nariyan kayo ni Axel. Mahal na mahal ko kayo."

I put the ring on his ring finger. "Mahal na mahal na mahal kita, Mr. Montealegre," I whispered.

"And now, as the power given me by the Catholic Church, I now pronounce you as Mr. and Mrs. Vience Kent Montealegre. Groom, you may now kiss your bride."

Itinaas niya ang belo ko at marahan niya lang pinagdikit ang mga labi namin at mabilis lang na pinaghiwalay na lubos kong ipinagtaka.

"I'm saving my kisses, babe," he whispered at nag-aya na ng picture na ikinangiti ko.

Dumalo na sa amin si Axel na halatang tuwang-tuwa sa naganap at ang mga kamag-anak namin, saka pumwesto na kami pero may dalawang tao na nakakuha ng atensyon ko.

Ang isa ay kaswal lang na damit at may hawak na folder at ang isa naman ay may hawak na camera. How come? Sila ang nurse at doktor sa ospital nang biglang mag-agaw buhay si Vience?

"I–I'll explain later, babe."

"MONTEALEGRE!"

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon