AVREIN
GIGIL na ekspresyon mula kay Fria ang napala ko nang ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari sa pagitan namin ni Vience.
"Hindi mo kailangan umamot ng pagmamahal sa taong ni hindi yata alam ang salitang pagmamahal."
Hindi ko alam kung sasagot ba ako sa sinabi niya o mananatili na lamang akong tahimik at makikinig sa sasabihin niya dahil alam ko naman na may punto siya?
"Kaya ko, Fria. Kaya ko 'to."
"You're really good at hiding, Avy and I have no doubt about that, but not to me. You can hide and lie to everyone but not to me," aniya at doon na nagsimulang tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi ni Fria.
She can read me without me being transparent.
Pinilit kong maging okay the whole time na nasa Lipa kami. Ayokong ipakita sa kaniya na nasasaktan ako sa paraan ng pakikitungo niya.
He flirted with almost all the businesswoman he met during the seminar. Para bang ipinamumukha niya sa akin na hindi siya kailanman magtitino sa isang babae—na bawat babae ay laruan lamang ang turing niya. Tangang-tanga ako sa sarili ko na wala akong ibang magawa kung hindi ang magpanggap na wala akong naririnig o nakikita. I acted like I didn't care, but believe me . . . the whole Lipa trip was like a torture to me.
"Papasok ka pa ba—or should I say, kaya mo pa ba ang paraan ng pakikitungo niya?" tanong ni Fria na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.
"Dapat ba akong sumuko dahil lang sinabi niya na hindi niya ko mahal?"
"Bakit, Avy? Kaya mo pa bang ipilit ang sarili mo sa kaniya? Kaya mo pa bang tiisin na nire-reject ka niya nang paulit-ulit?"
Hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi ni Fria dahil tila sampal sa akin iyon. Ang hirap na alam ko ang dapat kong gawin, pero takot naman akong may pagsisihan sa huli.
KANINA pa ako palinga-linga sa paligid habang naglalakad ako patungo sa building ng condo ko. Kanina pa ako nakakaramdam na may nakasunod sa akin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa kung saan naroroon ang elevator. Saktong pipindutin ko na sana ang elavator nang bigla na lamang may humatak sa akin saka ako kinabig sa baywang at tinakpan ang bibig ko.
Hindi ko alam kung magpa-panic ba ako o hindi. Pakiramdam ko kasi pamilyar ang presensiya ng taong nakahawak sa akin ngayon. Patuloy lang akong hinatak ng estranghero hanggang sa sapitin namin ang madilim na parte ng building kung saan pababa ito patungo sa basement ng buong building.
"Ssssshhhhh," bulong nito. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nasa likod ko siya. "Aalisin ko ang pagkakatakip sa bibig mo basta't huwag kang sisigaw o magsasalita," muling bulong nito sa tainga ko.
Tumango naman ako bilang tugon. Ewan ko ba, basta't ramdam ko na hindi dapat ako matakot sa taong 'to.
Tinanggal nito ang pagkakatakip sa bibig ko, saka ako unti-unting hinarap sa kaniya.
"Vience—" hindi makapaniwalang saad ko na mabilis niyang pinutol nang bigla niyang takpan ang mga labi ko gamit ang mga labi niya.
Bigla akong nawala sa sarili nang maramdaman ko na naman ang pagkakadampi ng mga labi namin. Kailan ba ako masasanay? Kailan ba ko magsasawa sa unang labi na paulit-ulit ko nang natikman?
Pambihira ka, Avrein! Iyan pa ang iniisip mo sa ganitong sitwasyon!
"...I don't love you, stop asking..."
Biglang nag-sink in sa akin ang reyalidad kaya't mabilis ko siyang itinulak, ngunit ang ipinagtaka ko ay nang muli niya akong kabigin at muling halikan.
BINABASA MO ANG
My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED PUBLISHED UNDER PSICOM Avrein Laiclei Freezell is not your typical woman. She loves wearing manang get ups, big and round eyeglasses, and having no makeup at all. Hindi siya natatanggap sa mga inaapplyan ni...