Sofiera
Palihim akong napalunok ng tuloyang makalapit ang mommy ni Jazmine. Tinitigan ako nito dahilan para ako ay mailang. Nag-iinit din ang mukha ko sa sobrang kahihiyan. Unti unting sumilay ang ngisi nito.
"How are you, Sofiera?" Tanong nito.
I cleared my throat. Para akong naha-hot seat ngayon.
"Ano po, I'm ok. I-Ikaw po?"
"Ang galang mo ha. Kanina lang tanghali gusto mong putolin ang kamay ko."
Napapikit ako bago napabuntong hininga. Hindi ko na talaga mapigilan at maitago ang frustrasyon sa mukha ko.
"A-About that, I'm sorry. Nagselos ako." Nagmulat ako ng mga mata at nakita kong nakangiti ito.
"Naiintindihan ko pero hindi mo kailangang maging bayolente."
Sumandal ito sa railings ng pavilion dahil sa ibaba nito ay isang pond. Pinagkrus nito ang mga kamay sa dibdib nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nandito ako sa mansyon ni Snow Giudevaun at nakilala ang buong pamilya nito.
"Hindi ko po nakontrol." Pakiramdam ko ay nasa teritoryo ako ng mga leon ngayon.
"Naiintindihan ko." Tumingala ito sa langit na parang may inaalala.
"Risen, I used to be her professor in HFU kami ni Natasha. I used to be just like you." Bumalik ang tingin nito sa akin.
"I missed those days." Napabuntong hininga ito. "You know that I don't like Risen before? She's impulsive, stupid, at wala na akong nakitang taong mas bastos pa sa kanya. Mahilig siyang magmura, mahilig siyang manakot at magbanta. She does whatever she wants at wala siyang pakialam sa kahit sino. She love to disrespect me kahit saan. Manliligaw siya, dadalaw sa bahay ko na may dalang baril."
Napalunok ako. Kung ganun, hindi nagbibiro si Jazzy ng sabihin nitong hindi ko alam kung anong magagawa ng mama nito. I mean, sinong matinong tao ang gagawa non?
"At hindi ko siya pwedeng hindi papasukin. Nage-eskandalo sa labas ng apartment ko at nakakahiya sa mga kapitbahay. Dumating sa punto na natakot talaga ako sa kanya. I mean what more, ano pa ang kaya niyang gawin? It clicked in my mind na walang hiya siya at ang taong walang hiya ay maraming nagagawa."
Natawa ito ng mahina. "Iniwasan ko siya. Kapag nasa school kami hindi ko pinapansin. But I think mas lalo ko siyang itinulak na gumawa ng masama ng gawin ko iyon. Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko siya naiwasan. Pinagbantaan niya ako. Nagpunta siya sa apartment ko kasama ng mga kaibigan niya. They took me at alam mo kung anong nangyari?"
Mulagat akong nakatingin rito bago napalunok at saka umiling. I never imagine this kind of love story exist. Totoo nga ang kasabihang kapag nagmamahal ay maraming mga bagay na hindi mo aakalaing magagawa ng isang tao. Parang ayokong maniwala na magagawa non ni Mrs. Giudevaun pero heto at asawa na nito mismo ang nagku-kwento.
"Hinalay niya ako."
Nanlaki ang mga mata ko bago napanganga. Did I heard it right?
"May ibang parte sa akin na gusto ko ang nangyari. That time I realized na nahulog na ako sa kanya. Naunahan lang ako ng takot dahil sa pagiging impulsive niya. Natanggap kong ganun na talaga ang ugali niya, I think lahat naman ng tao may bad side. She's just too blant and proud of what she can do lalo na kapag masama kaya siguro doon ako na-turn off noong una. Then I started to see the other side of her. Malambing siya, maalalahanin, mapagmahal."
Wala akong masabi sa mga nalaman ko ngayon. I was too shocked to react.
"Name it Sofiera, naranasan kong tutukan ako ni Risen ng baril at patalim mahalikan lang o tumugon sa kanyang halik. She's so territorial and possessive. But I wouldn't want to live and love the other way. Kung may chance na mauulit ulit ang love story ko. Si Risen pa rin ang gusto at pipiliin ko."
Naglakad ito at mas lalo pang lumapit sa akin.
"Maswerte ka kahit papaano na hindi ganun si Jazmine. Nagmana kasi siya sa akin." Saka ito natawa kaya medyo naging komportable ako. Napangiti ako rito.
"Jazzy, she's funny and down to earth." Hindi ko mapigilang wika rito. Kaya ko ito palaging napapansin noon pa man.
"Nababaliw iyon sa iyo." Kapagdakay sumeryoso ito ng tingin kaya hindi ko na naman maiwasang hindi mailang.
"I saw how much she loves you. Please don't hurt my daughter Sofiera. Bilang isang ina, hindi si Risen ang makakaharap mo kundi ako. Break her heart unintentionally and I will accept it pero kapag sinaktan mo ang anak ko sa hindi katanggap tanggap na dahilan. Sisirain ko ang buhay mo."
Napalunok ako sa sinabi nito. Alam kong hindi ito nagbibiro, kayang kaya ng mga ito na sirain ang buhay ko kahit buhay ng buong pamilya ko.
"H-Hindi ko po iyon gagawin."
Ngumiti ulit ito. "Now we are talking. Hindi ko kasi gusto ang bungad mo sa akin kaninang tanghali. Ginawa mo akong kabit ng anak ko. We could've talk properly kung kumalma ka lang at nagtanong. Don't be impulsive dahil makakasakit ka ng kapwa mo idagdag pa ang insulto."
Namula ako sa sinabi nito. "I-I'm really r-really sorry about that and I'll take note of what you've said."
Inilahad nito ang kamay nito sa akin. "Allison Reyes."
Nanlalamig na tinanggap ko ang kamay nito. "Sofiera Fin, Mrs. Giudevaun."
Imbes na kamayan ako nito ay marahan ako nitong kinabig para mayakap.
"I like you for my daughter dahil sabi ko noon. Kahit sino ang mamahalin niya, makita ko lang siyang masaya. Doon kami ni Risen para sa kanya. Take care of my daughter Sofiera."
"I will po."
"Start calling me mommy. Soon, magiging manugang na kita diba? At alam kong hindi ka pakakawalan ng anak kong luka luka."
"My ghad." Parinig ni Jazzy sa amin na kakabalik lang galing sa loob dahil uminom ito kanina after kami nitong iwan ng mommy nito.
Binitawan ako ng mommy nito mula sa pagkakayakap. Napalingon kami rito. Napangiti ang mommy nito.
She's not bad kaya nakakahiya talaga ang ginawa ko rito. Lihim akong napabuntong hininga dahil sa naisip ko.
"Tama na iyan mommy. Sinisiraan mo naman ako samantalang ikaw daw ang luka luka sabi ni lola."
Hindi makapaniwalang nakatitig ang mommy ni Jazmine rito.
"Sinabi niya iyon?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Oo, noong nagbakasyon kami ni Selenophile sa probinsya kasama si Ate Mikaela."
"Si Nanay talaga. Bahala siya, hindi ko sila papansinin at di ako uuwi mga dalawang buwan."
Gusto kong matawa dahil sa bilis na pagbabago ng mood nito.
"Mahal, balik na tayo." Si Mrs. Risen Giudevaun. How sweet, ilang sandali lang nawala ang asawa nito at hinahanap na agad. "Hinahanap ka na nila doon. Hindi ko masabing lumabas ka baka kasi ano ng binabasbas mo sa mamanugangin natin."
Agad sumama ang tingin ng mommy Allison ni Jazmine sa mama Risen nito.
"Tamo tu. Sa ating dalawa ikaw ang hayup."
"Sus para namang ngayon mo lang nalaman. Ginawa ko na nga lahat ng kahayupan ko sa iyo."
Napatutop ako sa aking bibig. I can't believe what I'm hearing.
"My ghad! I'm not hearing this, right here, right now, not ever." Reklamo ni Jazmine sa mga ito. "Sige na mama at mommy. Alis na kayo please!" Pagtataboy nito sa dalawa.
"Pero anak, ang bilin ko sa iyo-"
"No mama!" Jazmine cut her mama Risen off. "Sige na, alis na. Tapos na talaga."
Tumatawa ang mga itong umalis. Ang kukulit nila sa totoo lang. Bumaling sa akin si Jazmine matapos makaalis ang dalawa. Nakangiti ito habang namumula.
Dang, she's just simply gorgeous. This lass is mine.
Naglakad ako palapit rito bago haplosin ang pisngi nito.
"Mahal kita Jazzy." And with that..
I sealed with a chaste kiss.
