Chapter 25

4.6K 234 10
                                        

Jazmine Allison

"Leave her alone."

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Hindi ko inaasahang makikita ko rito ang lalaking nirereto nila sa kasintahan ko.

"Oh Mr. Torilla." Ngumiti ako rito. "Ano pong super typhoon ang nagdala sa inyo rito?"

Sumama ang paningin nito sa akin na parang adik sa paningin ko. Hindi naman ito ganito noong huling nakita ko. He actually dress well pero ngayon he's only wearing a jeans and a shirt na mukhang hindi pa ito naliligo.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko, leave Sofiera alone. Kung naiinggit ka dahil nireto siya sa akin, maghanap ka ng iba!"

Napataas ang dalawang kilay ko rito bago napakagat labi at inosenteng tumingin rito.

"Bakit po uncle? Ako maiinggit sa iyo? Bakit matino ka ba? Hala siya! Hindi naman diba?" Simpleng asar ko rito.

"Iniinsulto mo ba ako ha?!" Galit na wika nito. Mukhang nakahithit ito ng petroleum jelly.

"May problema po ba rito?" Tanong ng isa sa mga guwardiya sa akin.

"Wala po Kuya." Sagot ko rito bago ako tuloyang lumapit kay Mr. Torilla. "Uncle ko po, si Mr. Dimagiba." Imbento ko.

"Liam." Pagtatama nito.

"William Dimagiba." Wika ko ulit. "May sinabi lang siyang importante Kuya, diba uncle? Alis na." Pagtataboy ko rito.

"Hindi pa tayo tapos." Mahinang banta nito sa akin.

"No worries. Let me trespass your danger zones next time Mr. Gorilla." Banta ko pabalik rito.

"You will regret it."

"Nah, magsisisi lang ako kung pera ang nasayang ko. Bakit pera ka ba?"

Magsasalita pa sana ito pero itinaas ko ang isang kamay ko.

"Uncle, freeze your tongue before you lost it."

Nagngalit ang mga ngipin nito bago tuloyang umalis. Nakatanaw lang ako rito. Bakit ako nito tinatakot? Baka gusto nitong ipatukhang ko kay mama Risen.

"Ma'am, pasensya na. May nakalusot na outsider dito."

Tumango ako kay Kuyang guwardiya. "It's ok Kuya, wala namang nangyari. Kapag nakita niyo po ulit siya sa susunod, paalisin niyo na lang po at hindi siya gagawa ng mabuti."

"Banned na po siya kaagad ma'am pero bakit po kayo umaarte kanina na uncle niyo siya?"

Natawa ako rito. Ke lalaking tao pero tsismoso pero sabagay kilala kasi ako nito pati ang pamilya ko.

"Gusto ko lang po siyang asarin Kuya. Sige po, mauuna na ako."

"Ingat po ma'am."

Kinuha ko ang duffle bag ko kung nasaan ang ilang mga gamit ko. I came here to play tennis. Isa itong maliit na gymnasium where you can play tennis, volleyball, badminton, and basketball.

Ng makasakay ako sa aking sasakyan ay nagmasid muna ako sa aking paligid, baka mamaya ay sundan ulit ako ni Liam.

Nababaliw na ang lalaking iyon. Bakit hindi ito magpukos sa negosyo nito? Sabihin ko kayang gamitin ni Ate Natalie ang sources nito para bumagsak ang kompanya ni Liam para may pagkaabalahan itong ayusin?

He's a waste of my time.

Ng makitang wala namang kakaiba ay pinaandar ko na ang sasakyan ko. I won't tell this to my girlfriend dahil ayaw ko itong mag-alala. And what if hindi lang ako ang nasa panganib? Paano kung pati ang mahal ko ay nasa panganib rin? I'm not sure of it pero isa lang ang sigurado ako, hindi gagawa ng maganda si Liam Torilla. Nagmana ito sa nanay nitong mangkukulam na si Ursula.

Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon