Chapter 9

4.1K 263 24
                                    

Jazmine Allison

"Bakit mukha kang malungkot anak?"

Napatingin ako kay Mommy Allison. "Oo naman mommy. Anong akala mo sa akin, tarantado araw araw- Aray!"

Itulak ba naman ako sa noo.

"Nagtatanong ako ng matino Jazmine Allison."

Napabuntong hininga ako. Sa totoo lang ay ayaw kong makipag-usap sa kahit kanino. Naghihilom ang sugat sa puso ko gawa ni Miss Fin. I mean I can't blame her kung ayaw talaga nito sa akin. I can't force myself either sa taong hindi talaga ako kayang mahalin.

"Come here."

Lumapit ako kay Mommy bago yumakap sa beywang nito. Nasa sofa kami ngayon sa may living room. Natutuwa akong linggo ngayon dahil may oras akong ipahinga ang mga mata ko sa kakasunod kay Miss Fin at may oras ako para aluin ang puso kong dugoan.

"Is it her again?"

Hindi pa rin ako nagsalita. The matter of fact that Sofiera and I can't have a future really sucks.

"Gusto kong sisihin ang Mama mo sa mga nangyayari sa iyo ngayon pero naisip ko. Hindi parehas ang istorya natin."

Napatingala ako rito. "Bakit mo naman po isisisi kay mama, mommy?"

"Dahil nasaktan niya ako noon bago ko siya minahal. I don't feel anything for her at that time right?"

Napatango ako rito. "And then you realized you love her pagkatapos ka niyang idodo- Aray!"

"Language young woman!" Hinaplos ko ang noo kong pinitik nito. "Oo napilit niya ako pero ginusto ko rin naman. Makarisma ang Mama mo e."

Napangiti ako. Sadya lang daw talagang tarantado si Mama noon pero mahal na mahal naman nito si mommy.

"Naiisip ko na siguro baka nangyayari sa iyo ang bagay na ito kabayaran sa mga ginawa ng mama mo sa akin noon."

"Mommy, kagaya ng sinabi mo. Hindi pareho ang istorya natin. Hindi ko rin hawak ang nararamdaman ni Miss Fin. Swerte na lang po talaga kapag nagtatagpo ang dalawang taong hindi lang mahal ang isa't isa kundi may tiwala at naniniwalang sila talaga hanggang sa huli kagaya sa inyo ni mama at nina Tita."

Napabuntong hininga ito. "I love you." Yumuko ito para halikan ang sentido ko. "I understand you're not a baby anymore at dumating na sa puntong kinatatakutan ko. Ang masaktan ka. Inaruga kita, minahal, inalagaan, at prinotektahan and the least thing that I want to see is you getting hurt and cry na alam kong wala akong magawa."

Naupo ako at tuloyang yumakap rito. "Ok lang po ako mommy. Marunong po akong tumanggap ng pagkatalo."

"Nakuha mo nga ang maraming ugali ng Mama mo pero natutuwa talaga akong hindi ang kakapalan ng mukha. Iyong mama mo kasi kagaya ng sinabi ko. Nanligaw sa akin, sisirain ang pintuan ko, tututokan ako ng baril, tinatakot ako. Kahit kami ang end game. Ayokong danasin mo ang bagay na iyon. I can't imagine na tratuhin ka ng ganun to think you're my only daughter."

"Sweetheart nasaan ka na? Lusaw na ang ice cream mo-" Sulpot ni mama Risen pero natigilan ito ng makita ako. "Oh hi Princess!" Lumapit ito at humalik sa pisngi ko. Sinapak naman ni mommy ang braso nito. "Aww! What did I do?"

"Ikaw, huwag mong ibubuka iyang bibig mo. Kapag nanggagaling talaga sa iyo ang mga salita, masyadong madumi ang dating." Pagsusungit ni mommy rito kaya natawa ako.

"Ikaw naman sweetheart hindi ka na nasanay. Kung ititikom ko ang bibig ko, liligaya ka pa ba?" Natatawa itong nagmamadaling umalis.

"Ikaw! Aba't tarantado talaga ang mokong na ito."

Natawa ako sa asaran ng mga ito. I want a relationship like this. Naiintindihan kong walang perpekto pero lumaki akong buo ang pamilya, kontento, at masaya.

Umiiling si mommy Allison. "Don't get married to someone like your Mama. Fin is fine, if you can't make her yours. Let her make you."

I stared at my mom saka ako tumango.

Miss Fin, hahabolin mo rin ako.


*****

Pagdating kinalunesan ay maaga akong pumasok at naghintay na dumating ang pinsan kong si Dominique. Nakita ko ang sasakyan ni Miss Fin na nag-park malapit sa sasakyan ko. I want to stop staring and admiring her pero hindi ko magawa. Minsan gusto ko na lang tusokin ang mga mata ko pero naiisip kong hindi ko na masisilayan pa ang kagandahan nito kapag ginawa ko ang bagay na iyon.

I'm hopeless.

Umakto akong abala sa aking cellphone kahit hindi naman para lang maiwasan si Miss Fin.

Dominique nasaan ka na ba?

Pero hindi dininig ang hiling ko dahil nakita ko ang pares ng maputing paa na nakasuot ng black heels na tumigil sa harapan ko. Of course I heard her footsteps pero hindi ako nag-angat ng tingin kanina.

Awtomatikong bumilis ang pintig ng puso ko isama pa ang nakaliliyong pabango nito. Oh how I love Christian Dior's perfume. I am sure of what brand she's using dahil napa-praning din ako pagdating sa mga pabango.

"Good morning Jazzy!" Masiglang bati nito na parang wala kaming issue noong huli.

Oo nga at ako ang nagpresenta na manlibre pero kailangan ba nitong magsabing magkaibigan lang after nitong ma-order lahat ng paborito nito?

Silly me.

Wala akong mapagpipilian kung hindi ang mag-angat ng tingin rito. I saw her damn beautiful face and sexy hot figure.

Mami! Napalunok ako bago ngumiti ng alanganin.

"Good morning din Miss Fin."

"Are you waiting for someone else?"

"Si Dominique po."

"Sala ka ng ibang hinihintay?"

Ha? Ikaw.. Gusto ko sanang sabihin pero tama na ang katangahan.

Umiling ako rito. "Wala na po." Nakita ko ang pagdadalawang isip nito.

"How about the love of your life?" Maingat na tanong nito.

Gusto kong mapakunot noo pero pinigilan ko. "Hindi naman po niya ako gusto."

Why does she care anyway? Binasted na nga ako nito so bakit bigla na naman itong naging interesado? What does she really mean or was she trying to imply something?

"Huwag kang magpapakatanga ok? If she can't love you. Don't force your self."

"Mahal ko po siya ng sobra."

Nakita kong parang sumama ang tingin nito.

"I can't even look-"

"Shut up." Mahinang wika nito.

"Pero-"

"I said shut up Jazzy." Putol ulit nito sa akin bago lumapit. Wala akong aatrasan dahil nakasandal ako sa sasakyan ko.

Bumaba ang tingin nito sa mga labi ko kaya parang nanuyo ang lalamunan ko. Ang ganda talaga nito at ngayon ko lang natitigan ng malapitan dahil halos wala ng distansya sa pagitan namin.

"Or I'll make you."

Napanganga na lang ako. The next thing I knew ay naglalakad na ito palayo.

Did she want to kiss me?






You wild Mommy!

Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon