Chapter 16

6.3K 234 7
                                        

Jazmine Allison

"Lumaki akong walang kalayaan."

Nilingon ko ito habang nanatili lang itong nakatingin sa may papalubog na araw. Dinala ko ito sa may dalampasigan. Ayaw pa raw nitong umuwi. Pabor naman sa akin dahil parang date na rin ito.

Pinagmasdan ko ang mukha nitong maamo. She's so divine. The sunset light is kissing her flawless skin. She's so breathtaking.

"My parents, they decide everything for me. Ayaw din nila sa propesyon na kinuha ko kasi dapat ako ang magpapatakbo sa negosyo nila balang araw. Tumigil ako sa pag-aaral dahil sabi ko. Hindi ako pwedeng kumuha ng hindi ko gusto at dahil gusto nila akong makatapos. Kahit labag sa kalooban nila. Pinayagan ako. I mean, life is too short para hindi ipaglaban ang mga bagay na inaasam ko."

Nabaling ang atensyon ko sa araw na parang nagbabaga habang papalubog sa kalangitang nagkulay kahel.

Sana lang ay kaya din ako nitong ipaglaban. Hindi pa sa amin malinaw ang lahat pero binibigyan ako nito ng senyales. Sana hindi ako ma-scam dahil kaya ko itong ipaglaban ng walang alinlangan. I can give her anything. I can do everything for her. Name it, Giudevaun have it.

Isa pa, ninakawan na ako nito ng halik. Kailangan ako nitong panindigan dahil walang magdalena sa amin. Bastos at manyakis lang ang meron.

"Miss Fin." Lumingon ulit ako rito. "You know that I love you."

Lumingon rin ito sa akin at parang nag-slow motion ang galaw nito. She's really d*mn beautiful.

"I know." Ngumiti pa ito na ikinalusaw ng puso ko.

Selenophile, now I know whenever you're telling me you just died because of Ate Mikaela cause now I am feeling the same way. I could die with Sofiera's sweet smile.

Inabot ko ang kamay nito saka maingat kong pinagsalikop ang mga kamay namin. Dinala ko ito sa aking labi at kinintalan ng halik ng hindi ito nilulubayan ng tingin.

"Be my girlfriend Sofiera. I am not perfect but I'll try my best."

Nakita ko ang alinlangan sa mukha nitong parang nag-iisip.

"Mahal mo ba ako?" Lakas loob kong tanong rito. "Hindi mo sasabihin kay Ate Luane na kasintahan kita kung hindi."

Inirapan ako nito. "I don't want to hear her name saka tama iyan. Call her Ate dahil mas matanda siya kaysa sa iyo."

Napangiti ako rito. "You're older than me, too."

"Bastedin kita, gusto mo?"

Natawa ako. "Ayaw. Ibig sabihin ba niyan ay sinasagot mo na ako?"

"Natatakot ako. Ayaw kitang madamay sa gulo ng buhay ko Jazzy."

"Just say what you really feel and everything will be alright."

Tumango ito. "Oo, mahal kita."

Kumabog ng husto ang puso ko. Sa wakas, ang babaeng mahal ko ay mahal din ako.

"Do you trust me?"

Kahit may pag-aalinlangan at takot ay tumango ulit ito.

"I trust you."

Kasabay ng paglubog ng araw ay lumapit ako rito para gawaran ito ng halik sa noo.

"I promise I'll take care of you. Will you be my woman?"

"Yes."

And we both close our eyes before our lips met.

Finally, you're mine.



Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon