Chapter 15

5K 302 43
                                    

Jazmine Allison

"Baka naman maunahan ka cous."

Nagsalubong ang mga kilay ko habang nagngingitngit ang kalooban ko. Paano ba naman kasi, ilang araw ng sinusundo ng pangit ang mahal ko.

"Ano tatayo ka na lang ba diyan? Wala kang gagawin?"

Mas lalo tuloy sumama ang loob ko sa sinabi ng pinsan ko.

"Selenophile, wala ako sa posisyon para hadlangan sila. Kung ayaw niya sa lalake dapat hindi siya sumasama. May karapatan siyang tumanggi."

"Tanga cous. E paano kung napipilitan lang si Miss Fin? Ikaw na ang nagsabing nakita mo sila sa restaurant na mina-match make ng mga magulang nila diba? Saka akala ko ba nanliligaw ka so bakit parang hindi mo kayang ipaglaban ngayon?"

"Kaya ko."

"Patunayan mo."

Mapapasubo yata ako dahil sa pinsan ko. Napalunok ako bago bumalik para puntahan si Miss Fin sa opisina nito ng makita ang pinsan kong nakabuntot sa akin.

"Hindi ka pa uuwi?" Takang tanong ko rito.

Napairap naman ito sa akin. "Jazzy na-inlove ka lang naging ulyanin ka na. Susundoin ko ang asawa ko sa opisina nila kaya kung saan ka pupunta. Doon rin ako."

Oo nga pala. Susunduin nito si Ate Mikaela. Ang yelong masungit at mataray. Matunaw sana.

Ng makarating kami doon ay agad kinuha ng pinsan ko ang bag at laptop ni Ate Mikaela. Napairap ako sa ere.

She's so whipped.

Napasimangot ako ng makita si Miss Fin na palabas ng opisina nito. Sinalubong ko itong may sama ng loob.

"Akin na iyan." Barumbadong wika ko ng makalapit ako sabay hablot ng bag at hatak sa kamay nito. Mukhang nagulat pa ito dahil sa inasta ko.

"Una na kami yelo at bano." Banas na wika ko ng madaanan namin si Ate Mikaela at Selenophile.

"Aba't!" Si Selenophile.

"You dimwit." Si Ate Mikaela pero hindi ko na pinansin pa ang mga ito.

"Hey sweetie." Natatawa pang wika ni Miss Fin. "Dahan dahan dahil naka-heels ako. Hindi ka naman nagmamadali ano?"

"Oh I am. Hinahatid sundo ka ng kulapong iyon kaya gusto ko, simula ngayon ay huwag ka ng sumama pa doon."

"And if I don't want to follow you?"

"Sasamain ka sa akin aside sa hindi na ako manliligaw pa sa iyo."

"Teka nga." Tumigil ito sa paglalakad at binawi ang kamay nito sa akin kaya napatigil din ako at humarap dito.

"Are you threatening me Jazzy?"

"I am Miss Fin kaya habang nirerespeto pa kita. Please lang sumunod ka sa akin kundi ay babastosin na talaga kita."

"My, my. What a filty mouth you have."

"My Mama have the nastiest and dirtiest mouth. I don't wanna be like her so don't push me Miss Fin. Reject that guy."

Napabuntong hininga ito bago pinagkrus ang mga braso nito sa dibdib kaya talagang pinigilan ko ang tingin kong mapunta sa harapan nito. May singkwenta porsyentos pa akong natitira na self control.

"My Dad wants me to entertain him."

"I don't want to hear it." Hinawakan ko ulit ang kamay nito. "Let's go somewhere else." Hinatak ko ulit ito at hindi naman pumalag.

Malapit na kami sa parking lot ng makita ang malawak na ngiti ng lalaking parang tuko sa paningin ko. Ang sarap tirisin.

"Sofiera-"

Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon