Chapter 3

3.3K 232 23
                                    

Jazmine Allison

Nagising akong masakit ang ulo ko dahil sa hangover.

"Oh my head." Reklamo ko habang nakapikit at sapo ang ulo ko. "I'm never going to drink again."

"Jazzy." Natigilan ako ng marinig ang nagbabantang boses ni Mommy Allison.

Oh ghad no!

"Mommy."

Hindi ako nagmulat ng mga mata dahil una. Natatakot akong salubongin ang titig ni Mommy at pangalawa ay mahapdi pa ang mga mata ko.

"You want water?"

Tumango ako rito. Ilang saglit lang ay hinawakan nito ang kamay ko at ibigay sa akin ang isang basong may lamang tubig. At dahil nauuhaw ako ay mabilis ko itong nilagok pero naibuga ko ito bago inubo.

Hindi tubig ang ibinigay nito sa akin kundi isang alak. Kahit mahapdi pa ang mga mata ko ay pinilit kong magmulat.

Bumungad sa akin ang magandang galit na mukha ni Mommy. Mabilis akong bumaba sa kama at napatakbo sa banyo at doon ipinagpatuloy ang pag-ubo. Pagkatapos non ay nagsabon ako ng mukha bago ito banlawan. Nagsepilyo ng ngipin at saka nagpunas ng mukha.

Pinagmasdan ko ang aking repleksyon sa salamin. Magulo ang buhok ko pero maganda pa rin. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri pero natigilan ako ng makitang naka-bra at panty lang ako.

I shrugged. Siguro ay si Mommy ang naghubad sa akin kagabi. Napabuntong hininga ako ng maalalang naghihintay ito sa akin. Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa inis.

I'm so stupid! Freaking stupid!

"Lalabas ka diyan at mag-uusap tayo o papasukin kita at papaliguan para mahimasmasan?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Kahit takot at kinakabahan ay pinihit ko ang seradura. Wala rin naman akong mapagpipilian kundi ang lumabas. If Mama Risen's outgoing kabaliktaran non si Mommy Allison.

Lulugo lugo akong lumabas at unang napansin ko ay napalitan na agad ang pillow cases, bedsheet, at comforter ko. Nasabi ko na bang may allergy si Mommy sa mga taong nag-iinom? Kaya hindi rin talaga ako umiinom para hindi ito madismaya. Although isang tanggero ang Lolo Vicente kong Tatay ni Mommy at lambanog pa ang paborito nito, pero syempre hindi naman masusuway ni Mommy ang Lolo ko.

Naupo ako sa gilid ng kama ko at hindi nag-abalang takpan ang katawan ko. Si Mommy lang naman ang nasa loob at maganda ang hubog ng katawan ko. Idagdag pang maputi ako at maganda kaya there's nothing to be ashamed of. Iisipin ko na lang na nasa beach ako.

At si Mommy ang maga-adjust.

I am perfect.

I know mahilig akong magbuhat ng sariling bangko na madalas ko ring marinig kay Kuya Ri'son at sa pinsan kong si Dominique.

"Anong nangyari sa iyo kagabi? I didn't expect my daughter to be wreckless."

Napakagat labi ako. Itong puso ko ay lalabas na sa kaba. Agad akong nag-angat rito ng tingin. As my Mom being a former professor ay may pagka-istrikto talaga ito. Ayaw nitong nakikipag-usap na hindi tinitignan sa mata.

"Sorry Mommy. Nadala lang po ako."

"Saan?"

"Sa sama ng loob."

Tinitigan ako nito ng matiim. "Is it the same woman?"

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko.

"I told you it's ok to be gay. Alam mo naman gaano kakapal ang mukha ng Mama mo noong ako pa ang pinepeste niya diba?"

Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon