Chapter 8

3.9K 274 27
                                    

Jazmine Allison

Kinakabahan akong pumasok sa aming klase. Nakaupo na si Dominique at halatang hinihintay ako nito. Last Saturday ay biglaang ikinasal sila ni Miss Adicof. Medyo matagal na rin namang engaged ang mga ito pero hindi ko na tinanong kung anong nangyari. Halata rin namang gusto ng mga itong makasal bago manganak si Miss Adicof and the law can't do anything. We own this school and as long as walang nagrereklamo ay ayos lang.

Now from Mrs. Knutson turned Miss Adicof to Mrs. Howard. Nalilito na nga rin ang mga kaklase namin kung ano ba talaga ang nangyayari sa masungit at nagyeyelong professor namin. Being married to single to being married again.

They're even asking us kung kaano ano daw ni Dominique ang napangasawa ni Miss Adicof. Ang hindi nila alam ay mismong si Dominique ang pinakasalan ng propesora namin. Well, I couldn't be happier for my cousin. She deserves it. They deserve each other.

I never thought that Medusa in real life still have her fairy tale story. She was cursed in a myth and was punished by my Athena. Nagkataong swinerte ito sa buhay ngayon.

"What took you so long?" Takang tanong ng pinsan ko sa akin.

Nakita ko mula sa pheriperal vision ko na napatingin sa amin si Miss Fin. May sampung minutos pa naman kami bago magsimula ang klase.

Right now, I want to begin my mission. To make Miss Fin jealous. Naupo ako sa tabi ng pinsan ko bago ako pekeng naubo.

"Ano kasi.. dinaanan pa ako ni Natalie kanina at may ibinigay na lunch ko." Medyo nilakasan ko pa ang boses ko para marinig ni Miss Fin at hindi nga ako nagkamali. Pagkasulyap ko rito ay naging masama ang tingin nito sa akin samantalang kagaya ko naman itong masayahin palagi.

Straight pala ha.

Medyo napakunot noo si Dominique sa akin. Nagtataka siguro kung bakit Natalie lang ang tawag ko kay Ate. Iniisip ba nitong binabastos ko ang nakatatandang pinsan namin? Excuse me, manners ang hindi mawawala sa akin. Isa pa, si Ate Natalie naman ang nagsabing gamitin ko ito.

"Ano namang ibinigay ni Ate na lunch sa iyo?"

"Pinagluto niya ako." Ok I am not lying. May naluto talagang baon ko. Iyon nga lang ay hindi galing kay Ate Natalie kundi bigay ni Mama Risen.

Nalaglag ang panga ng pinsan ko. "Si Ate Natalie ipinagluto ka?"

Good, para naman makatotohanan ang sinasabi ko at kapani-paniwala kay Miss Fin. Iisipin kasi nitong kilala ng pinsan ko si Ate Natalie at mukhang close na ito. Para mas lalo pang magselos.

"Yep!"

"Hindi naman marunong magluto si Ate Natalie e."

"Well." Mayabang kong wika. "Ipinagluto niya ako kasi espesyal daw ako."

Nagulat ako ng bumagsak ang note sa lamesa o mas tamang sabihin na ibinagsak ito ni Miss Fin. Pati ba naman lesson plan nito idadamay? Mainit ang ulo, masyado kasing straight mag-isip. Kailangang lumiko ito sa akin.

"Let's start." Firm na wika nito.

Napatingin ako rito, kinakabahan. Ang lakas ng tibok ng puso ko at dahil natutuwa ako sa reaksyong nakuha ko ay nginitian ko ito pero mas lalo lang sumama ang tingin nito sa akin.

Habaan mo pa ang tuwid na iyan. Panindigan mo.

"Jazmine." Tawag nito sa pangalan ko habang nakatingin sa akin ng deretso. "I want you to give me an anecdote for the day."

Kadalasan ay humihingi ito ng anecdote bago magsimula ang klase at ngayon lang ako nito tinawag para doon. She must be pissed off.

Well I'm glad you notice me sweetheart cause I've got one for you.

Marami naman akong alam pero may isang tumatak sa akin na pwede kong baguhin. Iinisin ko pa ito. Papansin na kung papansin pero kung gusto ko itong mahulog sa akin. Kailangan kong kunin ang atensyon nito palagi.

Naupo ako ng tuwid at seryosong tumingin rito kahit para ng lalabas ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Distraksyon pa sa akin ang kasexyhan at kagandahan nitong taglay.

Grabeng alindog Miss Fin!

"Just because you lost me as a lover doesn't mean you gained me as a friend." Nakita kong napatingin sa akin ang pinsan ko. "I'm bigger and better than that. I still wanna see you smile, just not on someone's face."

Nakita kong parang nabanas ang mukha nito at nagsimulang magbulongan ang mga kaklase ko.

"And your point is?"

"You've got a chance. Don't lose it."

Napayuko ang pinsan ko dahil hindi nito inaasahan ang bagay na ito. "Jazzy nakakahiya."

"Suportahan mo na lang ang kagagahan ko." Bulong ko pabalik rito.


*****


"Miss Reyes stay behind."

Pinanood kong umalis ang mga kaklase ko habang hindi ako gumagalaw sa kinauupoan ko.

"Hihintayin kita sa labas." Si Dominique.

"Hindi na cous. Sabay ka na lang kay Ate Mikaela kumain sa office ni Tita France."

Tumango ito sa akin at dahil ito ang huling lumabas ay ito na rin ang nagsara ng pintuan.

"I don't know what are you trying to prove Jazzy."

"I don't know what are you trying to imply Miss Fin." Ginaya ko ito.

She gritted her teeth and I've never seen her this way.

Ghad Sofiera you're so hot!

"Kung wala ka na pong sasabihin. Mauuna na ako. I have to eat on time dahil espesyal ang baon ko." Panggagatong ko pa.

"No. Hindi ka kakain ng kahit anong baon na meron ka ngayon. Sa labas tayo kakain."

Hindi pala nagseselos ha. Hindi naman ako nito nakababatang kapatid.

Napangiti ako rito bago ko kinuha ang bag ko at lumapit rito.

"Tara Ate!" Asar ko pa rito.

"Sofiera!" Nanggigigil nitong pagtatama sa akin.



*****


"You can order everything, anything you like." Wika ko. Dinala ko ito sa isang fancy restaurant. Gaya ng sinabi ko. Lahat ng paglabas namin ay kinokonsidera kong date.

Nag-order ito ng marami. Wala kaming imik na kumain hanggang sa matapos. Ayos na kahit hindi kami nag-uusap. Ang mahalaga ay kasama ko ito ngayon o mas tamang sabihing ako ang kasama nito kaysa sa kaninong lalaking cheap barbaric na nanliligaw rito.

Basta, ako ang pinakamaganda sa kanila.

Sumenyas ako sa waiter para sa bill namin. Agad naman itong tumalima. Ng makapagbayad na ako ay saka ko ito tinapunan ng tingin.

"Let's go Ma'am." Asar ko ulit rito.

Hindi ito makapaniwalang tumingin sa akin. "Jazzy, salamat sa lunch pero friends lang tayo."

Napaawang ang labi ko.









Shit naman.

Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon