Chapter 18

3K 235 67
                                    

Happy Reading!

A life without stories is like a body without a soul

Jazmine Allison

"Mukhang problemado ka anak?" Bungad ni Mommy Allison habang nakaupo ako dito sa balkonahe ng kwarto ko. Nakahalumbaba ako sa lamesa. Hindi ako gumalaw kahit pa umupo si Mommy sa katapat kong upuan. Pinapanood ko lang ang mga ibong nag-iingay habang lumilipad na para silang naglalaro ng habol-habulan.

"May sakit ka ba?" Hinalikan ako ni Mommy sa aking sentido bago salatin ang noo ko.

"Hindi ka naman mainit. May problema ba anak?"

Tinitigan ko ito.

"Mommy ok lang ba talaga sa iyo na si Miss Fin ang-"

"Shh." Putol nito sa akin bago hinaplos ang pisngi ko. "Of course, kung saan ka masaya ay doon din kami ng Mama mo. Kailangan mong matutunan na ang puso ay hindi nako-kontrol at mas lalong hindi nadidiktahan. Kapag nagmahal ka, it's your hearts choice kaya marami rin ang nasisirang pamilya kasi kadalasan, pinipili nila ang binubulong niyan kahit mali, they tend to cheat cause it was their heart's choice at minsan lang nasusunod ang isipan."

Napabuntong hininga ako. "Gusto ko na po kasi siyang ipakilala sa inyo pero hindi ko alam kung papaano. She will for sure freak out kapag nalamang si Risen Fall Giudevaun ay Mama ko. Si Ate Natalie nga hindi nakalagpas sa kanya."

Natawa si Mommy sa sinabi ko. "Pati si Luane?"

Tumango ako rito. "Oo, pinagselosan niya. Hanggang ngayon naman Mommy kasi hindi ko pa sinasabi kung anong relasyon ko kay Ate Natalie. Saka di rin niya alam na kapatid ko si Kuya Ri'son. Niligawan din kasi iyon ni Kuya pero nagparaya si Kuya dahil sa akin."

"Oh. So anong gusto mong mangyari ngayon anak?"

"Hindi ko po alam Mommy pero gusto ko po siyang ipakilala sa lahat. Hindi ko lang alam kung paano ako magsisimula." Naupo ako kasi nangangalay na akong nakahalumbaba.

"Labas tayo para mag-shopping anak para di ka na mag-isip pa diyan ng kung ano anu tapos kumain tayo sa labas. It's weekend, dapat nagba-bonding tayo. Saka natin pag-usapan iyan sa labas over lunch, ok?"

"Ok Mom."

Tumayo na ito. Halatang excited. "I'll go then para makapaghanda na. Cheer up, everything will be alright. Take a shower and get dress para makaalis na tayo." Hinalikan ulit nito ang sentido ko.

"Hurry up."




*****




Pagkatapos naming manood ng sine ay nag-shopping kami ni Mommy. Binilhan ako nito ng mga gusto ko at kailangan ko saka kami pumasok sa isang restaurant.

Agad namang may nag-serve ng tubig at nagbigay ng menu sa amin.

"Gusto ko ng fall-of-the-bone-ribs full slab, new york strip, dallas fillet, steamed vegetables, house salad, grilled salmon, strawberry cheesecake for my dessert and a porch rocker."

"Ikaw po Ma'am?" Tanong nito kay Mommy na natigilan.

"Fillet medallions, road kill with buttered corn and grilled shrimp sidekick. For my drink, it's canyon road merlot. Big ol' brownie for my dessert. Thank you."

"Anak, sure kang mauubos mo ang inorder mo?" Tanong nito pagkaalis ng waiter.

"Oo 'my saka alam mo naman, iyong full slab lang ang malaki doon. They serve small portions of it kaya sakto lang para sa akin."

Ilang sandali pa ay sinerve na ang mga inorder namin at nagsimula na kaming kumain ni Mommy.

"This is good." Komento ni Mommy sa kinakain nitong fillet medallions. "Wanna try?"

Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon