Chapter 2

3.5K 241 6
                                    

Jazmine Allison

Tahimik lang akong umiinom sa isang tabi. Nasa bar ako ngayon para magpalipas ng oras at magpalubag ng loob. Nagugulohan na kasi ako kung anong gagawin ko sa pagmamahal na ito para kay Miss Fin. Habang tumatagal ay lumalalim at hindi ko mapigilang masaktan.

I want her to be mine.

"Miss pwedeng maki-join? A beautiful woman like you shouldn't be out here alone." Tiningala ko ito.

Cute sana ang kaso ay si Miss Fin pa rin talaga ang gusto ko. Naipilig ko ang aking ulo. Hindi ko lang ito gusto kundi mahal ko na ito ng sobra at nababaliw na ako sa kakaisip rito.

"I'm Xavier." Inilahad nito ang kamay sa akin.

Inabot ko iyon pero hindi ko sinuklian ang ngiti nito. Kilala ko ang mga ganitong klase ng lalaki. They just want someone na magpapainit sa kanilang gabi at pagkatapos non ay para ng basura ang trato sa babae.

"I'm Jazzy. Sorry to spoil but I don't need any company." Saka ko binitawan ang kamay nito. "You may leave."

Nawala ang pagkakangiti at napalitan ng madilim na ekspresyon ang mukha nito.

Ipinukos ko ang aking pansin sa aking inumin. Hindi ko na tinapunan pa ng tingin ang lalaki kaya hindi ako sigurado kung nakaalis na ito o hindi. Wala rin naman akong pakialam.

Ipinagpatuloy ko ang pag-inom habang lumalalim ang gabi at namalayan ko na lang na nakarami na ako dahil kanina pa pabalik balik ang waiter para maghatid ng order ko. I even reached my limit already pero sinabi kong magbabayad ako. Nag-aalala rin siguro ito dahil wala itong makitang kasama ko at halos hindi ko na rin kasi maimulat ang mga mata ko at umiikot ang paningin ko.

"Jazzy?!" May tumawag sa pangalan ko pero hindi ko ito pinansin. Bakit hindi na lang ako lubayan ng mga ito? If they happen to know me. They should just go on with their own business at huwag na akong gambalahin pa. Hindi ba nakikita ng mga itong gusto kong mapag-isa?

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko bago nito hawakan ang baba ko pero tinapik ko ang kamay nito bago umusod palayo habang nakapikit pa rin.

"D-Don't touch me. I-I'm reserve."

"Ha? Jazzy, why are you here and why are you drinking?"

Natawa ako ng wala sa oras. "I-I'm here kasi b-bar ito kaya ako umiinom." Pilosopong sagot ko rito habang nahihirapang magsalita. Para akong nabibingi. Palagay ko'y nangangapal rin ang mukha ko. Siguradong namumula ako ngayon.

Oh ghad I drank too much pero gusto ko pa.

Pinagapang ko ang kamay ko sa lamesa para hanapin ang wine glass ko pero wala akong makapa. Napasapo ako sa aking noo ng kumirot iyon.

"Hindi ko alam na palainom ka pala."

Bahagya akong napailing. "I-I don't r-really drink."

"Then why are you here? I was about to go home but I didn't expect to see you here.. alone."

"I just want to d-drink."

"You said you don't drink."

Napangiti ako habang nakayuko pa rin at sapo ang ulo ko. "B-Because alcohol m-makes my legs open."

Narinig ko ang mabining tawa nito. "Kahit lasing ka na. Nakakatuwa ka pa rin. Come on. I'll drive you home."

"N-No."

"May problema ka ba?"

Umiling ako rito.

"Jazzy huwag ng matigas ang ulo please. Ihahatid na kita."

Why am I even talking? I don't even know this person.

"W-What would you do if.. if you love s-someone who c-can't love you back? I-If you love someone y-you can't have? Kasi.. a-ang sakit." Hindi ko namalayang tumulo na ang luha ko. Nag-angat ako ng tingin pero hindi ako nagmulat ng mga mata. Hinayaan kong umagos ang luha sa mga pisngi ko.

"I-I don't know how to deal with it. I'm not l-like Mama. She's stubborn a-and rude. Kung a-anong gusto niya. N-Nakukuha niya."

Hindi ito nagsalita na parang nakikinig lang. Tama nga ang sinabi nilang mas magandang magsabi sa isang estranghero. I hope I wont meet this person whom I'm talking to right now dahil alam kong nakakahiya kapag bumalik na ako sa katinuan. I just can't stop pouring what I feel. Ganito siguro kapag nakainom ay nagiging madaldal at emosyonal.

Pinunasan ko ang aking luha. "I'm n-not strong like h-her."

Naramdaman kong nagva-vibrate ang cellphone ko kaya kinapa ko ito mula sa likurang bulsa ng suot kong skinny jeans. Kinuha ko ito saka nagmulat ng mga mata at pilit inaninag kung sino ang tumatawag. I swipe it saka ito dinala sa tenga ko.

"Y-Yeah?"

"Jazmine Allison!" Nailayo ko ang phone sa tenga ko ng sigawan ako ni Mommy.

"Oh M-Mom s'il te p-plait ne crie pas." Imbes na ibalik sa tenga ko ay ni-loud speaker ko ito.

"Where are you?! Diba ang sabi ko sa iyo ay magpaalam ka sa tuwing may pupuntahan ka?!"

"M-Mommy n-nagpaalam po ako sa iyo."

"Oo nga! Pero anong oras na at hindi ka pa umuuwi!" She screamed in panic. "My ghad Jazmine Allison! Nagpakalasing ka ba ng husto ha?!"

"Huwag mo ng pagalitan sweetheart. Nagpaalam naman pala e-"

"E kung matulog ka kaya sa guest room ngayon?"

"Huwag naman." Bawi agad ni Mama Risen.

"Mommy p-please."

"Mommy please don't me Jazzy! Hintayin mo ako at ako mismo ang susundo sa iyo! You're my only daughter kaya diyan ka lang at huwag kang magpapa-take home sa kahit kanino Jazmine Allison!"

"A-Ano po?" Pero pinatay na nito ang tawag.

Narinig ko ang mahinhing tawa ng taong malapit sa akin. May kasama pa pala ako. Nanghihinang ibinalik ko ang cellphone sa bulsa ko saka napasapo sa aking mukha.

"Well I guess. Hintayin ko na lang na masundo ka ng Mommy mo. Hindi rin naman kita kayang iwan rito."

Sumandal ako sa upuan at nanatiling nakapikit.

"I-I'm never going to drink a-again."

Natawa ulit ito. Ah. Bakit parang isang musika ito sa pandinig ko? Ganun na ba karami ang nainom ko ngayon?

Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang paglapit ng estranghera sa akin. Mabini rin nitong pinunasan ang noo at mga pisngi ko gamit ang panyo nito bago ko narinig ang pagbuntong hininga nito.

"Jazzy don't ever forget. Maswerte ang taong minahal mo kasi ikaw iyan. You are worth it."

Sinunod naman nitong inipit ang ilang hibla ng buhok ko sa likuran ng aking tenga. Inaantok na talaga ako ng sobra idagdag pang umiikot ang paningin ko.

"I d-don't know. I love h-her and she doesn't know what I f-feel for her."

Matagal bago ito nagsalita. "Her?"

"I-I'm gay and I really r-really do love her. I-I just can't tell her k-kasi n-natatakot akong ma-reject. I don't want h-her to stay away f-from me. Hindi ko kaya a-and lastly, I d-don't want to lose h-her."

Naramdaman ko pa ang banayad na paghaplos nito sa pisngi ko bago ako tuloyang lamunin ng dilim.







Sana, sa akin ka na lang Miss Fin!

Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon