Chapter 24

6.7K 266 20
                                    

Sofiera

"Anong nakita mo doon Era?! Bakit mo ako pinagpalit doon!"

Nagpanting ang mga tainga ko kay Liam. Nasa grocerihan ako at namimili ng mga kakailanganin ko. Kung hindi lang ako nawalan ng ibang sangkap ay hindi ako lalabas ngayon.

Ibinenta ko ang dating bahay ko para maiwasan si Liam at hindi ko alam paano ako nito natunton ngayon. Siguro dahil hindi ako nag-iingat kapag pauwi ako sa bahay galing eskwelahan at sinusundan ako nito.

"Lower your tone Liam. This is not the right place para mag-eskandalo ka. Kalalaki mong tao."

Napailing iling ito bago tumitig sa akin ng matiim. Iyong titig na may kahulogan. Nagbabadya ng masamang pangyayari.

"Sofiera, if I can't have you then walang pwedeng magmay-ari sa iyo."

"Pinagbabantaan mo ba ako Liam? Tinatakot mo ba ako?"

"Hindi Era, pinagsasabihan lang kita. This is an insult to me. Ako ang tunay na lalaki at ganito ang pinapakita mo sa akin. Ipinagpalit mo lang ako sa batang walang alam sa buhay. Babaeng mahina at hindi ka mabibigyan ng anak. Hindi kaya nagkakamali ka lang?"

"Liam, hindi ikaw ang taong makakapagsabi kung ano ang batayan ko para magmahal ng isang tao. At hindi rin ikaw ang magsasabi kung ano ang sekswalidad ko. Ang pagmamahal, walang pinipili. Tama man o maling tao ang pag-aalayan hindi mo iyon masasabi. The heart decides what it wants and this time, pasensya ka na. Hindi ikaw ang nilalaman nito."

Natawa ito ng mahina, sarkastiko.

"It's either you or your little girlfriend who will suffer for this. Kagaya ng sinabi ko, kung hindi ka mapapasa-akin, walang makakakuha sa iyo. At kung hangad mo ang kaligayahan mo, kaya ko iyong putolin."

Binundol ng kaba ang dibdib ko. Hindi malayong kaya nitong saktan si Jazmine or worst. Sa nakikita kong poot sa mga mata nito. Hindi ito nagbibiro.

"Pwede bang umalis ka na Liam? Tantanan mo na lang ako. Huwag mo ng sayangin pa ang buhay mo sa akin. Maghanap ka na lang ng iba na makakapagpasaya at magmamahal ng tunay sa iyo."

Napahawak ito sa magkabilaang beywang nito bago napatingala at saka ulit tumitig sa akin.

"Madaling sabihin Sofiera pero wala ka sa posisyon ko ngayon. Hindi mo alam gaano kahirap ang sinasabi mo. Iniisip ko pa lang na kalimutan kita ay para na akong pinapatay. At ang pagtanggi mo sa akin. Tuloyang pumutol sa pangarap na inaasam ko. Hindi ko gustong magmahal ng iba."

Napabuntong hininga ako. "Kung ganun hindi ko na iyon problema, hindi ko kayang pilitin ang sarili kong mahalin ka." Tinitigan ko ito ng seryoso. "Kung sasaktan mo ang kasintahan ko, kung may balak kang masama sa kanya. Nakikiusap ako Liam. Leave her alone. You're after me right?"

Dahan dahan itong umatras.

"Hindi ito ang huli nating pagkikita Era at ako ang magdedesisyon sa kung anong gusto kong gawin sa buhay ko. At wala akong pakialam kahit masira pa ito."

Ng tuloyan ng mawala ito sa paningin ko ay hindi na ako mapakali pa sa pamimili. Hindi ko kakayanin kapag sinaktan nito si Jazmine.

"Damn that guy."

Magkapareho kami dati ni Liam ng pinasukang eskwelahan. Magkaiba ang kurso at mas nauna ito ng isang taon kaysa sa akin. We met ng may reunion at simula noon ay hindi na ako nito nilubayan idagdag pang kasosyo ng mga magulang nito ang mga magulang ko. They're pairing us kahit pa kami na ni Ri'son noon. Well bago pa lang kami noon at hindi ko pa ito naipapakilala sa mga magulang ko.

Siguro magugustohan ng mga ito si Ri'son knowing that he's a Giudevaun but I'm not after the money or fame. I admit may chemistry kami dati ni Ri'son pero mabilis iyong nawala dahil isang tao lang palagi ang kumukuha sa atensyon ko, si Jazmine. I've set my eyes on her at hindi ko inakalang magkapatid pala ito at si Ri'son. Ang tadhana nga naman kung maglaro.

DMF (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon