Kabanata 1
Nasa edad 19 na si mela at mag 20 na ngayong buwang ito. kung kaya't Magagawa na niya ang bawat naisin nito.
Pinalaki siya ng kanyang itinuring na magulang na may galit sa mga tao! lalong lalo na sa bayan ng erzila.
Hindi man niya naranasan ang dinanas ng kanyang mga magulang sa kalupitan ng mga tao noong nasa baryo erzila palamang ang mga ito.
Ngunit tinatak ng matandang aswang sa kanya na pinatay ang kanyang mga magulang sa mismong bayan ng erzila.
Ngunit hindi alam ni mela na may lahi rin itong aswang.
Kwenento lahat lahat ng matandang aswang ang nangyari sa kanila ng kanyang mga magulang kaya nabuo ang galit nito sa mga tao.
Lalong lalo na sa mga taong nakatira sa bayan ng erzila.lagi nalamang silang sinasabihan na lahi sila ng mga aswang.kahit wala silang katibayang sila ang gumagawa ng kababalaghan sa lugar ng erzila.
Kalat kasi sa baryo eztila ang pagkawala ng mga anak ng mga nagbubuntis palang.
Pagsapit ng gabi! isa isang namamatay ang bawat babaeng nagdadalang tao sa baryo erzila.
Kayanaman lagi silang pinupuntahan sa kanilang kubo upang bisitahin ang babaeng aswang.
Nagkataon din kasi noon na buntis si amara at tanging siya lang ang hindi namamatay sa lugar ng baryo erzila.
Sumagad ang galit ng mga tao sa sa pamilya nila amara.
Kaya napagpasyahan ng mga taga eztela na sunugin ang kanilang tinitirhang kubo upang sa ganun ay matapos na ang kanilang kinakatakutan.Anong gagawin natin ngayon Arman?
Patungo na ngayon ang mga tao rito sa atin?
Paano ang ating anak?
Ngayon ang araw ng aking kapanganakan.
(Ang natatakot na niyang sabi sa kanyang asawa na si arman.Aalis tayo rito ngayon na sa lalong madaling panahon.
Aalis na! aalis na sila! ang sigawan ng mga tao.
kaya agad tumakbo ang mga tao upang hindi makatakas ang pamilya ni amara na tinatawag nilang salot o aswang sa bayan ng erzila.Araaaaay!!! arman,,Ma-nganganak na ata ako?
Ang sigaw ni amara sa kanyang asawa habang tumatakbo sila palabas sa baryo erzila.Hindi ko na kaya arman! lalabas na ang anak natin!
Ang saad ni amara habang hirap na hirap na itong maglakad.Agad lumingon si arman upang lingunin ang mga taong humahabol sa kanila.
At napagtanto nilang malapit na ito sa kanila.
Agad binuhat ni arman si amanda upang ilayo sa mga ito.Ngunit huli na ang lahat parating na ang sanlibutan ng baryo erzila.
Saan kayo pupunta!
Akala niyo ba matatakasan niyo kami!
mamatay na kayong lahat!
Ang iisang sigaw ng taong bayan sa kanila.Ngunit napasigaw si amanda dahil ramdam niyang papalabas na ang kanyang sanggol.
sumigaw siya ng pagkalakas lakas hanggang sa lumabas na ang sanggol at normal naman itong lumabas.
Umiyak ng umiyak ang sanggol sa harapan ng mga tao.
Habang yakap yakap siya ng kanyang ina.Patawad anak kung sa ganito kitang setwasyon isinilang. Ang naiiyak na niyang sabi.
Sunugin silang lahat kasama na ang sanggol ang sigawan ng mga tao.
Na agad binuhat ang sanggol at amanda habang abala naman ang iba sa paggapos kay arman.
Wag ang anak ko!
Wala kaming ginagawang masama sa inyo!
Nakikiusap ako sa inyo! Wag ang anak ko!Ang pagmamakaawang sigaw ni amanda sa mga tao.
Ngunit bingi ang mga ito.Pagkatapos igapos si amanda kasama ang sanggol pati narin si arman. Binuhusan nila ang mga kahoy ng Gas upang kaagad itong masunog saka nila ito sinindihan.
Sinusumpa ko kayo!
Babalikan kayo ng aking anak! at uubusin niya kayong lahat! hanggang sa maubos kayong lahat!
Ang sumpang binitiwan ni amanda sa mga tao.At kaagad nang sumiklab ng malakas ang apoy.
Sa di malamang dahilan hindi nila napansing nahulog ang sanggol at hindi naisama sa mga magulang niyang namatay sa sunog.Naku! nakakatakot naman ng kwentong yan mela?
Halos gabi narin natapos ang kwento mo! kawawa naman ang mga magulang ng bata.Nasaan na kaya ngayon ang sanggol na anak ng mga aswang na iyon?
Ang tanong ni jasmine kay mela.
"Naku hindi ko alam.Balita ko nga ay ang bayan na ating tinitirhan ngayon ay ang bayan ng eztila.
Anong ibig mong sabihin?
Pinalitan lang daw ito ng pangalan simula nung pinatay ang mag iinang aswang sa bayang ito.
Ang dagdag pa ni mela.Ngunit habang kwenikwento niya ang masamang nakaraan ng kanyang mga magulang sa kanyang mga kaibigan.
Ay ramdam na ramdam niya ang lungkot at paghihiganti sa kanyang puso.Hoy! mela, okay kalang ba? bakit parang naluluha ka jan?
Naawa kaba sa mga pamilyang aswang na iyon.Sabi ng lola ko,,masama raw sila!
Sila ang dahilan ng pagkawala ng kanilang apo sa unang anak ng aking lola.
Nagbubuntis palamang siya nang binawian ng buhay kasama ang kanyang pinagbubuntis!
(Ang saad ni jasmine)Nakakaawa naman talaga ang sinapit ng pamilyang iyon!
Bakit may patunay bang sila ang pumapatay ng mga sanggol?
(Ang sabat naman ni renato)Habang nagtatalo ang kanyang mga kaibigan.
Hindi nila namalayang nakaalis na pala sa kanilang tabi si mela.Labis labis ang kanyang galit sa mga tao sa erzila.
Ayaw man niyang aminin iyon!
pero iyon ang nabubuhay sa kanyang dugo.Tanging paghihiganti lang ang nais niyang magawa.
Pero tila ba may pumipigil sa kanyang kaluob luoban na hindi niya dapat maramdaman.Mela! mela! Nasaan naba nagpunta ang batang iyon!
Lagi nalang umaalis sa bahay! Sinabi ko na ngang mapanganib ang mga tao sa lugar na ito!
(Ang saad ng kanyang lola rosa ang matamdang aswang sa bayan ng erzila?Narito na po ako lola.
Bakit niyo po ba ako hinahanap?
Naku! ikaw na bata ka! saan ka nanaman ba galing?
Sa mga kaibigan mo nanaman!Sinabi ko na sayo na masama ang mga tao sa bayang ito!
Tahimik lang na naglakad si mela papalapit sa kanyang lola at may ibinulong ito sa kanyang lola.
Hindi paman niya alam na aswang ang kanyang lola.Pero ramdam na ramdam niya iyon.
Dahil nananalaytay ang dugo ng mga aswang sa lahi ng mga ito.lola,,alam ko namang isa kayong aswang!
Pero bakit sinisisi niyo sa mga tao ang kasalanan?
Anong sinasabi mo jan?Talaga bang mabait ang mga magulang ko?
Talaga bang hindi sila ang pumatay sa mga nagbubuntis noon sa bayang ito?
BINABASA MO ANG
Aswang Sa Bayan Ng Erzila
HorrorAng isinilang na anak ng mga aswang ang inaasahan ng lahat sa muling pagkabuhay ng lahat ng mga lahing aswang.Paano kung sa isang iglap lang mawawalan ng buhay ang matagal nilang prinutiktahan upang maisakatuparan ang kanilang mithiin,ay maglalahu n...