Kabanata 17

142 6 1
                                    

Sa Pag-atras ng lalaki hindi niya namalayang may matulis na bagay na malapit sa kanyang paanan,Dahil sa sobrang takot ng lalaki na nakakita sa kabaong ng mga aswang ay bigla itong napaatras at nasagi ang paa nito sa matulis na bagay,dahilan para masugatan ng malalim ang mga paa nito.

ARAY!
Tulungan niyo ako,

"Bakit?ano bang nangyayari sayo jan sa baba?

Kaagad na sumilip ang karamihan sa kinaroroonan ng lalaki,at gimbal silang nakita ang kabaong ng isang aswang na hindi nila aakalaing hanggang ngayon ay buo at maganda pa-rin ang kabaong na iyon.

Dahil sa dugong pumulwak sa kabaong ni mela,Biglang nagdilim ang kapaligiran,Nagmistulang hamog ang buong paligid wala kang makikitang liwanag o kahit ano pa man.

"Sigawan ng mga tao ang iyong maririnig,dahil sa takot nila ay kaagad na silang umalis kasama ang lalaking nasugatan,buhat buhat ito ng nakararami.

Pagka-alis na pagkaalis ng lahat ay biglang bumukas ang himlayan ni mela.
Hindi na siya tulad ng dating matamlay ang pangangatawan.

Isa na siyang ganap na aswang sa kanyang anyo,dahil sa muli nitong pagkabuhay,Unti unti naring nabubuhay ang lahat ng mga lahi ng aswang sa bayan ng erzila.

Samantala takbuhan ang mga tao sa bahay ng mangkukulam upang ipaalam ang kanilang nakita at kasalukuyang nangyayari ngayon sa lugar kung saan sila inutusang maghukay.

ANONG IBIG NIYONG SABIHIN?
May kabaong sa ilalim ng lupa?
Paano!paano nangyari ang bagay na ito?
Binuksan niyo ba ang kabaong na iyon?

Hindi na po mahal naming amo,Dahil sa subrang takot po namin ay hindi na namin nagawang buksan iyon.At isa pa po bigla nalang pong dumilim at nagkaroon ng hamog sa buong paligid ang lugar na iyon.Kaya umalis na po kami kaagad!

Mga wala kayong silbi!
Bumalik kayo roon at kunin ninyo ang himlayang iyon!(ang utos ng mangkukulam sa lahat)

Pero! natatakot po kami!
Kumilos na kayo,at ako'y susunod sainyo!

Dinig na dinig naman ni jasmine ang bagay na iyon,kung kaya't bigla siyang nabuhayan ng pag-asa na buhay ang kanyang kaibigan.Pero bigla din itong nalungkot.

Alam kung hindi ako mapapatawad ni mela sa oras na malaman niyang ang ina ko ang dahilan ng kanilang paghihirap.(ang malungkot niyang saad.

Samantala kung saan inilibing noon ang mga magulang ni mela ay unti unti naring gumagalaw ang lupa.Ganun din sa pamilya ni ernan at sina aling rosa at ernan.Kasama na ang iba pang mga aswang na kanilang kalahi.

Nabuhay tayo!
(Ang sigaw ni ernan sa kanyang sarili habang unti unting nabubuo ang katawang tao ng matandang aswang)
Ibig bang sabihin nito buhay rin ang pamilya ko,ang anak ko at ang asawa ko?

TAMA KA! Buhay kami ernan,ang masayang saad ng asawa ni ernan habang karga karga nito ang sanggol.

Kung buhay tayong lahat nasaan si mela?
Tama,kung buhay tayo buhay din si mela at ang mga magulang niya.

Pero nasaan siya? bakit wala siya sa kanyang himlayan!Kaylangan natin siyang mahanap bago siya makapanakit ng ibang tao.

Sandali lang!
Ang bungad ng mag-asawang arman at amanda,ang mga magulang ni mela ang nagsalita.Napatingin ang lahat sa kanilang pagdating.

Patungo na ngayon ang mga tao rito,Kaylangan na nating umalis at mailipat ang himlayan ni mela bago pa sila dumating.

Samantala
'Abala naman si mela sa paglipat lipat ng kanyang pupuntahan hinahanap niya ang dati nilang bahay sa bayan ng erzila,Ngunit wala na itong makita,nagbabakasakaling naroon na ang kanyang lola rosa at tito ernan.

Miss?
Sino ka?
Ang saad ng isang lalaki sa kanyang likuran,na ikingulat ni mela,kung kaya't kalma lang itong tumingin sa lalaki.

Pasensiya kana kung napadpad ako sa lugar niyo nais ko knag sanang makita ang dating tirahan ng aking lola,ngunit mukang matagal nang wala ang bahay niya rito.

Dahil sa taglay na kagandahan ni mela,Hindi napansin ng lalaki na nabibighani na ito sa taglay na kagandahan ng dalaga.

Kung hindi mo mamasamain sino ang iyong lola rito?
Dito ba siya nakatira dati?
Ikaw anong pangalan mo?
Ang sunod sunod na katanungan ng lalaki sa dalaga.

Wag mo nalang alamin,Maraming salamat sa iyong katanungan,ngunit hindi ko na ito masasagot pa dahil ako ay aalis na.

Sa isang iglap biglang naglaho sa harapan ng lalaki si mela.Dahilan para mainlove pa ng subra ang lalaking iyon.

Napakaganda niya!
Sino kaya ang babaeng iyon?
Nais ko siyang makilala pa ng lubusan.

Aswang Sa Bayan Ng ErzilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon