Mamayang madaling araw ang ating paglusob sa mga lahing aswang,Balita ko ay wala nang buhay ang pag-asa nilang si mela.Kung kaya naman nais kong magtungo tayo roon ng madaling araw upang surprisahin ang mga nagluluksang kalahi ni mela.
Ang mahabang paliwanag ng matandang mangkukulam sa mga tao,Na agad namang sumang-ayon ang mga ito sa nais ng mangkukulam.
Ngunit sa isang banda,may dalawang taong nagbubulungan at hindi tinatablan ng kapangyarihan ng matandang mangkukulam.
Kung kaya naman,balak nilang magtungo sa lugar ng mga aswang para ipaalam ang balak ng sanlibutan ng bayan ng erzila.
Alam kung mabait si mela,tiyak kong kagagawan ito lahat ng mangkukulam,kaya namatay ang mga magulang ni mela,dahil nais ng mangkukulam na siya ang magreyna reyna sa bayang ito.
Sa tingin niyo ba hindi ko kayo naririnig!
Nagulat ang dalawa sa narinig nilang salita kung kaya naman napalingon silang sabay sa pinagmulan ng salita.
Dahil sa sunod sunod na ang utos ng mangkukulam sa mga tao,Patayin ang dalawang taksel na yan!
Ang sigaw na utos ng mangkukulam.Wala nang nagawa pa ang dalawa kundi ang tumakbo ng tumakbo hanggang sa makalayo sila sa mga tai.
INA!
Ang sigaw ni jasmine at sinabi)"Pero ina,,wala silang kasalanan bakit pati sila dinadamay niyo sa laban ng mga lahi sa lahi!
Para maisakatuparan natin ang ating pagpaparami sa lahi nating mga magkukulam,Kapag nawala sila tiyak na ang ating kaligtasan mahal kong anak.
Nakalimutan mo nabang sila ang pumatay sa ama niyo ng kuya mo!Biglang nalungkot ang mga mata ni jasmine sa kanyang narinig!Pakiramdam niya sa kanyang sarili ginagawa lang ng kanyang ina ang mga bagay na iyon para makapaghiganti lamang.
'Marami na-rin ang namamatay na mga tao sa bayan ng erzila at ngayong gabi magaganap ang katuparan ng kanyang ina,Ang patayin ang kanyang kaibigang si mela at ang kanyang mga kalahi.
Hindi na ako masaya sa ginagawa ni mama,Tama pa-rin ba ang gagawin naming ito?
Paano kung tumanggi ako sa nais ng aking ina at magtungo ako sa kinaroroonan ng lahing aswang nila mela,Matatanggap paba niya ako bilang isang kaibigan?Napatigil ang kanyang pagiisip ng sumigaw ang kanyang ina.
JASMINE!anong iniisip mo jan!Kung ano man ang iyong nais, wag mo nang ituloy,dahil hindi ako aatras sa laban nating iton!
Ang saad ng ina ni jasmine sa kanyang anak.Pero ina!
Iyon nalang ang tangi niyang nasabi at tuluyan na silang naglakad patungo sa kinaroroonan ng kanyang kaibigang si mela.Labis akong nasaktan sa ginawa ng lalaking iyon sa aking kaibigang si mela!Ang lakas ng loob niyang saksakin si mela! Hindi ba siya natakot na baka patayin siya ni mela!
(Ang malungkot na saad ni jasmine habang patungo na sila kila mela)
Hindi na alam ni jasmine ang kanyang gagawin,kung mananatili ba siya sa panig ng kanyang ina o tutulungan niyang makatakas ang mga lahi ni mela.
Mga isiping iyon ni jasmine habang patungo sa kanyang kaibigan.samantala ilang oras nalang ang nalalapit at sisikat na ang araw magaganap na ang bente anyos na kaarawan ni mela,labis na nagluluksa sina ernan at aling rosa sa sinapit ng kanilang apo at pamngkin.
Nalalapit na-rin ang ating paglisan kasabay ng pagsikat ng araw ang ating huling buhay,ang paglisan ng katawan ni mela sa mga susunod na oras,Wala na tayong magagawa kundi ang hintaying mamatay kasama si mela hanggang sa huli ng ating buhay.
(Ang naiiyak na saad ni ernan at aling rosa)Nakasuot ng itim na kasuotan sina ernan at aling rosa habang nakapikit sa harap ng nahihimlay na bangkay ni mela.
Nakapikit ang mga ito at hinihintay ang nalalapit nilang paglisan.Aling Rosa!Aling Rosa ang sigaw na nagmumula sa labas nang kanilang Himlayan.
Napamulat ang mga mata nina ernan at aling rosa sa kanilang narinig mula sa labas.Sino ang mga iyon?
Ano ang ginagawa nila sa ating himlayan?
Nais ba nilang guluhin ang ating pagluluksa!
Ang galit na saad ng matandang si rosa.
BINABASA MO ANG
Aswang Sa Bayan Ng Erzila
HorrorAng isinilang na anak ng mga aswang ang inaasahan ng lahat sa muling pagkabuhay ng lahat ng mga lahing aswang.Paano kung sa isang iglap lang mawawalan ng buhay ang matagal nilang prinutiktahan upang maisakatuparan ang kanilang mithiin,ay maglalahu n...