Erzila kabanata 5

148 3 0
                                    

Anong ginagawa niyo!
Bakit kayo nagpakita kay mela!
Ang bungad ng matandang aswang kay ernan at sa kanyang asawang si meranda.

Wala kaming ginagawang masama!
Bakit bigla bigla nalang kayong su-sulput tapos maninirmon kayo!

Sinunud lang namin ang utos niyo!
Tapos ngayon kami pa ang masama!

Mabilis na nakalapit ang matandang aswang kay ernan sabay hawak sa kanyang kwelyuhan!( At sinabi)

"Ang lakas ng loob niyong suwa-yin ang utos ko!!
Gusto niyo bang mabuwag ang ating lahi!
Sinabi ko na sa inyong bawal kayong magpakita kay mela!

Nagtatanong na sa akin si mela! at alam na-rin niya na isa rin akong aswang!

"Paano niya nalaman na isa kayong aswang!
Hindi ko rin alam! Dahil narin siguro nalalapit na ang kanyang kaarawan.

Malapit na siyang maging ganap na aswang!
kaya dapat nating protektahan si mela!
Hindi para magpakita sa kanya!

Ito ang tatandaan niyo! sa oras na malaman kong nagpakita kayo ulit sa kanya! Hindi ako magdadalawang isip na patayin kayo ng asawa mo!

Ang galit na sabi ng matandang aswang kay ernan sabay bitaw sa kanya ng malakas dahilan para matumba ito sa lakas ng pagkakabitaw ng matandang si rosa.

Bago ito tuluyang umalis may binitawan pa itong utos sa mag asawa)
"Mag-kalat pa kayo ng lagim sa bayan ng erzila! kaylangan maniwala si mela na hindi ang kanyang mga magulang ang pumatay sa mga tao sa erzila.

Kaylangan kong masakop ang buong erzila!
dito natin gaganapin ang pagpaparami ng ating lahing aswang.

At tuluyan nang umalis ang matandang aswang)
Grabe ang matandang iyon!
tama bang pagbantaan niya tayo!

Tumigil ka-nalang pwede ba! gawin nalang natin ang gusto ni ina! para wala tayong maging problema!

Samantala abala naman ang matandang manghuhula sa pag aayos ng kanyang mga kagamitan.Upang lisanin ang bayan ng erzila.

"Ayoko nang magtagal dito! pakiramdam ko mamamatay kaming lahat sa bayang ito kapag hindi pa ko umalis tiyak na pati ako ay kasama sa mga taong mamamatay rito sa erzila!
(Ang saad nito sa kanyang sarili)

Dali daling nilisan ni lucy ang bayan ng erzila.

Kaylangan kung magmadali bago sumilip ang takip silim.
wala.

Hindi ka makakaalis sa bayang ito! saan ka naman magtatago! ang saad ng tinig ng isang babae sa kanyang likuran.

Napabalikwas ito ng tingin ng makita ang isang babae at lalaki na kulay pula ang kanilang mga mata.

wag! wag niyo akong papatayin!
Pakiusap! wala akong kasalanan sainyo!!

"Sigurado kabang wala kang kasalanan!
Diba ikaw nga ang pakana sa bayan ng erzila na ang pamilya ni amanda ang kumakain ng mga sanggol at pumapatay sa mga babaeng nagbubuntis sa bayang ito!
(Ang Galit na sabi ni ernan ang kapakapatid ni ernan na si amanda)

Hindi wala akong ginagawang masama sa kanila!
Wala akong ginagawang masama! maawa kayo sa-

Ngunit hindi na naituloy ni lucy ang sasabihin nang bigla nalang siyang hinampas ng malakas na pakpak ni meranda ang asawa ni ernan.

Gumulong gulong ang matandang si lucy! sa damuhan pagkatapos nitong hampasib ni meranda!

Habang papalapit na si meranda sa kinaruruonan ni lucy.

"Nasan na ba ang aking pakontra sa aswang ang saad ng matandang manghuhula na hirap na hirap ng kumilos dala ng paghampas sa kanya ni meranda.

"Papapalapit na siya! ang natatakot na sabi ni lucy nang makita na niya ang isang supot ng asin na may dinikdik na bawang.

Nang kakagatin na sana siya ni meranda! ay bigla siyang hinagisan ng maraming asin at bawang sa buong katawan ni meranda. Dahilan para umusok ang bahagi ng kanyang katawan na natamaan ng mga asin na iwinisik ng matandang si lucy!

Ang sakit!!!!!ernan!! ang sigaw ni meranda)
nang bigla nalang kinuha ni aling lucy ang punyal na pamatay ng mga aswang at itinusok sa puso ni meranda habang abala ito sa pag inda ng sakit sa kanyang katawan!

Nagulat si ernan sa kanyang nakita! kaya mabilis siyang nakalapit sa matandang si lucy! at kaagad na winakasan na niya ang buhay ng matandang manghuhula!!

Pagkatapos non! binalingan niya ang kanyang asawa na nagdadalan tao sa kanyang magiging anak na isislang na sana ni meranda sa mga susunod na buwan.

Agad sumigaw si ernan at sinabi!
Ipaghihiganti ko kayo ng anak ko!!!papatayin ko kayong lahat! Ang paghihinagpis na sabi ni ernan habang yakap yakap ang kanyang asawang duguan.

Hanggang sa binuhat na niya ang kanyang asawa)
"meranda asawa ko! Pakiusap lumaban ka! para sa anak natin ang saad ni ernan habang buhat buhat ito patungo sa kanilang lungga.

Aswang Sa Bayan Ng ErzilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon