Kabanata 12

113 2 0
                                    

(Kulay Asul na mga Mata)

kaylangan kong gumawa ng paraan para mahanap ako ni tito ernan.(ang sabi nito sa kanyang sarili)
Sandali lang naman eh,Pagod na ako!
(Ang Pagmamaktol ni mela baka sakaLing pumayag ang lalaki sa kanyang nais)

Sige maupo kalang jan at akoy maglalakad lakad muna para makita ang lugar kung ligtas ba tayo sa lugar na ito.(ang malambing na saad ng lalaki)

Sino ba talaga ang lalaking iyon?
Muka naman siyang magalang at-
Hindi na naituloy ng dalaga ang kanyang sasabihin ng mapansin nitong may gumagalaw sa likod ng isang malaking puno kung saan nagtungo ang lalaki.

Sino ka?
Lumabas ka jan,hindi ako natatakot sayo!
(Ang matapang na saad ng dalaga habang nakatingin sa malaking puno nang lalabas na sana ang lalaki ay bigla nalang niyang naramdaman ang malakas na pwersa,Tulad ng mga hahabol sa dalaga)
Nang bigla nalang lumitaw sa harapan ni mela ang kanyang ina at ama.
Sa labis na pagkagulat ni mela biglang nag iba ang mga kulay ng mga mata nito naging isa itong kulay asul kung kaya naman bigla nalang napaatras ang mag-asawa sa kanilang nakita.

(Ang kulay asul na mata sa kanilang angkan ay tinatawag nilang pinakamalakas na aswang sa kanilang lahi na kung saan nag uumpisa nang lumabas ang kanyang makapangyarihang lahing aswang.
Kitang kita rin iyon ng lalaki kung kaya naman bigla nalang din itong natakot kay mela at bigla nalang din itong umalis kasabay noon ang biglaang pag-alis ng kanyang mga magulang.

Hindi rin maipaliwanag ni mela ang kanyang nararamdaman bakit bigla nalang umalis ang mga ito at halata ang takot sa kanilang mga mata.

Ano bang nangyayari sa akin?
Naging isa naba akong halimaw at bigla bigla nalang silang umalis?
Pero ayos na-rin iyon ang mahalaga ligtas na ako.
Kaylangan ko nalang umalis habang wala pa ang lalaki.(Kung kaya naman nagpasya nang umalis si mela sa kanyang kinaroroonan)

Saan ka naman pupunta?
Akala ko ba magpapahinga ka pa?
(Ang saad ng lalaki sa kanyang likuran,Nakita kasi ng lalaki na nagbago rin ang kanyang mga mata kung kaya naman nagbago ang isip nitong iwanan ang dalaga at nagpasya nalang itong samahan siya hanggang sa kanyang nalalapit na kaarawan)

Alam kung marami pang darating na papatay sa kanya hanggang sa hindi pa natatapos ang kanyang kaarawan,kaylangan ko siyang bantayan.(ang saad ng lalaki s kanyang sarili?

Akala ko umalis kana?
(ang gulat niyang sabi sa lalaki)
Bakit naman kita iiwan sa nakakatakot na gubat na ito na ikaw lang mag isa at kababae mo pang tao.(kahit takot na takot ang lalaki kay mela pilit pa-rin niyang pinakalma ang kanyang sarili para hindi mahalata ng dalaga ang kanyang takot)

Ganun ba,Saan nab tayo pupunta?
"Kung saan man tayo dalhin ng ating mga paa!
"Kung saan ligtas ka.
(Ang saad ng lalaki sa malambing nitong boses)

"Naku! mela wag kang padadala sa mga matatamis niyang mga salita,Baka ikaw din ang mapahamak,baka isa siya sa mga nag nanais pumatay sa akin.(Ang saway nito sa kanyang sarili)

Samantala nagtungo naman si amanda at arman sa kinaroroonan ng babaeng mabgkukulam na naka konikta sa kanila.

Bakit bigla kayong umalis,kung kaylan malapit niyo na siyang mapatay!(ang galit na sigaw ng mangkukulam sa mga magulang ni mela)

dalawang araw nalang at mabubuhay na kayo!
Paano na ito?
tiyak kong papatayin niyo rin ako kapag nalaman niyong inutos kong patayin ang sarili niyong anak at kayo mismo ang naatasan ko!

Anong dapat kung gawin?
Ipapasunog ko nanaman ba kayo ng buhay kagaya ng ginawa ko sainyo noon?

Ang natatakot niyang sabi habang lakad dito lakad doon ang kanyang ginagawa,habang nakatayo sa harapan niya sina arman at amanda)

(Biglang tumigil sa paglalakad ang mangkukulam at inuto nito sa mag-asawa na bumalik s lugar kung saan nila nakita si mela at tuluyan na nilang patayin.
Agad na nagtungo ang magasawa sa lugar upang patayin si mela)

Aswang Sa Bayan Ng ErzilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon