Erzila Kabanata 10

121 2 0
                                    

Lakad dito lakad doon ang ginagawa ni mela hindi siya mapalagay sa kanyang kinaruruonan.

Anong gagawin ko?
Maghihintay nalang ba ako sa wala?

Hindi ako pwedeng manatili rito sa lugar na ito!
"Kaylangan kong iligtas si lola sa mga tao.
ang saad ni mela sa kanyang sarili.

Akmang aalis na sana si mela nang bigla nalang siyang nakarinig ng ingay mula sa labas ng kanyang pinagtataguan.
Kaagad siyang sumilip kung saan pwedeng makita ang tao sa labas.

Si lola rosa!!
Sino ang mga taong iyon?
Pakiramdam ko hindi sila mga tao!
Anong balak nilang gawin kay lola rosa!
At bakit sila narito!
Ang kinakabahan niyang sabi sa kanyang isip.

Nasaan naba si tito ernan?
Bakit wala pa siya hanggang ngayon?

"Maya maya pa nagsalita na si amanda.

"Narito ba si mela?
Tawagin mo na siya ngayon?
Kaylangan niyang mawala sa sa lugar na ito!

"Pakiusap anak,,Wag mong gawin ito sa iyong sariling anak!
Nakalimutan mo nabang siya ang pag-asa na-tin.upang mabuhay muli ang ating lahi,, ang lahi ng mga aswang!

"Wala akong pakialam sa bagay na yan!
Kung ayaw mo siyang tawagin ako nalang ang papasok sa loob upang kunin at patayin siya!

Gulat na gulat si mela sa kanyang narinig.

"Sinong papatayin?
Sinong anak?
"Patayin ang sariling anak!

Angnaguguluhan nang sabi ni mela kung kaya't umalis na siya sa kanyang kinatatayuan at naghanap ng madadaanan upang hindi siya makita ng mga taong naghahanap sa kanya.

Tito ernan nasaan kanaba?
"Bakit wala ka pa-rin hanggang ngayon! Narito na si lola rosa!

Ang kinakabahan niyang sabi habang abala ito sa paghahanap ng madadaanan.

Nang makita niya ang isang sekretong daan,,At dali-dali itong pumasok roon at isinara ang bakud nito,,bakud na kung makikita mo ang bakud na iyon ay hindi mo aakalaing may daanan papasok sa side na iyon.

"Dahan dahan siyang pumasok sa lugar na iyon hanggang sa marating niya ang kinaroroonan ng bangkay ng asawa ng kanyang tito ernan.

"Anong ibig sabihin nito!
kagagawan ba ito ng mga tao sa bayan ng erzila?
"Bakit hanggang ngayon narito pa-rin ang bangkay ni tita!

Umaasa ba talaga silang mabubuhay muli ang mga lahing aswang kapag ganap na akong 20 anyos?

Nang bigla nalang kumalabog sa labas ng lagusang iyon.
At sigaw na malakas ang kanyang narinig.

"MELA!!!!!
NASAAN KA!!!ang sigaw ni amanda na dinig na dinig ni mela.

Rosa!!! nasaan si mela!! ang galit nang sabi ni amanda at arman.

Anong ginagawa mo sa ating ina amanda!
Ang sigaw na tanong ni ernan kay amanda.
"Buhay kapa?
Ang galit na tanong ni amanda sa kanyang kapatid na si ernan.

"Pinatay kana ng manghuhulang iyon! Bakit buhay ka pa-rin hanggang ngayon!

"Anong ibig mong sabihin?
Ikaw ba ang may kagagawan ng lahat ng iyon!
Alam mo bang namatay ang mag-ina ko dahil sa ginawa mong iyon! ang galit na sabi ni ernan sa kanyang kapatid na si amanda.

"Ganun ba!
Ang sagot nito,,sabay labas ng kanyang mga nagtutulisang niyang mga pangil.

Sabay ngisi rin ni ernan ng kanyang matutulis na pangil nito.
Na may halong galit at paghihiganti para sa kanyang asawa at anak.

Pakawalan mo ang ating ina!!!
Ang sigaw ni ernan,,Ngunit hindi iyon pinansin ni amanda bigla bigla nalang siyang sumugod kay ernan dahilan para masugatan si ernan sa kanyang pisngi.

Pasalamat ka at hindi pa kita pinuruhan!
sabihin mo lang sa akin kung nasaan si mela!
At pakakawalan ko kayo ng ina mo!

"Anong sinasabi mo!
Ang takang tanong ni ernan!
Sino kabang kumukontrol sa kapatid ko!
Duwag kaba kaya sila ang inutusan mong patayin ang kanyang kalahi!!

Ano ba amanda!
Bakit ka pumapayag na kontrolin ka ng mababang uri!!
Ang sigaw ni ernan sa kanyang kapatid!

Alam kong hindi ikaw ang kapatid ko!
Matagal na kayong patay!
Mabubuhay lang kayo muli sa mga susunod na araw.

Pakiusap kapatid ko!
Wag mong papatayin ang anak mo!

ang saad ni ernan kay amanda,Ngunit bingi si amanda ang tanging alam lang niya ay patayin si mela ang utos ng Matandang mangkukulam sa kanya.

"Dinig na dinig lahat iyon ni mela,, kung saan nakakubli ito sa tabi ng namayapang asawa ng kanyang tito ernan.

Naglaban ang magkapatid na amanda at ernan hanggang sa maging duguan na ang mga ito. Habang abala naman si arman sa paghaloghog sa buong paligid ng lugar.

At nakita nga niya roon si mela.
"Sa di malamang dahilan biglang namanhid ang buong katawan ni arman habang nakatingin ito kay mela.

"Anong nangyayari!
Bakit hindi ako makakilos?
Anong ginagawa mo sa akin?
Ako ang papa mo!
Lumapit ka sa akin mela!

Aswang Sa Bayan Ng ErzilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon