Erzila kabanata 6

152 5 0
                                    

Ilang araw nalang ay sasapit na ang araw ng kaarawan ni mela. Ang magiging reyna ng mga aswang magaganap narin ang paghihiganting matagal nang hinihintay ng matandang aswang na si rosa.Kahit alam niya sa sarili niya na walang dapat ipaghiganti si mela.

Kung meron man siyang dapat paghigantian iyon ay ang kanyang tinatawag na lola rosa.

"Mela! handa kanaba?Sa nalalapit mong kaarawan?
"Kaylangan mong paghandaan ang bagay na ito!
Hindi kana pwedeng lumabas ngayon hanggat hindi nairaraos ang iyong kaarawan

Bakit hindi ako pwedeng lumabas?
May masama bang mangyayari saakin sa oras na lumabas ako sa bahay na ito?

"Hindi natin alam ang mangyayari!
Sa labas maraming mga mata ang nakatitig sa atin!
Ang saad ng matandang si Rosa.

"Tangga na ni mela ang kanyang kapalaran na binuhay lang siya ng kanyang inang si amanda para maghiganti sa mga tao.
Hindi na iyon bago sa kanya,Dahil lahat ng taga erzila ay alam ang sumpang binitawan ni amanda.

Tanggap ko na lola,,kung ano ako at kung ano ang tungkulin ko sa bayang ito kaya ako binuhay ng tadhana!
Hindi ko iyon kinakaila.
(Ang saad ni mela sa matandang si rosa)

Samantala kumalat ang balitang may bangkay nanaman sa kabukiran tulad ng nangyari kay renato ganun din ang nangyari sa matandang manghuhulang si lucy.

Agad nagbigay ng kautusan ang pinuno ng bayan ng erzila na magtipon tipon sila sa kanilang brgy upang pag-usapan ang lagim na nagaganap sa bayan ng erzila.
Kaya kaagat na dinagsa ng mamamayan ng erzila.

(Ang usap usapan sa Brgy ng Erzila kung saan pinamumunuan ni Carlo ang kanilang punong brgy anak ng isang mamamayan na tumugis sa pamilya ni amanda)

Nakakatakot na sa bayang ito!
kaylangan nating malaman kung sino ang aswang sa lugar na ito!

"Tahimik! kaylangan ko ng inyong attention! kaya ko kayo pinatawag dito ay para pag-usapan ang patayang nagaganap nanaman sa bayan ng erzila.
Kaylangan nating mahanap ang aswang na anak ng pamilya ni amanda! kaylangang matigil ang sumpang binitawan ni amanda sa lugar na ito!

Paano! ang sigaw ng isang mamamayan)
Paano natin malalaman kung sino ang aswang sa bayang ito?
"Tutularan nanaman ba natin ang pagpaslang na ginawa ng karamihan noon sa pamilya nina amanda?

Kahit walang sapat na katibayan?
Ang saad ng isang binata na si revir ang anak ng isang mamamayan ng erzila.

Naroon din sina mela at aling rosa nakikinig sa usapan ng mga tao. Kahit marinig pa iyon ng matandang si rosa tiyak na masisiyahan ito sa kanyang naririnig.

Dahil pakiramdam nito magiging lubos ang kagalakan ni mela na pumatay ng mga tao kapag ganap na siya bilang isang aswang. Ilang araw nalang ang nalalabi at magiging isa narin siya kagaya ko! ang palihim niyang sabi sa kanyang sarili.

Ngunit mas pinili ni mela na wag nang maghigante sa mga tao.Kaya tumakas ito bago tuluyang maganap ang pinakahihintay ng kanyang lola rosa.

Dahil sa pagtakas ni mela sa kanyang nalalapit na kaarawan biglang nagalit ng labis ang kanyang lola rosa.
Kaya tuwing gabi umaataki ito sa bayan ng erzila para pumatay ng mga tao.

Ganun din ang ginagawa ni ernan pumapatay na ito ng tao gabi gabi.Labis itong nagdusa sa pagkamatay ng kanyang asawa at anak.

Hindi alam iyon ni aling rosa.Ang pagkawala ng kanyang apo at ang asawa ni ernan ay patay na-rin.

Akala ng matandang si rosa ay tinutulungan lang siya ni ernan na hanapin si mela.Baka sakaling pag pumatay sila ng maraming tao sa bayan ng erzila ay biglang lumitaw si mela.
ilang araw nalang ang nalalabi ay kaarawan na nito.

Kapag hindi siya nakabalik sa tamang oras lahat ng lahing aswang ay mamamatay kasama na si mela.

Iyon ang binitiwan ng ama ni amanda bago ito  tuluyang mamatay at ibinigay sa kanya ang kapangyarihan ng isang aswang.

Ganun din ang nangyari bago mamatay si amanda ibinulong nito sa kanyang sanggol na sa oras na binitawan niya ang pagiging isang reyna ng aswang sabay sabay silang maglalaho na parang bula na parang walang nangyari sa bayan ng erzila..

Ngunit hindi iyon alam ni mela.

Aswang Sa Bayan Ng ErzilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon