Kabanata 18

180 5 1
                                    

Nang mapansin ng lalaki ang anyo ng dalaga na kanina lang ay kaharap niya,naalala niya ang babaeng sinaksak nito nuong nakaraang taon!

Hindi iyon pwedeng mangyari!patay na siya paano siya muling nabuhay?
Kaylangan kung umuwi sa amin upang masabi sa aking ina na nabuhay ulit ang reyna ng mga aswang.
Kung nabuhay siya muli Ibig sabihin nabuhay na muli ang lahat ng lahing aswang.

Habang patakbo ang lalaki sa kanilang lugar napansin nitong naroon pa ang babae at pinagmamasdan siya nito.

Naalala na kaya niya ako?
Akala ko ay nakaalis na siya?
Bakit narito pa siya!
Ang katanungan nitong sabi sa kanyang sarili habang binabaybay ang daan sa kanilang lugar.

Ngunit parang sabik si mela sa dugo ng tao kung kaya't nagmadali siyang humarang sa daraanan ng lalaking sumaksak sa kanya noon!

WAG PAKIUSAP WAG MO AKONG PATAYIN!NAGMAMAKAAWA AKO SAYO.
.
BAKIT!NAAWA KABA SA AKIN NOONG PINATAY MO AKO?
Ang galit niyang sabi sa lalaki.

'Patawad,pakiusap wag mo akong patayin!
Hindi kita papatayin kung mangangako kang sasabihin mo sa iyong ina ang nais kung ipabatid sa kanya.

Ano iyon,gagawin ko ang ipagagawa mo.

Hayaan na niya kaming mga lahing aswang at hahayaan narin namin siyang mabuhay.
Wala kaming ibang hangad kundi tanggapin kami ng mga tao sa bayan ng erzila,Ngunit ang ina mo lang ang humahadlang sa lahat!

Samantala nakarating na ang mga tao sa himlayan ng mga aswang noon.Ngunit wala na ang kabaong na naroon na nakita ng mga tao.

HINDI ito pwedeng mangyari,narito lang po kanina ang kabaong na aming nahukay.
Hindi po namin alam kung nasaan na ngayon bigla nalang naglaho na parang bula.

Hindi kaya nabuhay na muli ang lahat ng lahing aswang at sila ang nagtago sa himlayan ng kanilang reyna.
Kaylangan natin silang hanapin bago pa sila makapaminsala ng mga tao.

Pero anong laban natin sa mga aswang,likas silang malalakas sa atin!
Uhmmmmm!
ang tanging tugon ng mangkukulam.Bumalik ang mangkukulam sa kanilang bahay upang kunin ang kanyang mga kagamitan at para narin kontrolin ulit ang mga tao na hanapin ang mga aswang na muling nabuhay.

MAMA!
Ano nanaman ba ang balak mong gawin?
Tama na po mama,marami na ang namatay sa bayan ng erzila sa inyong kagagawan,hindi naman sila masama kung hindi natin sila kakalabanin.

TUMIGIL KA!wala kang karapatang sabihan ako ng mga dapat kung gawin!

NABABALIW NA KAYO MAMA!
Alam ko kung nasaan si mela pupuntahan ko siya!ang saad nito sa kanyang ina.

LAPASTANGAN KA JASMINE!
MAMAMATAY SILA SA AYAW AT SA GUSTO MO!

Ang sigaw ng ina ni jasmine.
kasabay noon ang pagkalat ng isang amoy na kukuntrol sa buong bayan ng erzila,upang sumunod silang lahat sa kanya.

Jasmine! ang tawag ng kanyang kuya.
Nasaan si mama?
Nasa bahay at gumagawa nanaman ng retwal para patayin ang mga lahi ng aswang.

Hindi niya pwedeng gawin iyon,nakausap ko ang reyna ng mga aswang na pinatay ko noon!At sinabi niya sa akin na hayaan na natin ang bawat isang mamuhay ng masaya,wala silang hangad na masama sa bayan ng erzila.

At ang huli niyang sinabi kapag lumaban pa si ina,ay hindi na sila magdadalawang isip na patayin ang sino mang kakalaban sa kanila.

Dahil sinabing iyon ng kanyang kuya ay kaagad silang bumalik sa kanilang ina at ipinabatid ang nais na mangyari ng reyna ng mga aswang.

NANINIWALA BA KAYO SA KANILA!
mga aswang na kumakain ng dugo at laman ng tao!

Hindi sila ganun ma! makinig naman kayo kahit ngayon lang!Wala na kayong laban sa kanila,marami na sila at hindi niyo na sila kaya pang labanan.

Nagkakamali ka!mamamatay parin sila sa ayaw at sa gusto niyo!

Walang nagawa ang magkapatid,dahil pati sila ay nakalanghap na ng amoy na kokontrol sa kanila.

WAG NIYONG GAWIN ITO!
Ang huling nasabi ni jasmine at kaagad nang sumugod ang mga tao sa bahay ng mga aswang na ngayon ay nagkakasiyahan sa muli nilang pagkabuhay.

MELA! apo narito kana pala,Paano nangyaring muli tayong nabuhay?
Hindi ko rin po alam lola,basta ang alam ko nakaamoy lang ako ng sariwang dugo ng tao at dumaloy sa aking himlayan at muli na akong nagkamalay.

Masaya kaming nabuhay muli,mula ngayon magbabago na tayo,hindi na tayo kakain ng laman at dugo ng tao,Hindi na tayo mananakit mabubuhay tayo na parang tao sa bayang ito.

Naputol ang usapang iyon ng mapansin ni mela na may mga boses at yapak na nagmumula sa di kalayuan at sinasabing patayin ang lahat ng lahing aswang.

May mga parating humanda kayo! ang sabi ni mela sa kanyang mga kalahi.

Sinabihan na kita hindi ba?
Hindi mo ba ipinabatid ang nais kong mangyari sa iyong ina?
Ang katanungang iyon ni mela,ngunit wala siyang sagot na narinig.

Nang bigla nalang umataki ang lahat ng mga tao sa kanila na may hawak hawak ng mga sandata.

IWASAN NIYO SILA,HUWAG NIYO SILANG SASAKTAN,AKO NA ANG BAHALA SA LAHAT!

at kaagad niyang tinungo ang kinaroroonan ng mangkukulam na komokontrol sa mga ito.

Wala kanabang puso?para pati ang mga anak mo ay kasama narin saiyong mithiin!
Ang katanungang iyon ni mela sa mangkukulam.
Ngunit bingi ang mangkukulam ang nais lang niya ay patayin ang mga ito.

Wala na akong pagpipilian kundi ang wakasan ang iyong buhay upang mamuhay ng tahimik ang mga tao.
Kasabay noon ang pagkitil ng buhay nito.

At biglang natauhan ang lahat ng mga mamamayan sa bayan ng erzila.
Anong ginagawa natin dito?
Ang saad ng mga tao.

Umuwi na nga tayo kung saan saan nalang tayo nakakarating ng walang kamalay malay.

Nang makauwi na ang lahat naiwan si jasmine sa lugar at hinahanap ang kanyang ina,ngunit wala na siyang makita kahit bakas ng kanyang ina.

Lingid sa kaalaman nang lahat na ang inang mangkukulam ni jasmine ay nananatiling nananalaytay parin sa kanyang dugo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Aswang Sa Bayan Ng ErzilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon