Lumipas ang mga araw sa buhay ni renato)
Naging matindi ang kanyang pag uugali.Hanggang sa mamalayan nalang nito na pati ang sarili niyang mga kamay ay kinakagat na ito Hanggang sa matanggal na ang kanyang balat sa kanyang kinagatan.
Anong nangyayari sa akin?
Bakit ko ginagawa ang bagay na ito?
Ang gulat na gulat niyang sabi sa kanyang sarili.Nang mapansin nitong may papasok sa kanilang bahay ay kaagad siyang nagtago.
Renato! renato, Renato anak!
Nasaan ka?
Ang bungad ni aling maria sa kanilang pintuan.Ngunit napatigil ito sa kanyang nakita.
Ano ang mga ito?
Dugo ba ito?
Ang Gulat na gulat na sabi nito.Kaya nagmadali siyang sinundan ang mga bakas ng dugo.
Pagkarating niya sa dulo ng bakas ng dugo,,patungo ito sa kanilang bodega)
Natatakot na ako!
Bakit may mga dugo rito!
Hindi kaya kinain na ng aswang ang anak kong si renato!Patakbong bumaba si aling maria sa kanilang bodega upang tignan kung anong nangyayari doon.
Pagkarating na pagkarating niya roon.
Hinihingal siyang nakarating sa kanilang bodega.
Nakita niyang nakaupo sa isang gilid si renato.habang kagat kagat nito ang kanyang mga kamay.Anong ginagawa mo sa sarili mo!
Ang sigaw nito!Mamamatay tayong lahat!
mamamatay tayong lahat!
Narito na ang anak ng aswang!
Mangyayari na ang sumpa ni aling amanda!Ang sigaw ni renato)
Paano mo nalaman ang mga bagay na yan!
saan mo narinig ang mga bagay na yan!
Ang paulit ulit na tanong nito sa kanyang anak.Nang bigla nalang tumingin si renato ng nakakasindak na tingin sa kanyang ina.Dahilan para mapatakbo ang kanyang ina upang humingi ng tulong sa nakararami.
Tulungan niyo kami!
ang anak ko'y nababaliw na ! pakiusap tulungan niyo kami!Ano bang nangyayari kay aling maria!
Ang bulungan ng mga tao.Agad siyang nilapitan ng isa sa kanilang mamamayan.
Aling maria! kumalma kalang!
huminga ka ng malalim at sabihin mo sa akin ang problema. ang saad ni Lucy ang isa sa mga tumugis sa pamilya ni mela na isang manghuhula.Ang anak ko! Ay nagsisimulang mabaliw,, simula nung makita niya ang bangkay ng babae sa palayan!
Anong gagawin ko ngayon?
Lagi nalang niyang sinasabi na mamamatay tayong lahat!
Tapos bigla nalang mag iiba ang kanyang ugali!"Nasaan ang anak mo ngayon?
Na-nasa bodega namin siya!Halika puntahan natin para makita ko kung may maitutulong ako sa kanya. Ang saad ni Lucy ang matandang manghuhula.
Nagmadaling nagtungo ang mga ito sa bodega upang makita si renato.
Pagkarating nila roon! Nakita nilang nakahandusay na si renato at wala ng buhay.
Sarili niyang katawan ang pumatay sa kanya.
Ang saad ng manghuhula.Masama ito!
Ito naba ang ganti ng pamilyang aswang na iyon!
Hindi ito maganda!Ang nakikita ko ngayon! panganib ang magaganap sa bayang ito.
Ang sino mang makakita sa mga bangkay na pinatay ng mga aswang ay tiyak na mababaliw at ganito rin ang kahihinatnan ng lahat.Mag ingat kayo! ang saad ng matandang manghuhula.
At kaagad na itong umalis dala narin ng takot sa kanyang nakita at naramdaman sa mga sandaling makita ang katawan ni renato sa ganuong ayos.Renato!! Anak! buhay kapa kanina nung umalis ako para humingi ng tulong! Pero ba- bakit ganito na ang nangyari pagbalik ko.
Wakwak ang buong katawan ni renato at halos wala nang dugo ang kanyang katawan.
Nang madatnan ito ng kanyang ina at nang matandang manghuhula.
Dahil sa di malamang pangyayari!
Sobrang natakot ang kanyang ina na si aling maria.
Kasama na-rin dito ang matandang manghuhula.Sobrang paghihinagpis ang nadarama ngayon ni aling maria. Kung kaya't halos hindi na ito lumalabas ng kanilang bahay. Maaga ring namatay ang kanyang asawa gawa ng matinding karamdaman matapos patayin ang pamilya ni amanda.
Sobra sobra na ang lagim na idinulot ng pamilyang iyon dito sa baryo erzila!
"Kahit wala na sila! patuloy pa-rin ang kanilang lagim!
Kaylangang mahanap ko ang anak ng aswang! ipaghihiganti ko ang aking anak!Ang Sobrang galit na galit na sabi ni aling maria sa kanyang sarili habang lumuluhang nakabantay sa burol ng kanyang anak na si renato.
Wala namang nag nanais pumunta sa burol ni renato dahil natatakot silang matulad din sila sa sinapit ni renato.
Tanging si mela lang ang nagtungo roon sa burol upang makita si renato.
Aling maria ayos lang ba kayo?
Mukha ba akong ayos!
Pinatay ng aswang ang aking anak!
Papatayin ko sila!
Ang galit na saad ni aling maria kay mela.Hindi kaba natatakot na baka ikaw rin ang sumunod sa bayang ito mela?
Samantala abala naman ang matandang si rosa sa paghahanap sa anak niyang si ernan)
Hindi ako natatakot aling maria! hindi naman aswang si renato para ako ang sumunod na mamamatay!
"Napaisip ang ina ni renato) sabagay tama siya Hindi nga aswang ang anak ko.
Dala lang po siguro sa tinding pag-aalala at takot kaya niya nagawa ang bagay na iyon.Ang paliwanag ni mela.
Pero paano?
saan napunta ang mga laman loob ng anak ko!
ang nanginginig na sabi ni aling maria.Agad napaisip si mela sa sinabi ni aling maria.
"Akala ko po ba namatay lang ang anak niyo ng biglaan iyon ang kalat sa buong bayan! hindi nila sinabing ganon pala kalala ang nangyari da kanya!Anong ibigong sabihin?
Sinabi kasi ni aling Lucy na nagpakamatay ang anak niyo.
Dala ng takot!
Iyon ang tumatak sa bayan ng erzila.
kaya ayaw pumunta ng mga tao ay baka pati sila ay madamay sa sinapit ni renato.
Ang malungkot niyang paliwanag kay aling maria.
BINABASA MO ANG
Aswang Sa Bayan Ng Erzila
TerrorAng isinilang na anak ng mga aswang ang inaasahan ng lahat sa muling pagkabuhay ng lahat ng mga lahing aswang.Paano kung sa isang iglap lang mawawalan ng buhay ang matagal nilang prinutiktahan upang maisakatuparan ang kanilang mithiin,ay maglalahu n...