Midnight's POV
I'm feeling a lot better, kaya pinyagan na nila akong pumasok sa school. And I still don't have any clue kung nasaan si Drake Saavedra. I know that moron will show up one day, nagpapagaling pa siya para sa susunod naming pagkikita.
"Night, about the upcoming event" saad ni Alexis. "Hindi pa natin nasisimulan ang practice because of what happened. At walang may alam sa kanila bakit hindi tayo nagparamdam ng halos dalawang lingo. Mabuti nalang na re-schedule ang event" mahabang paliwanag niya. Tumango lang ako at pumasok sa room. Nakita ko nagulat si New Girl sa pagdating ko, your reaction really tells everything I need to know. Lumapit sakin si Tyler.
"Bakit ngayon ka lang pumasok?" nag aalalang tanong niya
"I have errands to finish." matamlay na sagot ko. "We will continue our practice in my place later, and make sure magpapaalam kayo dahil late na talaga kayo makakauwi." Saad ko at tumango ang mga kaklse naming
Pumasok si Noah at nagsimula na ang klase. Occupied ang isip ko at hindi ako nakinig sa discussion kaya nagulat ako sa biglang pag tapik ni Alexis. Tinuro niya si Noah na nakatingin sakin. I sighed. Tumayo nalang ako.
"Are you okay?" tanong niya, tumango lang ako. He ordered me to sit down at nag patuloy sa klase. Nakita ko lumingon si Chase sa pwesto ko, he looked worried. I sighed and smiled at him, ayaw kong isipin niya ang mga nangyari sa hospital. Alam kong natakot siya sakin kahit hindi niya aminin ramdam ko. Okay na din si Papa, pinababantayan ko siya sa isang tauhan ni Mama. Hindi naman umangal si Mama sa ginawa ko.
And hindi parin kami okay. Para kaming mga estranghero sa bahay, hindi kami nag iimikan. Late na din siya umuuwi, panatag naman ang loob ko dahil kasama niya sila Tita Nathalie. Natapos ang klase ni Noah at dumirecho kami sa bahay dahil wala naman si Sir Katakutan. May mga sasakyan naman ang mga kaklase naming kaya nag convoy lang kami. Sumabay si New Girl kina Chase and as usual naka motor kami ni Alexis. Pagkarating namin sa bahay pinapasok ko na sila at pinaghanda kami ng makakain nila Tita Rhealene, andito pala sila. Pumunta kami sa pool area dahil malaki ang space dun. Kinuha nila Chase ang mga gamit sa loob ng bahay, the speakers, instruments and microphones.
"Okay, listen up. May mga suggestions ba kayo ng song na kakantahin nila Night at Tyler?" saad ni Alex sa mga kaklase namin.
"I have an idea, what if love song?" suhestiyon ng kaklase naming babae.
"Too common." Sagot ni Alexis.
"Why don't we have a mash up song." Sagot ng isang lalaki na naka glasses. Sumangayon ang mga kaklase namin, ganun din si Alexis.
"Pwede, pero gusto ko kakaiba." Saad niya
"We can do mash up in a storytelling manner." Sagot ni Tyler, napatingin ang lahat sa kaniya at hinintay siyang mag paliwanag sa ideya niya. "Well, parang nagkukwento ka lang ng buhay ng tao but musical ang atake. First we will make a script of a story and then we decide on the songs that will fit to the story we made. Tapos habang kumakanta kami, kelangan may projector na background tapos doon makikita ang kwento. Para siyang music video ang kaibahan lang, live kaming mag pe perform at ang video na I prepresent ay background namin. Gets niyo baa ng point?" tanong niya. Nag agree naman ang lahat, kaya napangiti si Tyler at tumingin sakin. Nag thumbs up lang ako.
"May concept na tayo, so may marunong bang mag sulat ng kwento ditto?" tanong ni Alexis. May tinuro ang mga kaklase namin. Yung nerd namin na kaklase,well they call her nerd kasi. Introvert at palaging mag isa. "Okay lang ba sayo iyon, Marie?" tanong ni Alexis sa kanya.
"Yeah, no problem." Nahihiyang saad niya, natuwa si Alexis kaya bigla niya itong niyakap.
"Kumain na muna kayo." Saad ni Tita Rhea at nakita ko may mga table nilagay ang tauhan ni Mama sa pool side at nilagay ang mga nilutong pagkain. Namangha naman ang mga kaklase naming.
"Salamat po Tita." Saad ni Alexis, ngumiti lang ito sa kanya. Nagsimulang kumain ang lahat, umupo lang ako sa sun lounger. Lumapit sakin si Chase may bitbit na pagkain at binigay sakin.
"I'm not hungry." Sagot ko. He sighed and insisted the food he brought.
"Babe, may problema ba? Okay naman tayo diba?" malungkot na tanong niya.
"Aminin mo nga, takot ka ba sakin?" seryoso kong tanong, he was taken a back. Tiningnan ko siya sa mga mata at naramdaman ko ang hesitation niya. I smiled painfully, base sa reaction ng mukha niya parang alam ko na agad ang sagot sa tanong ko. I stood up at akmang aalis pero pinigilan niya ako at niyakap.
"I was afraid, but it's not because of you." Mahinang sagot niya "Natakot ako sa sitwasyon, ayaw ko maulit ang nangyari at ayaw kong mapahamak ka. Natakot ako dahil alam ko wala na naman akong magawa para maprotektahan ka." Saad niya. I hug him back, nawala lahat ng iniisip ko dahil nakampante ako sa sinabi niya.
"It won't happen again" bulong ko sa kanya. "Don't be captured, alam ko dadating ang panahon na gagamitin ka nila para pasukuin ako." Nag alalang saad ko. "Promise me that you won't trust anyone but me and our friends. Wag kang mag papahuli dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko pag nangyari yun. Ayaw kong tuluyan kang matakot sakin Chase, mahal na mahal kita." Saad ko na ikinangiti niya, he kissed my forehead.
Nakita ko na nakatingin na pala sa amin ang lahat. Napatikhim ako, ngumisi sila Alexis sa amin. Napailing na lang ako at bumalik sa pagkakaupo. Kumain na kami ni Chase, naramdaman ko ang titig ni New girl sakin at kitang kita ko sa peripheral vision ko ang pagkainis niya. I smirked, malalaman ko rin ang tinatago mo. Kung sa inaakala mong napapaikot mo ako nagkakamali ka. I'll make sure you'll regret messing with my life, makikita mo kung paano ako hahataw ng kaparusahan. You'll feel my wrath and it will be a hundred times painful than you expected. Nilingon ko siya at nginisihan, wait for the right time Elena Lockwood. Once mahanap ko si Drake Saavedra, ikaw naman ang pagtutuunan ng pansin. At hinding hindi mo masasaktan ang mga taong mahalaga sakin, hanggat nabubuhay ako hindi mo sila magagalaw.
YOU ARE READING
HELLACIOUS VENGEANCE
ActionBook 2 of SFL ( SACRIFICE FOR LOVE) This story will show you how a mother seek her vengeance for her daughter who had been missing for a long time. And a daughter who is longing for a family's love and appreciation. Through their agony everyone will...