CHAPTER 40

12 3 0
                                    

Chase's POV


I know she's mad. Pero hindi naman tama ang ginawa niya. Inalalayan ko si Stephanie.

"Thank y-you Chase." sumisinghot na saad niya.

"Pasensiyahan mo na ang girlfriend ko. Medyo mainitin lang ang ulo niya."hinging tawad ko sa kanya on behalf of Midnight. Pumasok na kami sa classroom at napatingin sakin ang mga kaibigan namin ni Night.

"Oh, saan si bossing?" tanong ni Alexis.

"Something happened. Sinakal ni Night si Stephanie.."mahinang saad ko. Nakita ko nangunot ang noo ni Alexis.

"Sinakal siya dahil?" tanong ni Alexis.

"Yun na nga. Sinakal niya ng walang dahilan si Stephanie." nakita kong ngumisi si Alexis. Umiling din ito.

"Sa tagal na panahon kung nakasama si Night. Hindi siya nananakal pag hindi siya sinisimulan."seryosong saad ni Alexis. Tumingin siya sa nakayukong Elane. "What a great pretender you are darling"sarkastikong saad nito. "But if I were you, you'll stay away from her."banta niya at kinuha ang bag tsaka umalis.

"C-Chase natatakot ako." nanginginig niyang saad.

"Don't be afraid Steph. They wouldn't hurt you."saad ko. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. May narinig akong tikhim.  Paglingon ko nakita ko si Prof. Velasquez.

"Alex called me. Puntahan mo daw si Night. I'll send you the address."matabang niyang saad. "I don't know what you did, but you pissed her."nakangising saad nito. "Ms. Lockwood, I admire your skill."saad nito.

"I'm not acting nor pretending p-prof."naiiyak nitong sagot. Natawa si Prof.

"Who says about acting and pretending?"natatawang tanong niya. "I mean to say I love your skill. You can be a good historian someday. You know you're history very well."nakangiting saad niya kay Stephanie.

Nakita kong napayuko si Stephanie. At umiling iling si Prof at tumatawa. Nangunot ang noo ko. Prof Velasquez, Alexis and Midnight always talk in riddle. Or in a questionable way, matatameme ka nalang dahil hindi mo maintindihan ang mga sinasabi nila. Parang may iba pang ibig sabihin ang kanilang sinasabi. Katulad nalang ng mga binitawang salita ni Night kanina sa cafeteria.

"But an act can never fool me.....What I mean is acting is never a reality, so I don't enjoy watching others pretend."

"Alam mo, ayoko sa mga taong maraming tinatago. Lalong lalo na sa mga taong mapagkunyari."

"That's the point. She looks innocent but the way she acts hits different."

At ang mga pasaring na salita ni Prof at Alexis.....

"What a great pretender you are darling......But if I were you, I'll stay away from her."

"Ms. Lockwood, I admire your skill."

Tiningnan ko si Stephanie. She seems nice, at hindi naman siguro tama I judge siya agad nila. Wala naman siyang ginawang masama sa amin..  Tumingin ako sa mga kaibigan ko.

"Sama kayo?"tipid kong tanong. Tumango sila at kinuha ang mga gamit nila. "Aalis na muna kami Steph."paalam ko dito.

"May pasok pa ah?"saad niya. Nangunot ang noo ni Vape at tumawa.....

"Don't worry, they're excuse."saad ni Prof Velasquez na seryosong nakatingin sa kanya. Tumango lang siya at umupo na.

Umalis na kami. Sasakyan ko ang gamit namin, pinaiwan ko na ang mga sasakyan nila para sabay na kami.

"Where's Night?"tanong ni Reese. Tiningnan ko ang location na tinext ni Prof.

"Happy Bar."nagaalalang sagot ko.

Pag ka rating namin sa bar hinanap agad namin si Alexis at Night. Nakita namin na nakaparada ang kanilang motor sa labas. Kaya pumasok kami sa bar wala masyadong tao kasi tanghali pa naman, at walang masyadong umiinom sa gantong oras..... And there I saw my girlfriend talking to a man. And that man seems flirting with her, at dahil lasing na si Night hindi niya napapansin ang mga pasimpleng hawak at haplos nito.. Inis akong lumapit sa kanila, tumikhim ako to get her attention pero hindi yun nangyari.

"Midnight!"tawag ko sa kanya, pinipigil ko ang sarili sapakin ang lalaki. Lumingon sila sa gawi ko...

"I thought your name is Kaze, beautiful?" nakangusong tanong ng lalaki at hinawakan si Night sa pisnge. Agad ko hinila ang kamay ni Night.

"Let me go!"asik niya ng hawakan ko siya.

"Don't make me carry you!"bulyaw ko. Pinigilan ako ng lalaking kausap niya.

"Hey, you're hurting the beautiful lady." mahinang saad nito.

"Shut up!"sigaw ko dito. "And you dumbass! Stop flirting with my WIFE!"bulyaw ko at nakita ko napasinghap siya at sila Vape naman ay tawa ng tawa.

"Who says I'm married!?" inis na saad ni Night at pumiglas. Napabitaw ako sa kanya at lumayo siya sakin. "Take me elsewhere, Tyler."saad nito sa lalaki. Pipigilan ko pa sana siya ng hinila na niya ang lalaki paalis. What the!!!?

"B-Babe!"tawag ko.... "Midnight don't do this!"sigaw ko.. Hindi na niya ako nilingon at lumabas na sila ng bar. Tumakbo ako para humabol kaso huli na nakasakay na siya sa McLaren ng gagong yun!

"Damn it!" sigaw ko at sinipa ang isang lamesa. Nakita ko si Alexis humihingal at magulo ang buhok.

"Anyare sayo? Para ka namang ginahasa."pangaasar ni Vape. Pinandilatan siya ni Alexis.

"Where's Midnight?"humihingal niyang saad.  Nangunot ang noo ko....

"Hindi mo ba siya nakita?"tanong ko, umiling siya kaya nag taka ako. "Sumama siya sa lalaking kainuman niya."inis na saad ko. Nakita ko lumaki ang mga mata ni Alexis.

"What?"sigaw niya. "Seryoso ka ba jan? Midnight is not that kind of woman Echavez."saad nito.

"She's drunk."sagot ni Reese. And that make Alexis scream like crazy.

"WHY THE HELL DID YOU LET HER GO WITH SOME GUY!?" sigaw niya samin... " SHE'S IN THE SPIRIT OF ALCOHOL FOR GOODNESS SAKE !" frustrated niyang bulyaw.

"Damn it! Ayaw nga niya hawakan ko siya!"balik sigaw ko. Pinanlisikan niya ako ng mata kaya napaatras ako... Sheesh she's scary.

"F*ck you a***ole!!" mura niya sakin at umalis.

HELLACIOUS VENGEANCEWhere stories live. Discover now