Chapter 19: Revelations

19 4 6
                                    

Maxine's POV

Sumakay sila sa dala kong Van. Si Lhorton ang nag maneho kasi gusto niyang sumama.

"I know this may sound crazy. Pero si Ms. Santillan ang nawawala kong anak."napasinghap sila sa sinabi ko.

"What!?" gulat na tanong nilang lahat.

"When she was five years old nakidnap siya. At hinahanap namin siya at may nangyaring Hindi maganda. Kasabay ng pagkawala niya ay namatay ang parents ko. I was comatose in one month pagkagising ko wala na sila. At nawawala din ang anak ko. Hindi namin siya makita. Kahapon nakatanggap ako ng sulat galing kay Pedro Santillan, sinabi niya kung saan matatagpuan ang anak ko."naluluhang paliwanag ko. Chase handed me his handkerchief.

"Ikaw ang nanay ni Night?"gulat na tanong ni Alexis sakin. I nod.

"Alam niyo po Night is looking for her parents. Hindi lang niya sinasabi sakin pero alam ko gumagawa siya ng paraan para mahanap ang mga magulang niya. Si Lolo Pedro lang po ang may pakialam kay Night. Kaya nong namatay ang matanda umalis din si Night kasi ayaw niya umasa sa pamilya ng Lolo niya. Bago umalis ni Night may natanggap din siyang sulat galing kay Lolo Pedro. Ang sabi doon makikita niya sa Cortex University ang mga magulang niya. Kaya nag desisyon si Night na mag transfer at sumama ako para may kasama siya."mahabang paliwanag nito.

After a while nakarating na din kami sa bahay nila. It's a little bit small.

"Pasensiya na po kayo ah. Ayaw kasi ni Night tumira sa condo ko kaya ayun nag desisyon nalang ako ng mag hati kami sa upa ng bahay." nahihiyang saad niya. I just smiled at her. Pumasok kami sa bahay at nakita ko na may kasama siya. Aldrin Noah Velasquez. One of my trusted men in Blazing Dragons.

"Noah, andito ka pala. Siya nga pala si Ma'am Cortex at Sir Echavez."pakilala ni Alexis. Yumukod si Noah samin ni Lhorton. I smiled at him.

"Anong ginagawa mo dito Velasquez"nakangiting tanong ni Lhorton.

"A-Ah nilalagnat po kasi si Night kaya ako andito sir. Kayo p-po bat kayo nandito."nauutal niyang balik tanong samin. Hindi na kami nakasagot ng may nagsalita sa likod namin.

"What are you doing in my house?" malamig na tanong ni Midnight samin. Humarap ako sa kanya at dali dali siyang niyakap. Nagulat siya at bahagya akong tinulak.

"Lenzey.. It's me... Baby it's me, Mommy..."naluluhang pakilala ko sa kanya. Nakita ko nangunot ang noo niya.

"Nagkakamali po kayo Ms. Hindi niyo po ako anak." seryosong paliwanag niya. Umiling ako..

"You are my daughter. M-May natanggap akong sulat. Sinabi ni Pedro Santillan na Ikaw ang nawawala kong anak. Kaya maniwala ka sakin ako ang mommy mo. Hindi mo na ba ako matandaan anak? " humagulhol ako ng umiling siya. "It's okay that you don't remember me baby. Ang importante nakita na kita. Ang importante buhay ka. Mahigit sampung taon kita hinanap anak. I'm glad you're safe and alive."masayang sambit ko.

"P-Pano po ba ako nawala?"nalilitong tanong niya.

Kinwento ko ang lahat. Pati na ang pagkuha sa kanila ng Sneaky Phytons. Kinwento ko kung paano nawala siya at ang grandparents niya.

"I-Ikaw ang nanay ko? So totoo nga ang mga panaginip ko. A-Ako pala ang batang yun. " di makapaniwalang saad niya. She just sighed. Lumapit siya Kay Velasquez at niyakap ito.

"Si Aldrin Noah Velasquez  ang tumulong sakin upang hanapin ang pagkatao ko. Tinulungan niya ako para makita ko na Ang mga magulang ko. Pero si Lolo Pedro ang nagbigay sakin ng isang malaking hint kung saan kita matatagpuan. Sabi niya sa sulat nasa Cortex University ko daw makikita ang sagot. Pero ang Lolo Hindi man lang binigay sakin ang pangalan niyo. Pero masaya ako na nakita ko na kayo. " seryosong saad niya at niyakap ako. Hindi ko mapigilang umiyak. My sweet baby is back.

"Pack your things. Sasama na kayo dalawa sakin. Don't worry Alexis sa amin ka na din titira. Para may makasama pa din si Lenzey."nakangiting saad ko. Ngumiti Sila at umakyat sa kanilang mga kwarto upang mag ligpit.

"I still can't believe na may anak kayo Tita. But I'm happy na si Night yun. Tita alam mo bang gusto ko si Night? Sana po payagan niyo po akong ligawan siya."nahihiyang paalam ni Chase. Ginulo ko ang buhok niya. At tinawanan siya ni Lhorton.

"Siya pala yung nahalikan mo Chase HAHAHHA. "tukso nang tiyuhin niya.

After a while nag bitbit na sila ng mga gamit nila. Tinulungan Sila ng mga kaibigan ni Chase.

"Let's go?" masayang sambit ko.
Pumasok na kami sa Van. At sinabi ko narin na doon na kami kakain sa bahay.

Cortex Mansion

Pag pasok namin sa loob nakahanda na Ang pagkain. Andun narin si Steven at Nathalie. Niyakap ako ni Steven at hinalikan sa noo.

"I found her Hon. I found my daughter."I sobbed while hugging him.

"Hi Lenzey, welcome home."naiiyak na saad ni Nathalie. "Ang laki mo na, payakap nga si Tita Nath." she spread her arms and Lenzey hugged her.

May biglang pumasok. Rhealene, Mica, Harold, Andrei, Ice and Nick. The gang is here again. May dala pa silang mga maleta.

"Guys, what brought you here?" masayang tanong ko sa kanila.

"We heard the news. Our Lenzey is back." masayang sambit ni Mica. Nakita nila si Lenzey at dinumog nila ng yakap.

"Ouch, watch it. May s-sugat ako." Lumayo ang mga kaibigan ko sa kanya. I smiled at her apologetically.

"M-Ma, wag niyo na po ipaalam sa school na anak niyo ako. Ayaw ko po ng special treatment. Ayoko sila maging plastic sakin. I hope you'll understand."mahinang saad niya. I just sighed and nod at her. Pinahanda ko na Ang kwarto niya at kwarto ni Alexis.

HELLACIOUS VENGEANCEWhere stories live. Discover now