Midnight's POV
Napatigil ako ng marinig ko ang pagkasa ng baril. The lights went on. I remained calm and breathe. Kailangan kong mag focus, ayokong may mangyaring masama kay Poison, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"Well if it isn't my great nemesis, Midnight!" saad ni Drake na nakatutok sakin ang baril. "Surprised that you came alone, nasaan na ang mga alagad mo?" tanong niya.
"I don't need anyone, kayang kaya kitang labanan mag-isa Drake. Have you forgot how many times I kicked your ass?" I smirked and I saw how he clenched his fist.
"Ang yabang mo talaga kahit kelan!" bulyaw niya sakin. I just smirked pinidot ko ang button na nakalagay sa wrist ko I activate my chains.
"M-Meshuga..." sigaw ni Poison ng makita ako, I saw blood everywhere. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya. "Leave while you s-still can..." bulyaw niya sakin. I clenched my fist and looked at Drake, one thing about me is that blood makes my veins wild. When I see blood the demos in me rise. Pinapaikot ko ang chains sa katawan ko. I'm not afraid of bullets sa katunayan nga kaya kong umiwas sab ala. I've been training myself para hindi ako matalo in the end.
Pumutok ang baril—mabilis akong umiwas, ramdam ko ang sipol ng bala na dumaan sa tenga ko. Bago pa siya makaputok ulit, pinalo ko ng buong lakas ang kadena diretso sa pulso niya. Napa-igik siya at nabitawan ang baril, kasunod ang isang malutong na hampas sa panga. Tuluyang bumagsak, walang malay.
One down 19 more to go...
Nagkatinginan ang mga tauhan ni Drake, sabay-sabay silang sumugod na parang mababangis na aso.
Wrong move... ngumiti ako ng malamig.
Hinugot ko ang mga shuriken hindi ito basta-basta, bawat talim ay pinahiran ng lason. Isang mabilis na ikot ng pulso, at kumislap sa ere ang mga bakal. Sunod-sunod ang sigaw habang tumatama ang mga ito sa laman, direkta sa mga leeg, dibdib, at braso. Isa, dalawa, tatlo... bawat tinamaan, napakapit sa sugat, nanginginig, bago tuluyang bumagsak. Hindi nagtagal, lahat sila nakahilata sa sahig, wala nang gumagalaw.
"You're next Drake—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng hawak niya si Noah at tinutukan ng baril. I glared at him. "Put him down Drake!" mahina ngunit may diing saad ko. "PUT HIM DOWN, DAMN IT!" bulyaw ko sa kanya.
Tumawa lang siya at pinukpok ng baril si Noah napadaing ito sa sakit. "You piece of crap, wag kang duwag Saavedra." Sigaw ko sa kanya
"Let's make a deal then" nakangising saad niya nakita kong umiling si Noah at napasuka siya ng dugo ng tinadyakan siya ni Drake. Fuck it!
"Anong gusto mo!" malamig na saad ko.
"Talunin mo ang mga tauhan ko ng walang gamit na armas" nakangising saad niya. Pumito si Drake isang matinis na tunog na agad umalingawngaw sa bawat sulok.
Mula sa dilim, nagsilabasan ang mga tauhan niya, lahat armado ng baseball bat na parang sabik durugin ang buto ko. Lumayo si Drake kay Noah, nakangisi habang pinapanood ang eksena. Pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang mabilis na kilos ni Noah may dinampot siyang maliit na bagay sa sahig.
Susi. Tahimik, halos hindi gumagalaw, dahan-dahan niyang kinakalas ang mga bakal na nakakulong sa mga paa't kamay niya. Ang mga tauhan, sabay-sabay nang sumugod. Ang unang bumayo ng bat, iniwasan ko ng mabilis, sabay sapol sa braso at pinilipit hanggang mabitawan niya ang armas.
Isang siko sa panga, bagsak agad siya. Dalawa pang lumapit sa kanan ko. Siinalubong ko ng malalakas na suntok sa sikmura at tuhod, hanggang pareho silang matumba. At doon ko narinig KLAK ang lagaslas ng bakal na nalaglag sa sahig. Nakatayo na si Noah, malaya na. Wala siyang armas, wala rin ako pero sapat na ang kamao't paa namin. We are good at fighting even without weapons.
"Let's end this," mahinang bulong ni Poison. I smirked and nod at him.
Sabay kaming gumalaw. Habang ako'y humaharang sa kaliwa, mabilis niyang inunahan ang isang kalaban, pinigilan ang bat sa ere, at binigyan ng matinding suntok sa sikmura. Isa pang umatake sa kanya, pero sinalubong niya ng tuhod sa dibdib at tinapos ng roundhouse kick. Nagpalitan ng sigawan at hampasan sa bawat buong sulok, pero isa-isa silang bumabagsak. Ako sa kanan, siya sa kaliwa parang sanay na sanay kaming magkasama. Bawat tama ng kamao, bawat sipa, eksakto at walang sayang na galaw. Ilang minuto lang, wala nang nakatayo. Lahat ng tauhan ni Drake, nakahandusay, umuungol o walang malay. Tumigil kami, parehong hingal, parehong nakatingin kay Drake.
"Let me have him" saad ko nang tumingin ng matalim kay Drake. Mula sa likod ng jacket, dahan-dahan niyang inilabas ang balisong. Nauna siyang sumugod, naghabol ng saksak. Umiwas ako, ramdam ang init ng hangin sa pisngi ko. Gumanti ako ng suntok sa sikmura niya, pero mabilis siyang nakaatras, nag-ikot ng balisong, at muling umatake. Nasa gilid si Noah, nakabantay, pero hindi siya sumisingit, dahil alam niyang laban ko ito.
Nagpalitan kami ng atake siya, mabilis na saksak at ako, suntok at iwas. Tumama ang isang hiwa sa braso ko, mahapdi, dumaloy ang dugo pero kinagat ko lang ang labi at sinugod siya ng malakas na hook sa panga. Napa-atras siya, pero hindi pa rin bumitaw sa patalim. Hanggang sa sa isang iglap, nagkamali siya ng galaw. Sinubukan niyang sumaksak pababa, pero nasalo ko ang pulso niya gamit ang dalawang kamay. Buong lakas kong pinilipit, hanggang marinig ko ang lagitik ng litid. Napa-igik siya at nabitawan ang balisong. Bago pa makabawi si Drake, sinampal ko siya ng kaliwa, sabay suntok ng kanan diretso sa sentido. Tuluyang bumagsak si Drake sa sahig, umuubo ng dugo, halos hindi na makagalaw. Huminga ako nang malalim, nanginginig ang kamao kong may dugo. Lumapit si Noah, dinampot ang isa sa mga bakal na kadena, at mabilis na iginapos ang mga kamay ni Drake sa likod
"It's over Saavedra!" malamig at nakangising saad ko. "Dalhin natin siya sa HELL" saad ko. At umalis na kami bago pa man kami makita ng leader nila.
"Thank you Meshuga, what will I do without you!" nakangiting saad niya. I smiled...
I'm glad Noah's safe, i can't forgive myself if anything happens to him. He's important to me.
YOU ARE READING
HELLACIOUS VENGEANCE
ActionBook 2 of SFL ( SACRIFICE FOR LOVE) This story will show you how a mother seek her vengeance for her daughter who had been missing for a long time. And a daughter who is longing for a family's love and appreciation. Through their agony everyone will...
