Chapter 75: GULO MO...

1 0 0
                                        


Midnight's POV


Maaga akong nagising... naligo ako at nag ayos dahil may pasok pa. Kahit masakit pa ang katawan ko hindi ako pwedeng hindi pumasok. Kelangan ko alamin kung anong pakay ng dalawa sakin... samin. Bumaba na ako at nakita ko sila Mama at mga kaibigan niya na kumakain pati sila Alexis at Chase. Umupo ako sa tabi ni Chase at hindi niya ako pinapansin. Hinayaan ko na lang alam ko lilipas naman din ang tampo niya sa akin. Tahimik kaming kumakain tanging kutsara at pinggan lang ang madidinig mong ingay sa loob ng dining area.


"Una na po ako." Saad ni Chase at umalis. Tiningnan nila ako...

"Stop staring!" naiinis na saad ko, bumuntong hinga lang si Mama at nagpatuloy sa pagkain. Tumayo na din ako at sumabay na si Alexis sakin.


"Alis na po kami." Paalam niya.


Sumakay na kami sa mga motor naming at pumuntang paaralan. Nag parking na kami.


"Sana peaceful ang araw na to." Saad ni Alexis. Hindi na ako nagsalita at dumirecho na kami sa classroom. Nakikita ko nagtatawanan si Chase at si new girl. Pumasok ako at dumirecho sa upuan ko.


"Hi, gorgeous." Nakangiting bati sakin ni Tyler.


Tinanguan ko lang siya. Nagsimula na ang klase at laking pasalamat ko at hindi ako tinatawag ng mga teacher dahil wala ako sa mood sumagot. Recess na at inaya ako ni Tyler kumain. Tinanggihan ko lang siya at lumapit ako kay Chase.


"Gutom ako, kain tayo." Aya ko sa kanya.


"May lakad kami ni Stephanie." Malamig na saad niya. Tumingin sa amin ang mga kaklase namin pati ang mga kaibigan namin. I smiled at the new girl. I smiled devilishly. Kinuyom ko ang palad ko nakita ko ang kaba sa mukha ni Alexis. Magsasalita na sana ako ng may matipinong boses akong narinig.


"Sup BP." Nilipat ko ang tingin sa pintuan kung saan nakasandal si Ryle. "Tagal mo naman mag reply na miss kita." Saad niya at lumapit sakin. Tinaasan ko siya ng kilay... "Hindi mo ba sinabi sa kanya Alexis?" saad niya. Nilingon ko si Alexis.


"Sasabihin ko pa lang..." paliwanag niya.


"What is it Ryle?" inis na tanong ko. Nakita ko tiningnan niya si Tyler at Stephanie. Kaya nakuha ko ang ibig niyang sabihin. "Alexis, aalis na muna kami." Saad ko at kinuha ang bag ko. Nakita ko tumingin si Chase kay Ryle.


"Ako na, Princess...." Inagaw niya ang gamit ko at kinindatan ako...


"Akala ko ba gutom ka" sabat ni Chase sasagot n asana ako ng naunahan ako ni Ryle...

"Ako na ang bahala sa kanya. BP, loves my cooking." Nginisihan niya si Chase alam ko nangaasar lang siya. Hinila na niya ako palabas..


"You don't have to say that" inis na saad ko sa kanya. He just chuckled.


"He deserves that, rinig na rinig ko ang pagtanggi niya sa alok mo." Saad niya... "No one should treat you like that BP, you're respected in the arena he should know how to treat you well." Paliwanag niya. I sighed at nginisihan siya. "Sa condo nalang tayo wag ka nang magdala ng motor bitbit ko ang sasakyan, ihahatid nalang kita mamaya" tumango nalang ako.


Nakarating kami sa condo niya. Pumasok kami at sabi niya magluluto muna siya ng pananghalian kaya umupo muna ako sa couch niya diko namalayan na nakatulog pala ako.


"Hindi na kita ginising mukhang pagod na pagod ka." Saad niya


"Tang-ina ka talaga!" saad ko na ikinatawa lang niya.


"Kumain ka muna." Saad niya at umupo na rin siya kaharap ko. "Jeremy Tyler Salvatore, nalulubog ang pamilya niya sa utang pero isang araw bigla nalang silang nakaahon." Saad niya. Tumigil ako sa pagkain.


"Interesting, how about the new girl?" tanong ko


"Hindi naman siya nagtatrabaho. Sa katunayan nga nakita ko siyang tumutuloy sa isang condo at may pulang Porsche." Saad niya at kumain. I smiled. Nagpatuloy na kaming kumain.


"Thanks again Ryle. Maasahan talaga kita. I owe you three." Kinidatan niya ako. "Ihatid mo na ako sa bahay. Sasabay ako kay Alexis bukas." Sumaludo lang siya sakin. Hinatid niya ako at umalis narin siya. Pag pasok nakita ko si Chase sa living room kasama si Stephanie.


"What the hell are you doing here?!" pigil inis na saad ko. Tumingin sila sakin I saw her smirked at me. "Bingi ka ba?!" bulyaw ko sa kanya. Nakita ko lumabas si Alexis sa kwarto niya at ganun din ang mga kaibigan ni Mama.


"Ano bang nangyayari sayo Night?" tanong ni Chase "May ginagawa lang kaming assignment. At dibah pinagbawalan akong umuwi sa bahay dahil sa gulo mo" huli nang ma realize niya ang sinabi niya, akmang hahawakan niya ako. Iniwas ko ang kamay ko sa kanya. Dali-daling lumapit si Alexis sakin.


"Gulo ko? Nice choice of words Chase." I smirked


"That's... not what I meant." Lalapit sana siya sakin ng pinigilan siya ni Alexis


"Oh, but you said it." my tone was calm, almost icy, but chest tightened. "Funnyhow the truth slips out when you're angry." I smiled bitterly. Hindi ko na siyahinayaang makasagot at pumunta na sa kwarto ko.

HELLACIOUS VENGEANCEWhere stories live. Discover now