Midnight's POV
Maaga akong gumising kaya maaga din akong umalis. I went to Lolo's grave. PEDRO SANTILLAN...
"Pasensiya at hindi ako masyadong nakakabisita sayo, Lo. Life's messier than before. Mas madali lang ang mga gulong pinapasukan ko noon, pero ngayon hindi ko naman pinasok pero parang hindi ako makaahon. Wish you were here Lo." Kwento ko sa puntod niya. Umalis na ako at pumuntang paaralan. Nakita ko sila Alexis dun. Hindi ko sila pinansin at umupo lang ako sa pwesto ko. Hindi din ako pinansin ni Tyler dahil kita naman sa mukha ko na ayaw ko ng istorbo. Natapos ang klase sa umaga nauna akong umalis papuntang cafeteria para kumain. Tumabi sakin sila Alexis at si Chase umupo sa harap ko.
"Paki sabi kay Mama na hindi ako uuwi mamaya. Isang lingo akong mawawala." Utos ko kay Alexis. Lumingon lahat sila sakin
"San ka pupunta?" tanong niya.
"May aasikasuhin lang." bored na sagot ko at kumain. Bumuntong hinga si Alexis.
"Sasama..." hindi ko siya pinatapos.
"Don't worry. Kasama si Apollo." Kita ko ang gulat sa mga mata nila. Naramdaman ko ang titig ni Chase pero di ko siya binalingan ng tingin.
"Kaya pala binigyan ako ng pera nun masaya pala!" saad ni Alexis at tumatawa. Nababaliw na naman ang isang toh.
"Mag-usap tayo." Sabat ni Chase, tumingin ang mga kaibigan namin sa kanya at sakin.
"Wala na tayong dapat pag usapan..." malamig na saad ko.
"Don't make this hard for me..." halos pabulong na pakiusap niya.
Napangiti ako ng mapait, bahagyang napailing. So, I'm making it hard for him, huh?
"If you want things to be less complicated..." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sumabat si Alexis.
"Night..." hindi ko na siya pinatapos. Nakita ko ang kaba sa mga mata niya at nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Chase.
"Maghiwalay na tayo." Pinilit kong patigasin ang boses ko. To hide the pain. "Tama ka everything is in chaos, kaya para hindi ka na madamay sa gulo ko. Maghiwalay na tayo." At tuluyan na akong umalis ng cafeteria. Pumunta ako sa parking lot at kinuha ang motor ko at umalis.
Naramdaman ko may sumusunod saking sasakyan. Red Porsche... Nagpaharurot ako wala masyadong tao sa kalyeng toh dahil papunta sana akong Gym. Pinaulanan ako ng bala at natamaan ako. I called Noah may built in ang motor ko pinagawa ko para in case sa emergency may magagamit ako.
"Poison, I'm wounded and I'm gonna pass out any minute. Malapit lang ako sa Gym p-pakibilisan." Kalmadong saad ko
"Damn it. Papunta na ako!" ramdam ko ang inis niya.
Makalipas ang ilang minuto nakita ko ang sasakyan ni Noah. Nawalan ng kontrol ang gulong ng motor ko... may tumama sa likod at sumemplang ako. Bumagsak ako sa aspalto, dahan-dahang kumupas ang paligid. Everything went black.
Noah's POV
Nataranta ako nang tawagan ako ni Night. Hindi siya basta-basta humihingi ng tulong, maliban na lang kung desperado na ang sitwasyon.
Pagdating ko, gulat ako nang biglang sumemplang ang motor niya. Gusto kong habulin yung pulang sasakyan, pero mas importante siya. Tumakbo ako agad sa kanya. Walang malay, duguan, may tama ng bala sa tagiliran, at may sugat pa sa noo galing sa pagkakasemplang.
Kinalong ko siya at agad na tumawag kay Alexis. "Pumunta kayo sa **** Hospital. May tama si Night!"
Pinakuha ko rin ang motor niya, tapos dumiretso na kami sa hospital. Pagdating doon, dinala agad siya sa ER. Kung sino man ang may gawa nito, magbabayad siya.
Tinawagan ko ang isang kaibigan. "Locate a Red Porsche. Hanapin mo kung sino ang may-ari.
Send me the details."
Maya-maya, dumating sila Alexis, Chase, at iba pa naming kaibigan.
"Anong nangyari?" sabay sabay nilang tanong.
"Tinawagan ako ni Meshuga, at sabi niya may tama siya. May nakita akong pulang sasakyan hindi ko na nahabol dahil nakahandusay na si Meshuga pagkarating ko." Paliwanag ko sa kanila.
Makalipas ang kalahating oras inilipat na si Meshuga sa private room. At ayos na daw ito sabi ng doctor sadyang pagod lang ang katawan kaya hindi agad gumigising. Dumating ang Blazing Dragons and Silver Chains. Yumukod ako to pay my respect.
"Details..." malamig na saad ni Helliafire.
"Pinapahanap ko na po ang may ari ng Red Porsche." Saad ko tumango lang siya at lumapit kay Meshuga.
"Lhorton, you know what to do." Saad niya at tumango lang ito at umalis. "Nathalie, delikado na ang lahat. Make a meeting and tell the faculty the classes from now on will be held virtually. Ikaw na ang bahala magpaliwanag sa mga estudyante." Seryosong saad nito. I can sense the upcoming war. "Alexis, umuwi na kayo." Saad niya kina Alexis.
"But Tita..." hindi natapos ang sasabihin ni Chase ng magsalita si Meshuga.
"Go home Chase..." malamig na saad niya. "All of you, go home."
"Lenzey, hindi pwede." Mahinahong saad ni Helliafire
"Utang na loob umalis na kayo!" may diing saad niya. Nagulat kami ng may biglang pumasok... Mark Bonjie Incarnate kasunod ay si Apollo Ezekiel Padilla.
"Kaze..." tawag ni Ezekiel
"Princess..." nag aalalang tawag nito. Niyakap niya ito. "What did you get yourself into?" bulong niya halata sa boses nito ang pagalala.
"I'm okay Pa. No need to worry." Seryosong saad ni Meshuga. "Can we all go home. I hate the smell of hospitals." Inis na saad niya.
"You're right... it's safer at home," sagot ni Helliafire, kalmado ang tono. "We have a family doctor. He can check on you there."
YOU ARE READING
HELLACIOUS VENGEANCE
ActionBook 2 of SFL ( SACRIFICE FOR LOVE) This story will show you how a mother seek her vengeance for her daughter who had been missing for a long time. And a daughter who is longing for a family's love and appreciation. Through their agony everyone will...
